Chapter 7

21 11 1
                                    




PLANS TO SURVIVE




IZELE



"Hideout? How? We are literally in the middle of nowhere." Reklamo ni Marga.

"Kaya nga maghahanap diba? Tanga ka?" Ganti ni Zach. Magkatabi pa naman sila, baka mamaya magsapakan na sila dyan.

"Kinda agree, but, first we need plans." Huminga ng malalim si Miranda. "Hindi muna tayo magbabagtas sa daan ngayon."

"Huh? Why? And, maaga pa naman. Mas better kung umaga tayo maghanap kasi maliwanag." Sambit ni Xzan.

"Look, magihirapan tayo. You know why?" Tinuro ni Miranda ang napakarami at malalaking plastic bags na puno ng mga pagkain at tubig. "That."

"Oh.."


"Magtiis muna tayo dito sa loob at nakaupo magdamag. Uubusin muna natin yan hanggang bukas ng umaga para may lakas tayo at bukas nalang tayo maghahanap ng hide-out."

Ngumisi si Alec. "Okay, great. But guys, save the water bottles and some snacks for tomorrow. Meron akong mga backpack dyan sa likod and pwede natin yan gamitin for the storage."


"And, tutal may pinabili sa akin si mommy na garbage bags kahapon sa mall, bumili na rin ako. We could use it to cover up the windows." Suggest ni Xzan.


"Woah. Paano ba yan, bumili din ako ng madaming mini fan with batteries sa mall para sa online shop ko." Ngiting-ngiti na sambit ni Nicole.


"Bumili ako ng rubber ducks." Singit ni Zach. Napatingin kaming lahat sa kanya. "What."

"Uh, maybe we should start." Sabi ni Alec.

"Agree." Sambit ko. "But maybe we should start taping the window cracks first with packing tapes befor natin i-cover ng garbage bags. Mukhang bibigay na din kasi itong mga bintana."

"Yeah, I think so."

Hinanap ko ang tape na ginamit ko kanina at sinimulan namin ang paglalagay sa mga cracks ng bintana. Hindi namin alam kung may kwenta itong pinaggagagawa namin pero para sure na din.

Wala kaming nahahagilap na mga zombies dito sa lugar na ito pero oo, mayroong bahid ng karahasan. Ang nakikita ko lang na zombie ay ang sumugod sa akin kanina at gutay-gutay na ang mukha nito.

"Okay, we're all done. Maglagay na ba ng garbage bags? Uhm, Xzan, ilang rolls ba ng garbage bag ang pinabili ng mom mo?" Tanong ni Alec at hinintay namin ang sagot ni Xzannie.

"Well probably dahil laging nagpapabili si mom ng garbage bags, dinamihan ko na. I think, 10 boxes ang nabili ko and each box ay merong 2 rolls and each roll ay may 10 bags." Nakangiting sambit ni Xzan.

"Wow." Iyon lamang ang nasabi ko.

"Okie, we must start na." Singit ni Aliah na kanina pa ngumunguya ng cookies. Siya pala ang kanina pang maingay. Ugh. "I guess we need 3 garbage bags each window. Or basta hanggang hindi na suminag ang light through inside."

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now