Chapter 9

29 8 0
                                    




SANTA LUNA


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW




"What? It's normal." Sambit ni Izele habang pinupunasan ang pawis sa noo. Napangisi naman nang palihim si Alec na nasa harapan. "Dudes, we might get real-dead if we all just stand here and look at each other. Tag along!"

"Okay girl, chill! Anyways, tara na nga." Sambit na lamang ni Ian at nagpatuloy sa paglalakad, sumunod sa kanya ang lahat.

Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa paglalakbay. Quiet, and making sure that there are no cold-blooded creature lurking around them.


Tunog lamang ng paa nilang tumatapak sa malamig na semento at ihip ng hangin ang tanging naririnig nila. Medyo nakalayo-layo na ang mga magkakaibigan, ngunit makalipas na naman ang ilang minuto, napahinto ulit sila at napatingin sa isang bangkay, may hiwa sa leeg at may tama ng baril sa ulo na nakabulagta sa gilid ng daanan.

"Parang hindi naman normal sa inyo ang makakita niyan." Sambit ni Kiara.

"No, wait." Alerto na sambit ni Joudee at matapang na lumapit sa bangkay. Lumuhod siya sa harap nito at nanlaki sa nakita. "Guys, take a look at this."

Unang lumapit si Alec at si Izele sa tabi ni Joudee at napaluhod din. Sumunod naman sa kanila ang iba habang si Zach at si Miranda ay nakabantay sa paligid.

"Phone." Kinuha ni Alec ang cellphone na duguan sa kamay ng bangkay at pinunasan ito. Sinubukan niya itong buksan at nang bumukas, nagtaka ito dahil mayroong recent message na hindi pa nabubuksan.

"Anong sabi?" Tanong ni Marga na aligagang umupo sa tabi ni Alec.



Notification message from Kreazth:

Papa, may ligtas kaming pinagtataguan. Dito sa dating...
6:43am
-Swipe to Unlock-

"Damn it!" Napamura si Alec nang may password ang phone.

"Sandali, Kreazth? Kreazth Ancheta? Kaklase natin 'yan noong highschool ah?" Nagtatakang tanong ni Marga.

"We are not sure if siya nga, besides, baka kapangalan niya lang." Nagkibit-balikat si Joudee at napatayo.

"Seryoso ka? God knows kung gaano ka-unique at iilan lang ang kapangalan nung lalaking yun." Tumayo na din si Marga.

"That's sad. Hindi man lang naabutan ng anak ang papa niya." Izele sighed and stood up. Ganoon na din ang ginawa ni Alec habang umiiling sa pagkadismaya. Hinulog niya nalang ang phone sa sahig.

"There's a possibility na si Ancheta nga 'yan. Nasa iisang probinsya pa lang naman tayo. C'mon guys, we all know kung gaano kalaking probinsya ang Pesadilla." Sambit ni Marga.


"Well, kung si Kreazth nga yan, we must find him. Pwede niya tayong matulungan." Sambit ni Kiara.


"Sa sitwasyong ganito? Bihira nalang ang may tumulong sa atin." Napangiwi si Zach. "Tara na, wala pa tayo sa malayo."


Nagsimula muling maglakad ang magkakaibigan patungo sa kawalan upang maghanap ng hide-out. Ilang minuto na silang naglalakad, tahimik, alerto at kabado. Hindi man sila gamay sa mga ganitong sitwasyon, iisa lamang ang alam nilang kailangan nilang gawin; ang maging ligtas.

Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon