Chapter 8

27 12 1
                                    



STRENGTH




ALEC


Nagising ako mula sa tulog. I stretched my arm and looked at my watch. It's already 7pm.

Actually, kaninang umaga kami natulog, mga 9am pagkatapos naming mag-usap about sa mga plano. Well, it's good na mahaba ang tulog namin. We need to prepare this night. Bukas ng umagang-umaga ay sasabak na kami sa matindihang gyera.

Mukhang ako lang ang gising. I used the flashlight of my watch to check out on them pero mahihimbing ang mga tulog nila. I smiled, that's a good thing. They need to sleep longer dahil mahaba ang lalakarin namin bukas.

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko ang nakatakip na bintana sa tabi ko. Dahan-dahan akong sumilip sa maliit na pagsisilipan.

Shit!

Damn! Agad akong umiwas ng tingin. Tangina, may isang zombie na nasa tapat ng pinto ko pero hindi nakaharap dito. This is a fucking nightmare.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na makatulog ulit.

-

Habang nakapikit, narinig ko ang usapan ni Zach at Kiara sa likod.

"Tangina, hating gabi na. Ang haba ng tulog ko." Mahinang sambit ni Zach.

"Kaysa naman sa kanila, mukhang wala na nga silang balak na gumising." Sabi naman ni Kiara.

"Hey! Duh, gising na ako." Mahinang singit ni Marga.

Iminulat ko ang mga mata ko. "Gising naman na pala kayong lahat eh."

Dahil sa medyo malakas na pagsasalita ko ay napabangon ang mga natitirang tulog. Mukhang nabigla si Ian dahil napamura pa siya. "Tangina, bakit andito pa din ako? So hindi talaga 'to panaginip? Seryoso?"

Napailing ako sa tanong ni Ian. Napakamot lang siya ng ulo. Yeah, I probably understand his feelings. Kahit ako naman mas gugustuhin na panaginip nalang lahat ng ito.

"Yo! What the ef? It's 11:30 na?" Mahinang pagsigaw ni Xzannie. "More than 14 hours ang tulog ko?"

"And hey, we also survived day 1." Malungkot ngunit proud na sambit ni Izele. Napangiti ako. Yeah, we already survived a day.

"We already survived three days." Sambit ni Kiara. Walang umimik.

"Hey, let's be serious right now." Aligaga kong sabi. "Zach, Marga, nasa pinakalikod ang mga bagpacks dyan. Ian, paki-set nga yung flashlight." Sinunod ni Ian ang utos ko at in-on niya ang flashlight. Mas lumiwanag ang paligid.

"One, two, three, four, five, and six. We have six bagpacks. Three large ones and three medium ones." Pagbibilang ko sa mga bag.

"How come na meron kang mga bags dito? Tska bakit bago?" Tanong ni Izele.

"Nah, it doesn't matter anymore." I smirked.

Actually, ipapamigay sana namin ni mom sa anim na scholars ng school ng tito ko but since hindi naabutan, i'm glad na may kwenta pa ang mga 'to.

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now