Prologue

70 11 6
                                    



PROLOGUE

"Sis, this is getting way too intense." Madiin na sabi ni Xzannie na kanina pa nanginginig sa takot at pilit na itinatago ang mukha sa likod ng box ng popcorn na hawak.

This girl, she really is a softie. Napailing nalang ako at tumawa.


Ibinalik ko na ang tingin ko sa big screen. Yep, we're watching horror. Kasama ko ang mga kaibigan ko and we're watching this weird movie called "BLOOD LUST".

It's weird because the movie seems so familiar. Ang galing nga kasi parehong-pareho kami ng characteristics ng bida.

Gabing-gabi na at tska parang kami lang ang nandito sa loob ng cinema house. Or should I say na kami lang talaga. Nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sumikat ang movie na ito. Tska inaaya ko rin ang mga iba kong kaibigan pero lagi nilang sinasabi ni ayaw nila dahil wala pa naman silang nakikitang trailer. Funny to think huh?


Aaminin ko, medyo nakakakilabot dahil madilim. At isama mo na ang lamig. Partida, nanonood pa kami ng horror. Ano pa bang kulang?

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay biglang may kumalabit sa akin. Napalingon ako.

"What time is it?" Matamlay na tanong ni Francine na mukhang bagot na bagot na sa pinapanood. Francine really is the type of friend na mukhang walang pakialam sa mundo pero maingay din somehow.


Tumingin ako sa relo ko. "It's—11:27."

Napabuntong hininga siya at sumandal. Is she okay? She really looks so pale. I looked at Margarette at nakita kong nakatingin din siya kay Francine.

These two are really close and when I say really close, I mean reaaally really close. Parang sila nga ang magkapatid sa barkada namin eh.

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa pinapanood. The movie's ending pero wala akong napapanood kundi ang pagkagat ng mga baliw na tao sa kapwa nilang tao. Zombie movies, too cliche. Tch.

"Bingo!" Sambit ni Zach nang natapos na ang movie. And with that, nakagat ng zombie ang bida and then it all went black. After that, nagpakita sa screen ang mga katagang "END OF CHAPTER 1"

"End of chapter one? May chapter two pa? Tss, patay na nga yung bida eh." Natatawang sambit ni Miranda.

"That's it, guys. There you have it." Tumayo na ako at pinagpag ang aking sarili.

"Teka, Izele." Tawag sa akin ni Alec. "Have you noticed? Ang galing! Parehong-pareho kayo ni Krisa sa movie."

Ngumisi nalang ako. "Yeah? So weird."


I looked at the boy beside me. Tulog, may bahid pa ng cheese sa labi at nakataas pa ang damit. His name's probably Christian Angelo Farnacio or also known as Father of All Trades; the smartest one in the squad. We call him Ian.

"Wake up, sleepy duck." Sambit ni Aliah sa kapatid niyang si Ian.

Tumingin ako sa relo ko. It's almost 12. Ugh, my back hurts and I freakin' need to drink!

"Let's go guys. I feel so exhausted!" Reklamo ni Margarette but we call her Marga.

Naglakad na kami. Oh, i'm right! Kami nga lang talaga ang nanood. Kaya pala mukhang kami lang ang maingay at sumisigaw dito.

Pagkalabas namin sa loob ay bumungad sa amin ang napakadilim na mall. Malamang, sarado na nga. Pero nagtataka ako, "Bakit walang guards?"

Napakatahimik. Napakadilim. At nakakakilabot. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Biglang tumakbo papalapit sa akin si Alec habang naglalakad kami pababa sa naka-off na escalator.

"What again Alec?" Bagot na tanong ko.

"Come to think of it, nag-end ang movie na nanood sila Krisa ng movie at pagkalabas nila ng mall ay kinagat sila ng mga zombie. Paano kaya kung ganon din mangyari sa atin ngayon?" Tanong niya.

"Damn you!" Tinulak ko si Alec at bigla siyang tumawa. Binato din siya ng mga mura nila Miranda. Ano ba namang klaseng tanong yun?

Sila Marga, Xzannie at Joudee at Nicolanie ang nangunguna sa amin. Tumingin ako sa likod sa pag-aakalang ako ang huli pero meron pa pala si Francine na mukhang matamlay pa rin. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Geez. This place gives me goosebumps!" Nag-echo sa loob ang sigaw ni Joudee habang naglalakad kami palabas. Napabuntong hininga naman si Nicolanie na katabi ni Joudee. We call her Nicole, for short.

Nang nakarating na kami sa bukas na pinto ay nilanghap ko ang sariwang hangin. Pero nagtaka ako kung bakit may kakaibang amoy rito. Parang malansa—amoy bakal. Napakadilim din ngayon. Why did they freaking turn the lights off?

"Freaking smell.." Mahinang reklamo ni Xzannie.

Patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa pinag-park-an ni Alec ng sasakyan niya nang may narinig akong matinis na kaluskos. Napakunot ang noo ko.


Napahinto ako at lumingon. Wala namang kakaiba, napatingin nalang ako kay Francine na nasa hulian pa din. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Tunog lang ng mga paa namin ang bumabalot na ingay sa napakatahimik na lugar. Humikab pa ako at napahawak sa masakit kong leeg.



Nang malapit na kami sa sasakyan ni Alec, kahahawak ko pa lang sa pintuan nang biglang naging sensitibo ang pandinig ko nang narinig ko ang napakalakas, nakakakilabot at napakatinis na sigaw ni Francine.


Nang lumingon ako ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Sa isang iglap, bigla akong kinain ng takot at wala akong nagawa kundi mapasigaw.



END OF PROLOGUE

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now