Chapter 18

24 7 8
                                    




BACK TO NORMAL





NICOLE





Nasa kwarto ako. Sandali. Kwarto ko ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko at.. Bakit--




Panaginip lang ba ang lahat?



Eh?


Nakasoot ako ngayon ng paborito kong pyjama. Sandali, ito ang suot ko noong gabing umuwi kami galing sa bar!


Napahawak ako sa kamay ko. Wala na ang mga pasa. Wala na ang mga kagat. Pero bakit gano'n? Ang sakit ng katawan ko. Parang tumakbo ako nang tumakbo sa sobrang sakit. Sandali nga, ang init. Nakasindi naman ang aircon ko dito?


Panaginip lang ba ang lahat? O ito ang panaginip, na bumalik na sa normal ang lahat? Baka ito ang epekto ng itinurok sa amin. Pero parang ito na ang totoo eh.


I gasped loudly when my door opened and I saw mom. Agad akong bumangon at niyakap siya habang naluluha-luha. "Ma.. I miss you ma.." 'Di bale nang isipin niya akong baliw. Hindi na mahalaga sa akin kung panaginip ba ito o totoo na. Akala ko kasi hindi ko na muling masisilayan pa si mama eh.


"Nicole anak! Ano bang nangyayari sayo?" Natatawa pa siya tapos bumitaw na sa yakap ko. She caressed my cheeks wiping all my tears. Mukha na siguro akong tanga dito ngayon.


"You need to eat already. Alam mo bang nag-hibernate ka? 36 hours kang tulog! Your papa and I were so worried!" Pagsasalita ni mama habang inaayos ang higaan ko. Ako naman ay nakatayo lang dito sa pintuan habang nakanganga at prinoproseso kung ano ang ipinaliwanag sa akin ni mama.


Huh? 36 hours? Isa't kalahating araw akong tulog? So totoo ngang panaginip ang lahat? Pero.. Sandali! Ano ba 'yan! Joke time ba 'to?


"Patuloy kang ginigising ni yaya pero nagrereklamo ka. Napasarap ka panigurado sa panaginip mo. That's why nagtataka ako kung bakit ka umiiyak ngayon." Umupo si mama sa bed kong inayos niya. Aba, ang sama ng tingin niya sa akin. Sino ba anamng hindi maiiyak kapag ganoon ang naging panaginip aber? Buti hindi ako namatay sa bangungot na 'yon!


"Hayyy." I sighed deeply and sat on the chair next to me. My life will never be the same again just by thinking what happened.


Huminga lang din ng malalim si mama at tumayo na. She patted my shoulders before leaving my room. Hindi pa rin maproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano nga ba ang panaginip. The apocalypse seemed so real and detailed! Pero ito, mukhang totoo rin!


"Ah.."


Napahawak ako sa sentido kong biglang sumakit. Ouch. Shit! Ang sakit. Hindi ko maiwasang maluha ulit dahil sa sakit.


Biglang huminto ang pag-iyak ko nang may marinig ako siren ng pulis sa labas. Agad akong napatayo at tumingin sa bintana. Bakit may pulis dito?


Mabilis akong bumaba papunta sa sala at nadatnan ko si mama at papa na may kausap na dalawang pulis, isang babae at isang lalaki. My forehead wrinkled when the girl looked at me and smiled. Naramdaman kong pumintig ang ulo ko at sumakit ulit, buti nalang at napahawak pa ako sa pader. Nang ibinalik ko ang tingin sa babaeng pulis ay hindi na siya nakatingin sa akin.


Sandali.. Pamilyar ang mukha ng babaeng pulis.. Parang nakita ko na siy--


"Nicole!! Nicole!!"


Bigla akong bumalik sa katinuan nang narinig ko ang pagsigaw ni Ian habang kinakalampag ang maingay naming gate. Kumunot ang noo ko at natigilan din sila mama sa pag-uusap. Agad akong tumakbo papalapit kay Ian na muhang alalang-alala.


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now