Just a Moment Longer

16.1K 299 133
                                    

DEANNA'S POV


Life couldn't get any better right now. Parang di ako nauubusan ng energy. Pati sa paglilinis ng kwarto at paghuhugas ng pinggan ay inspired ako.


Yan ang nagagawa ng pag-ibig.


Maganda pa rin ang takbo ng relationship namin ni Jema.


Siguro minsan may tampuhan or hindi pagkakaintindihan but we always make sure na magka ayos kami at the end of the day.


Ayoko naman syang matulog ng mabigat ang puso. I want her mind to be at peace.



Naglalakad ako ngayon papuntang gym. Nagkaayaan kasi ang team na mag friendly game bago ang summer vacation.


Di na rin kasi kami nakapag bonding masyado lately. Syempre marami din school works at di rin naman kami magkapareho ng course.


"Ui Wongskie! Antayin moko"

Paglingon ko ay nakita ko si ate Bei.

"Ate! Lika na baka andun na sila"

Sabay na kaming pumasok ng gym.

Andun na nga yung mga teammates namin.


Sinimulan na namin yung game. Nakakatuwa maglaro ng walang pressure at walang coach na sumisigaw sa amin hehe peace. Love po namin si Coach O.


Tawa lang kami ng tawa pag nagkaka error. Minsan breaking the rules pa haha.

Pagkatapos ay nag chika session na naman kami sa bench.


Nagdala ng kung ano anong junk food na pinagsaluhan namin lahat.

"Meron pa ring sobrang inspired mag laro ah" sabi ni Dani habang sinisiko ako.


"Syempre iba na talaga pag may bebeh hahaha" singit naman ni Ponggay.

"Well, hahaha corny na kung corny pero ewan ko bah. Para akong binibigyan ng unlimited energy ni Jema" nahihiyang sagot ko.


"Hhhmmm minsan ba inuubos nyo din ang energy na yan? Hahaha" pang aasar ni ate Bei na nakangiti ng nakakaloka at tinataas baba ang mga kilay nya.

Nagtilian naman sila lahat.

"Huuuiii bad hahaha" sabi ni ate Mads.

At nagtawanan na naman sila.


Pero napansin ko lately, hindi ko na nakikita si ate girl na pumupunta dito sa gym. Yung palaging andito noon na nakayuko lang sa tuwing dadaan sya at madalas naka cap.


Nag break na kaya sila ng jowa nya? Kaya ba hindi na sya pumupunta dito sa meeting place nila? Kawawa naman kung ganon.

"Hhhmm ayan kana naman! Masyadong pakialamera eh. Bakit sure ka ba na jowa talaga yung pinupuntahan ng tao dito? Di mo pa nga sya nakikita na may kasama eh" sabi ng isip ko.


Oo nga naman haha wag na mangialam sa trip ng iba.


"Hoiii Deanna Wong! You spaced out again. Wag palaging iniisip si Jema" nagulat ako ng tinapik ako sa balikat ni Ponggay.


"Luh hindi ah. Na notice ko lang kasi wala na yung babaeng palaging pumupunta dito. Yung palagi lang nakayuko? Napansin nyo ba yon?" sabi ko sa kanila.


"Oo napapansin ko sya non. Ang creepy nga minsan eh" sabi ni ate Kat.

"Oo nga medyo ang weird" sabi naman ni ate Mads.

My Silver LiningWhere stories live. Discover now