Chapter 19

27 8 3
                                    




SUSPECT



EDMAR


"Uy, sapul." Nakangiti kong sabi nang tumama ang bola sa ulo ng nakababata kong kapatid.

"Kuya naman!"

Tatanga-tanga kasi minsan, nakita na nga lang hindi pa umilag. Hays. Saan niya kaya namana ang katangahan niya? Kawawang nilalang.

"Hoy Edmar!" Napalingon ako sa bintana at nakita ko si Boy Chicharon. Napangiti ako kasi nakita ko ulit ang tukmol na ito. Hay, baka bukas bumalik na sa dati ang lahat. Tsk.

At least makikita ko ulit si Nicole my Ube Pie ;)

"Yo wassup Porky! Ano kailangan mo?" Sigaw ko habang siya naman ay mukhang tangang binubuksan ang gate namin. Napahinto siya at tinignan ako mila ulo hanggang paa.

"Sandali nga, bakit ganyan ang suot mo? Hoy! Hindi niyo ba ulit ako sinama sa Air Force?!" Sumimangot siya kahit hindi naman niya bagay. Mas nagmukha tuloy siyang baboy.

Tinignan ko ang sarili ko. Ito ang suot ko noong isang araw pa, simula nang nangyari ang lahat ng madudugong days.

"Hindi kami nag-"

"Nagkatay 'yan ng baboy, hayaan mo na!" Sigaw ni lolo galing sa likod ng bahay.

Teka, nagkatay ako ng baboy?

"Ano bang kailangan mo, ha, Porky?" Nakangiwi kong tanong.

"Wala, gusto ko lang sabihin na nakita ko yung mga kaibigan mo na nag-trespass doon sa ano.. Anong street nga ba iyon.."

Kumunot ang aking forehead. Ang aking noo. Sila Ian na naman ba? Sandali, kasama niya si Nicole panigurado.

"Saan?" Pagmamadali ko.

"Ha?"

"Porky naman!"

"Saan?" Balik niyang tanong.

"Ha?!"

"Yung mga kaibigan mo nga!"

"Saan nga sila?!"

"Ewan."

Agad kong tinaas ang middle finger ko sa kanya at dinabog ang pinto.

Pero parang may mali. Nang isinara ko ang pinto ay agad ding tumahimik ang paligid. Namatay ang maingay na TV. Nakaamoy ako bigla ng usok. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makalingon. Kung bakit parang ayaw kong makita kung ano ang nangyari bigla.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Anak ng tinola naman eh.

Hinugot ko ang mahabang kutsilyo na nakatago sa pantalon ko at naluluhang lumingon.

Basag na TV, duguan na sofa, nagkalat na mga bubog sa sahig. Bakit pa nga ba ako magugulat?

"Ay!" Napatili ako na parang babae nang tumunog ang doorbell namin. Napapadyak ako sa inis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon