Chapter 13

30 9 4
                                    






INDICATION





IZELE





Nanatili ang tingin ko kay Kiara na nakatingin sa kawalan. Kaming lahat dito ay tahimik lang habang nakaupo. Si kuya Edmar at Alec naman ay nag-aayos ng mga armas sa gilid habang sila Zach at Ian ay naghahasa ng mga kutsilyo.



Nakaramdam ako ng kiliti sa bewang ko at akala ko ay may dumaan na daga, si Marga lang pala na kinalabit ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You think she's— you know." Tahimik niyang sambit habang nakangiwi at sumisilip kay Kiara. Tinaasan ko pa siya lalo ng kilay.



"Ano?" Mahinang tanong ko. Hindi niya pa kasi diretsahin, eh.


Pasikreto siyang sumulyap kay Kiara. "Lying. You think she's lying?"


Napatahimik ako at huminga ng malalim dahil sa sibrang katangahan ni Marga. Bakit ba minsan parang nakalunok siya ng mikropono? Ayan, napatingin tuloy sa amin si Kiara. Umiwas nalang ako ng tingin ag sinamaan naman ng tingin si Marga.


Inirapan ko nalang siya tska sumandal nalang ako sa malamig na pader. Hindi ko namalayan, unti-unti na akong nakatulog.






-







Nagising ako bigla dahil sa malakas na kaluskos ng bakal dahilan para mapangiwi ako sa irita. Nagtaka naman ako dahil nagising ako sa gilid ng tahimik at bato-batong kalsada.




Agad-agad akong napabangon. Bigla akong kinabahan dahil hindi pamilyar sa akin ng lugar.


It's plain. Literally plain. Sa gilid ko naman ay isang napakalawak na palayan na may masisiglang pananim. Maaliwalas din ang kalangitan at mayroon namang malinaw na ilog sa kabilang gilid.



Napatayo ako dahil masyadong matulis ang mga bato. Napatingin naman ako sa suot ko. Ito pa rin ang suot ko pero nakakapagtaka lang kung bakit hindi ako duguan.



May nangyari na naman bang magic? Una, delayed kami sa update ukol sa mga nangyayari. Pangalawa, may kung sinong sumasanib sa mga kaibigan namin. Pangatlo, bumalik SA AMIN ang Santa Luna. At ngayon? What the actual fuck.





Tumingin ako sa magkabilang gilid at wala akong makita. Diretsong daanan lang ito na hindi sementado. Napahawak pa ako sa mukha ko dahil mukhang na-sunburn na yata ako.




Ilang sandali pa lang ay naalerto ako dahil may narinig akong mabilis na yapak papunta sa akin. Napalunok naman ako sa kaba. I scanned my body at mas lalo akong nabaliw nang wala akong armas o kahit baril man lang.



"Shit shit shit." Mas lalo akong kinabahan nang nakita ko ang pigura ng taong tumatakbo papalapit sa akin. It's a freaking zombie! Shit!




Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo papalayo sa humahabol sa akin. Muntikan pa akong nadapa dahil masyadong mabato. Lumingon naman ano at nakita ko pa ring tumatakbo ito papalapit sa akin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.


"Sandali! Pagod na ako!"





Bigla naman akong napahinto at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Liningon ko ang babaeng humahabol sa akin at nakangiti ito habang hinahabol ang hininga niya. I looked at her from head to toes and she's wearing a.. uhm, a weird looking old dress. Parang ito ang kasuotan ng mga babae noong sinaunang panahon.





Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon