Chapter 15

19 9 0
                                    




MEDICAL AMEND





ALEC





Tagaktak ang pawis ko sa noo habang nakatingin sa kawalan. At dahil nandito kami sa isang madilim at mainit na bodega, hindi pa rin mapawi ang pagod namin dahil sa init. Naubusan na kami ng tubig. But I think we should still stay here just for a while and might as well rest. Kung hindi kami mamamatay sa mga punyetang zombies, mamamatay kami sa pagod.


"Alec?"


Napatingin ako kay Joudee na nilalaro ang walkie talkie. Tumingin siya sa akin na para bang may gustong itanong. "Do you somehow..."


Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Nagtaka ako nang para bang nahihirapan siyang magtanong o ano. "Hey, ano 'yun?" Ngumiti nalang ako.


"Wait, no." Umiwas siya ng tingin. Binalot kami ng katahimikan. Si aliah at Kiara naman ay nakaabang lang sa gustong sabihin ni Joudee. "Okay, I guess this is the right term. I just wanna ask.. M-May gusto ka bang babae?"


Natigilan ako sa tanong niya. Well--


"This does not mean na gusto kita, okay? I just wanna know if.. Uh, kung sakaling mawala ka na sa mundong ito soon, gusto mo na bang umamin?" Tanong niya ulit dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako kumurap at nanatili ang titig ko kay Joudee. Bigla namang umubo si Aliah dahilan para tumingin ako sa kanya.


Shit. Why is she smirking? Alam niya ba?


Ilang segundo akong hindi napaimik. Hindi ko alam kung naka-ilang lunok na ako. Damn it. Parang ngayon lang yata may nagtanong sa akin ng ganito. Malas pa at dahil tinanong nila ako sa ganitong sitwasyon. Damn! Mas lalo tuloy akong pinagpawisan.


"Actually.." Huminga ako ng malalim. Hindi ko kayang tumingin sa mata nilang tatlo. Bwisit kasi, bakit ba wala sila Ian at Zach dito?


"..Wala." Nginitian ko sila.


"Actually meron talaga.." Bulong ko sa sarili ko. Umiwas ako ng tingin at inisip siya. Tsk, kung bakit ba naman kasi nahiwalay siya sa akin.


"Hmm," Kumunot ang noo ko nang nakangisi silang tatlo sa akin. What the hell do they want me to say then--





Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumindol. Wait, no! Hindi lumindol. Madaming nagsitakbuhan! We once again can hear the deadly growls and noises of the deadly lurkers. Agad akong napatayo at sumilip sa maliit na butas sa pintuan. Napamura naman ako nang mapuwing ako dahil sa buhangin dulot ng mabibilis nilang pagtakbo.


"Alec? Alec what it happening? Alec?" Nanginginig ang boses ni Kiara habang abala sa pagkuha ng mga gamit namin na nasa sahig.


"E-Everyone, stay calm." Bumalik ang tingin ko sa labas. Mukhang may hinahabol sila. Pero napakadami nila. Mukhang wala nang chance na mabuhay ang kung sino man ang tumatakas.


SHIT.





Nang pumasok sa isip ko ang mga kaibigan naming nahiwalay ay hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang mga armas. "They need our help. Faster!"


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now