Chapter 5

31 11 0
                                    




WE HAVE A PROBLEM







IZELE




"Oh my freaking god!"

Malalaki ang mga mata ni Xzannie habang sapo niya ang ulo niya. Nagising din sila Joudee at Nicole dahil sa biglaan niyang pagsigaw.

"What?" Nasapo din ni Alec ang noo niya. Kunot-noo kong tinitignan si Xzannie. Her eyes are full of fear and sorrow. I can also see her hands shaking. Anong nangyayari sa kanya?


Napa-iling si Xzannie. "Nothing.. Masama lang ang panaginip ko.."

I gulped. I leaned closer to her and held her hand. Tinignan ko siya ng maayos sa mata. "Xzan, what was it? What was your dream?" Mahinahong tanong ko. Parang hindi kasi maganda ang sasabihin niya.

Kami ni Ian, Alec, Nicole at Joudee ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.

Huminga siya ng malalim.



"Hindi naman siya big deal but.. Uh— wala lang. May sumabib daw sa akin at sinasabi niyang kasalanan natin lahat ng ito. But it's weird. It felt so real kasi eh."


Nang dahil sa sinabi niya ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig at parang namanhid ang buong katawan ko. Napatingin ako kay Alec at napatingin din siya sa akin. Kumunot ang noo naming dalawa. At sa ngayon, mukhang pareho nga kami ng naiisip.

Magsasalita pa sana ako kaso nagulat ako dahil may narinig akong isang babasaging bagay na nahulog sa likod. Liningon namin kung ano iyon at nagtaka ako nang si Kiara ang nakahulog sa isang babasaging bote ng milk drink.

Ngunit ang mas pinagtataka ko ay ang itsura niya ngayon. Nakatitig lang ito sa bote na nabasag sa dalawang parte. Mistula bang nanginginig si Kiara at takot na takot. Saan ba siya natatakot? Dahil nakabasag siya sa loob ng van?

"Kiara?" Tawag ko sa kanya. Natauhan naman siya pero hindi siya makatingin sa kahit kanino sa amin. Napatahimik kaming lahat.

"W-Wala.. I'm sorry.. Sorry.." Sabi niya at tumingin na lamang sa bintana.

Nagtaka ako sa ikinilos niya pero ibinaling ko na lamang ang atensyon ko kay Xzannie.

"Xzan," Tawag ni Joudee sa kanya. "Better sleep. Baka nasobrahan ka lang sa takot."

Tumango-tango na lamang si Xzannie at sumandal na lamang sa balikat ni Joudee.


Hindi ako makahinga. I looked at Alec, umiling siya at napasabunot sa ulo niya. Napamura naman si Ian. "Tangina. Pero—"

I shushed him quickly at sinenyasan na tumahimik na lamang. Baka mas matakot pa ang iba kapag nagsalita kami tungkol sa inasal ni Xzannie kanina.


I don't know. Baka talagang nanaginip lang siya at nag sleep-talk. O baka naman...


Oh shit.

Napatingin na lang ako sa bintana muli. Huminga ako ng malalim at pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-ano.


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now