Chapter 16

21 7 2
                                    




HEAD BUSTER
July 16
7:18 pm


ALEC


Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo habang nakatitig sa mga mata ni Joudee. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa sitwasyon. Napalunok ako nang dumikit ang baril na hawak niya sa noo ko. But despite of that, pinilit kong magmukhang kalmado.


"I knew it.." Bulong ni Alessa sa likod.


"Jo.. Jo, ibaba mo 'yan parang awa." Nanginginig ang boses ni Aliah habang akmang lalapit kay Joudee pero hinila siya ni Mambo pabalik. Nanatili lang ang tingin ko sa mga mata ni Joudee.


Ngumisi siya, at inalis ang baril sa ulo ko. Ngunit laking gulat ko nalang nang itinutok niya ang baril sa mismong ulo niya. Napasigaw sila Aliah at Kiara sa likod pero pinigilan sila ng tatlo. Shit shit shit.


"Kung sino ka man, parang awa.. Wag.. Wag mong idamay ang kaibigan ko parang awa!" Halos mabaliw na kaming lahat dito at paulit-ulit pinagsisisigaw nila Aliah sa likod. Si Joudee, siya ang pinakabata sa aming lahat at ang pinakamabait. I can't take it anymore kung may mawala pa sa amin. Wala na si France, wala na si Miranda, pati ba naman si Joudee isusunod niya? Ni hindi ko pa nga alam kung may dinamay pa siyang iba sa amin!


Ngumisi siya sa akin. Akmang kukunin ko sana ang baril sa kamay niya ngunit sa isang iglap ay may nahulog na kung ano galing sa bubong at sumakto ito sa katawan ni Joudee. Napatili sila Kiara sa gulat. Ilang segundo bago ko mapagtanto sa isang buhay na bangkay ang umatake sa katawan ni Joudee at binaboy ito na para bang isang napakasarap na pagkain.


Napasabunot ako sa inis at hindi na nagdalawang isip na barilin ang umatake sa katawan ni Joudee. Sa dalawang putok ay nawalan na ito ng malay.


Nabalot kami ng katahimikan. Nasapo ko ang noo ko at pinagsusuntok ang pader sa inis. Damn it! Ang sakit lang sa pakiramdam na marinig ang iyakan ng mga kaibigan ko.


Napatingin ako sa walang malay na si Joudee. Duguan ang kanyang mukha at puro kagat ito. Wala na ang isa niyang pisngi at nasa bunganga ito ngayon ng umatake sa kanya. Napapikit ako sa pandidiri. Humarap ako sa pader at sumandal.


Bakit ba nangyayari sa amin ito? Ano bang nagawa naming mali? We're just literally normal teenagers living our best life! For god's sake, I just want this shit to end.


"Alec.."


Ayaw ko na ng ganito. Plus, i'm stuck in between killing myself to escape suffering and living to save my friends. Pucha naman!



"Alec.."


"ANO BA?" Galit akong lumingon sa kanila ngunit nang pagkalingon ko ay sabay na tumili si Aliah sa gulat nang atakihin siya ni.. Joudee..


My instinct went faster than ever. Hinugot ko ang mabigat na palakol sa sahig at malakas na pinagtataga ang ulo ni Joudee. "Putangina mo! Mamatay ka na kung sino ka man!" Patuloy pa rin ang pagtataga ko hanggang sa mahiwalay na ang ulo niya sa kanyang katawan. Punong-puno na ng dugo ang mukha naming dalawa ni Aliah pati na rin ang sahig.


Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Pedro pero hindi ako nagpaawat. Pati ang dibdib niya ay hindi ko na rin pinaawat. Namatay na nga si Joudee, isusunod niya pa si Aliah? Punyeta!


Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon