Chapter 1

74 13 5
                                    


FAMILIARITY
July 14, Saturday

IZELE


"FRANCINE!!" Gulantang sigaw ni Marga at napatakbo sa kaibigan niya.

Si Francine- Nakapatong sa kanya ang isang duguan na tao at may mangitim-ngitim na balat at tila bang uhaw na uhaw ito. Hindi ako makagalaw sa gulat at dahil sa Takot ay wala akong nagawa kundi tumili.

Ilang saglit pa lamang ay umalingawngaw ang isa-dalawa- at tatlong putok ng baril na tumama diretso sa ulo ng sumugod kay Francine.


Napalingon ako kung sinong gumawa nito at nakita ko si Alec, may hawak siyang baril!

Bakit- Paano- Anong nangyayari?!

"Everyone! Move in!" Sigaw ni Alec sa amin kaya salang nagawa sila Xzannie at ang iba kundi pumasok sa loob na takot na takot. Hinila na din nila ang nagwawalang si Marga papasok.

Tumakbo ako papunta kay Alec. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang sumugod kay Francine. Duguan, inaagnas na ang balat at gutay-gutay na ito. Mistulang hindi na nagmukhang tao!

Si Francine naman ay walang malay. Napansin ko din ang sugat sa collarbones niya. At mas lalo akong naguluhan nang mapansin na parang kagat ito. Kagat ng isang tao..

"Alec.. Why do you have a gun?" Wala sa sarili kong tanong. Hindi ako sinagot ni Alec.

"Alec why do you have a gun?!"

"SHUT UP!!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw kaya napatahimik nalang ako. Tumingin ako sa baril na nasa lupa at napatitig rito.

Hinawakan ni Alec ang pulso ni Francine. Ilang segundo pa lang ang nakalipas na katahimikan ay bigla akong nagulat nang biglang namulat ang mga mata ni Francine; nakakatakot at tila bang iba.

Hindi ko mawari— Hindi ko maintindihan kung paano nangyari! Hindi ko mawari kung ano ang mga nasa mata ni Francine! Parang galit ito ngunit parang natatakot. Para siyang takot na takot!

"Shit!" Napadaing si Alec sa sakit dahil sa higpit ng hawak ni Francine sa kamay nito. Hindi Pa rin inaalis ni Francine ang tingin niya kay Alec at habang tumatagal ay nasasaktan na niya si Alec.

Oh my God! Anong nangyari?! Bakit biglang naging ganon ang itsura ni Francine?! Nakakatakot at nakakakilabot!

Dahil sa nginig at takot ko ay kinuha ko ang baril sa lupa at hindi na ako nag-atubli pang ibinaril ito diretso sa ulo ni Francine.

shit.

"Oh my god..." Bigla kong nabitawan ang baril at bumagsak ako sa lupa nang wala sa sarili.

"You bitch!" Pumantig ang tainga ko nang narinig ko si Marga na mukhang susugurin nga ako. Biglang humabol ang sigaw nila Aliah sa loob ng sasakyan.

Napigilan nila Alec at Ian si Marga sa pagsugod sa akin. Oh my god, what have I done?

"GUYS!!" Tumili si Xzannie at nang mapalingon kami sa malayo ay may nakita kaming grupo na mabangis maglakad, at parang nakangisi ang mga ito. I can even hear their creepy and shitty groans!

Hindi ako makagalaw sa takot at sa gulat. Malapit na sila sa amin. Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Alec pataas at namalayan ko nalang na tumatakbo na kami papunta sa sasakyan.

"WATCH OUT!!" Tili ni Xzannie nang muntikan na kaming naabutan ng mga hindi ko maipaliwanag na nilalang. Buti nalang at naisara na ang pintuan ng sasakyan.

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now