Chapter 11

36 9 3
                                    






7TH GRADE BROTHERS

still July 16, Monday
Santa Luna, Pesadilla
2:56 pm





IZELE



"Guys, dito."


Napatayo sila Marga nang narinig namin ang pag-crack ng malaking pintuan ng chapel. Napahawak naman agad ako sa baril na hawak ko. Damn it, kahit katiting lang na signal ay napaparanoid na ako.

Tinitigan namin ang pintuan na maliit. "Open niyo na." Sambit ni Aliah.


"Wait, before we open that, I think ayan ang sinusubukang sabihin ni Miranda kanina that's why she's forcing us to hide inside this chapel." Sabi ni Ian at pinagpagan ang maliit na pintuan. Naubo ako sa alikabok nito.


"Paano kung may zombies? Guys baka may zombies!" Pagpapanic ni Xzan.

"What the hell, Xzan. Just chill your ass out." Iritang sambit ni Nicole at inirapan si Xzan habang hinahanap ang flashlight sa bag niya. "Paka-arte. Tss."


"You know I have ears." Seryosong sambit ni Xzan. Tss. Ayan, nag-aaway na naman sila. Nasa bingit na nga kami ng kamatayan tapos nakahanap pa sila ng oras para mag-away.



"Would you just shut the fuck up you two fucktards?" Matigas na sambit ko at agad-agad na binuksan ang maliit na pintuan.



Napapikit ako at napalayo sa kinauupuan. Narinig ko naman ang tili nila Marga at Xzan. Napakasangsang ng amoy. Oh my god! I swear, hindi ko ma-explain ang amoy nito. Parang naghalo-halo ang amoy ng lansa, nabubulok na pagkain and the worst, it smells like human waste.


"Yow erp may liwanag!"



Mula dito ay nakarinig kami ng boses. May hagdan ito pababa and to say, I don't have any idea kung gaano ito kalalim.


"May tao. May tao?" Takhang tanong ni Kiara.


Napalundag kami at naalerto nang nakarinig ulit kami ng pag-crack ng kahoy.

"Guys guys guys, we should get going." Tinapik-tapik ni Alec ang mga likod namin at pinababa. Damn.



Kinuha ko ang bag ko sa sahid at naunang bumaba habang hawak ang flashlight. Ang baho talaga. I think I might throw up.




Tahimik lang kami dito habang naglalakad. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang paghinga, pagtapak namin sa sahig at ang nakakabaliw na tunog ng pagpatak ng tubig.


Nang narating na namin ang baba ng hagdan ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napahinto ako sa nakita ko.


"Shit!" Narinig kong sambit ni Marga kaya lumingon ako sa kanya, and yes. She's probably throwing up. Inalalayan siya nila Joudee.


Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa kabundo-bundok na inipong katawan ng mga bangkay na gutay-gutay. Nang itutok ko ang flashlight ko dito ay mas lalo akong nandiri.


Umiwas ako ng tingin at tumingin kay Alec na iniiwas ang tingin sa mga bangkay. "Who on earth would do this? Wait uhm, don't get me wrong. I mean, ang heroic lang."


Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon