Chapter 17

24 7 2
                                    










DREAM AND A LIE





NICOLANIE


Nakaramdam ako ng kirot sa sikmura. Hindi, hindi lang sa sikmura. Parang namimilipit ang lahat ng laman-loob ko. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Sinusubukan kong imulat ang aking mga mata pero maski ito ay mahapdi. Basta sa pagkakatanda ko, hinahabol kami ng sandamakmak na mga kalaban at.. Hindi kami nakatakas..


"Please, gumising naman na kayo.." Narinig ko ang paghikbi ni Xzannie. Otomatiko akong napabalikwas at napasigaw dahil sa pagkabigla kong pagbangon. Shit! Parang binali lahat ng buto ko sa isang galaw lang!


Nasaan.. Nasaan kami?


Isang madilim na kwarto. Mayroong isang maliit na ilaw sa kisame na nagpapatay-sindi. Walang pintura ang kwarto at may isang pintuan na bakal. Gising na ako, si Xzannie at kuya Edmar. Si Sam ay mahimbing pa ang tulog at si Ian naman ay humihilik pa.


"Ian.. Ian!" Patuloy na paggising ni Edmar pero walang ilik si Ian.


Pinagmasdan ko kaming lima. Naka-upo kami sa mga bakal na upuan. Nagtaka ako nang nakatali ang mga paa namin mismo sa mga paanan ng bawat upuan. Wala kaming posas sa kamay at alam ko kung bakit. Shit.


"No.." Daing ni Xzan na patuloy sa pag-iyak. Puro pasa ang dalawang kamay niya. Kaming lahat ay may pasa sa kamay. Mayroon kaming kagat sa ilang parte ng katawan. Kagat ng tao..


Napasinghap ako sa gulat nang mapagtantong malapit na kaming maging isa sa kanila. Pero sandali. Paano kami napunta sa lugar na ito? Paano--


"Ahh." Napadaing si Sam sa sakit nang sinubukan niyang gumalaw. Basang-basa siya sa pawis at duguan ang kanyang leeg dahil sa kagat. Napa-iwas ako ng tingin. "Fuck! Ang hapdi.."


"Sam!" Senyas ni Edmar at tumingin sa tuhod ni Sam. Oh no. Hell. Inilayo ko ang tingin ko sa tuhod niya at napapikit nang tuloy-tuloy siyang nagmura ng malulutong.


Sino ba namang hindi mapapamura pag nakitang nakalabas na ang buto mo sa tuhod?


"Son of a mother fucking bitch.." Tuloy-tuloy ang pag-iling ni Ian habang pinagmamasdan kami. Dumapo ang tingin niya kay Sam at napamura.


"Anong nangyayari? Nasaan tayo? Paano? Huh?" Naguguluhan niyang tanong. Nagulat ako nang nakagalaw siya ng walang kahirap-hirap pero natumba din siya dahil nakatali ang paa niya.


"Dude stop.."


Dahil sa inis ni Ian ay pwersahan niyang hinugot ang paa niya sa pagkakatali sa upuan at dahil doon ay sumirit ang dugo niya. Mukahng nahiwa ata ang paa niya dahil sa tulis ng bakal na upuan!


Totoo nga ang sabi nila, na pag galit ang isang Christian Farnacio at lalabas ang tunay na lakas nito.

"Dude what the fuck? I--" Hindi masyadong makapagsalita ang pinsan niyang si Sam dahil namimilipit din sa sakit. At hindi ko rin makita si Sam na namimilipit sa sakit. Parang ako pa ang nasasaktan.


Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang may narinig kaming tunog ng isang horn. Parang ito ang tunog ng mga payaso sa circus. Malinaw din sa amin ang nakakapraning na tawa neto.


Natigilan kaming lima at nagtinginan sa isa't-isa. "Are you guys thinking what i'm thinking--"


"Sure we do." Hindi mapagkakaila na halatang-halata ang nginig at takot sa boses ni Xzannie.


Biglang bumukas ang bakal na pintuan at gumawa ito ng hindi kanais-nais na ingay. Ngunit hindi lang iyon ang hindi kanais-nais.


Napalunok ako sa kaba ng bumungad sa amin ang limang duguang bangkay na mistulang buhay. Zombies.. Isa sa kanila ay payaso na tuwang-tuwa habang pinapatunog ang kanyang ilong, isang nurse na duguan ang damit, isang padre na may kutsilyong nakabaon sa bunganga, isang estudyante na pamilyar ang uniporme at walang mga mata, at ang ika-lima ay isang guro na punong-puno ng nakatusok na lapis at ballpen. Sandali.. Mr. Ferrer?!


Pero ang kinababahala namin ay parang normal sila kung gumalaw. May hawak silang.. Syringe?!


"AHH! PAPATAYIN KO KAYO!!"


"IAN STOP!"


Nagpupumiglas kaming apat at nagsisisigaw nang tinangka ni Ian na sugudin ang lima ngunit huli na ang lahat. Napabuga ako ng hininga nang sumirit ang dugo ni Ian sa mukha ng payaso na nakangiti at hawak-hawak ang kutsilyong nakabaon na ulo ng kaibigan namin.


Ilang segundo ang nakalipas ay tuluyang bumagsak sa sahig si Ian. Nakamulat pa ang mga mata niya. Hindi.. Hindi.. Mababaliw na ako dito. Ayaw ko na ng ganito. Mas nababaliw pa ako dahil sa iyakan nila Xzannie at ang sigawan nila. Hindi ko na kaya..


Ang huling naalala ko na lamang ay tinusukan nila kaming lima ng gamot, at doon na lumabo ang paningin ko hannggang sa nandilim na ang lahat..





---





Agad akong napabangon habang hinahabol ang hininga. Pinagpapawisan ako ng sobra-sobra at nanghihina ako. Napatingin ako sa paligid.


Nasa kwarto ako. Sandali. Kwarto ko ito.


Pinagmasdan ko ang sarili ko at.. Bakit--


Panaginip lang ba ang lahat?





END OF CHAPTER 17





A/N

Short update muna, 'di masyadong gumagana utak ko para mag-isip ng susunod na scene hehehe.

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now