Chapter 3

37 10 7
                                    




IT'S ALL ABOUT SURVIVING



IZELE


Habang nakatanga ako dito sa loob ng sasakyan ay napansin ko na may maliit na crack sa bintana sa side ko. Buti at may nakita akong isang packing tape. Kahit walang kwenta ang gagawin ko ay linagyan ko nalang ito ng packing tape ng ilang beses.


"It's 4am already. We've already encountered 7 zombie attacks. Nasasanay na ako." Naiiyak na tugon ni Aliah na sinang-ayunan namin. "But I can't stop thinking about my family.. Ian is all that I have.."


Sumingit sa usapan si Marga. "No offense, Aliah. But your family? They can be one of them, too." Ramdam ko ang awa sa tono ni Marga.

"Speaking of families." Sumingit si Kiara. "Margarette, tita Flavie tried to attack us. Margarette, your mom is one of them too.. I'm really sorry.."



Napatingin ako kay Marga at pinilit niya nalang ngumiti. "Hindi ko na maibabalik. I wish, bago siya naging isa sa kanila ay na-realize niyang mahal na mahal ko siya."


Hindi ko maiwasang maawa para kay Marga. Marga is known as the baddest bitch and rudest kikay in our school but she's not really that bad. And the thing that I like about her is she always say the truth even if that truth hurts.


"Guys ayaw ko na!" Iyak ni Xzannie. "Hindi ko kakayanin 'to!"

"Hey, Xzan. Kinaya namin ito ng mahigit isang araw!" Sabi ni Reyzel pero nagpatuloy pa rin sa pag-iyak si Xzannie. I can't blame her. Maski nga ako kanina pa umiiyak, hindi lang malakas.


"I'll throw you out the car if you don't freaking stop sis." Busangot na sabi ni Nicole. Nandyan pa pala si Nicole. Sa sobrang tahimik niya ay hindi ko na siya napansin.

"Look, we need to go to a convenience store with a gasoline station. My car's fuel is empty!" Ani Alec na nagmamaneho.

Nandito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar. Nakalayo-layo na din kami. At pansin ko ay wala na kami sa highway. Ang nakikita ko lamang ngayon ay isang madugong daan, may mga kung ano-anong tindahan at mga bahay-bahay. Ilaw lang ng mga poste at neon lights ang gumagabay para makita ko ang mga ito.


I swear, it's really weird to see how this all started. Napa-isip ako sa sinabi nila Kiara kanina. 2 days ago? Oo nga, halatang matagal na bago nangyari dahil hindi aabot sa ganito kalayo kung kanina lang nag-umpisa. Pero hindi eh! Kami mismo ang nakakita kung gaano pa ka-normal ang buhay namin kahapon! Paanong nangyari na dalawang araw na ang nakakalipas? My head is so fucked up right now!



"A neat convenience store and a gasoline station." Nakahinga ako ng maluwag nang ipinarka ni Alec ang sasakyan sa isang store na may gasolinahan.

"Oh wait." Tigil ni Alec sa amin na akmang lalabas din. "Be careful. Walang gagawa ng kahit na anong ingay. Izele, hold your trusty gun. Zach and Ian, kayo ang magbantay sa labas. These are your guns and silencers."

Inabot ni Alec ang mahahabang baril kanila Ian at Zach. "Woah."

"Kiara and Rizel, Samahan niyo si Zach at Ian sa labas. Joudee, Aliah, Miranda, Marga, Xzan and Nicole, kukuha kayo ng mga pagkain. Wag junk foods parang awa niyo na. Get some breads, canned snacks and chocolates. Plus, get a lot of bottled water and energy drinks. The large ones. Kumuha na rin kayo ng madaming batteries at flashlights. Naiintindihan niyo?" Kung titignan si Alec ay napakaseryoso niya. He really wants to survive this apocalypse, huh?



Fearing The Unknown Where stories live. Discover now