Chapter 6

28 12 4
                                    






DAZED INTO THE WOODS





IZELE





"It's okay, don't worry. I'll be gentle I promise." Alec said while sweetly smirking at me.

I shook my head in pain as he twisted my joint to let the blood squirt and flow. Muntikan pa akong maluha sa sobrang sakit. Oh, correction. Kanina pa pala ako naluluha.


Nandito kami sa isang repair shop na nasa gubat. Buti pa dito dahil walang masyadong bahid ng karahasan. Katatapos lang namin kumain ng breakfast at huminto muna kami dito.

Kumuha ng tubig si Joudee at Xzannie para maiinom. Sila Ian at Zach naman ay kinikilatis ang mga armas na nakuha namin. Si Kiara at Rizel naman ay tahimik lang na nakasandal sa pader while Miranda, Marga and Nicole are watching me and Alec.


"Gosh, I really am that stupid huh?" Daing ko pa habang iniikot ni Alec ang paa ko para lumabas ang dugo.

Napahinga ako ng malalim dahil nang inikot niya ito ay bumulwak ang napakaraming dugo. Buti nalang at napigilan kong sumigaw. Napamura din si Alec.

"Oh my goodness." Daing nila Xzannie.


"There, wala ka naman na sigurong infection niyan." Sambit niya. Kumuha siya ng mga medical kit sa bagpack niya at hindi ko inakala na sobrang bilis niya palang gumamot. Oh, I forgot. Medisina nga pala ang kinukuha niyang kurso.



"Done." Tiningala ako ni Alec. Nakaluhod kasi siya sa harapan ko habang ako ay naka-upo.

Napa-iwas ako ng tingin. Napadaing pa din ako dahil sa sakit.




FLASHBACK


Nang makita ko na payapa sa labas ay binuksan ko ang bintana at itinapon ang lata ng corned beef.

"Zach, paabot naman ng tubig dyan oh." Utos ko kay Zach na abala sa camera niya. Kinuha niya ang supot ng mga bottled water habang nakatingin pa din sa camera. "Thanks."

Nang matapos akong uminom ay napahinga ako ng malalim. Napatingin ako sa belt ko sa pantalon kung saan ko isinabit ang kinuha kong dalawang kutsilyo kanina.

Isang kutsilyo nalang ang gagamitin ko. tska parang masyadong malalaki ang mga ito kaya hindi ko kayang hawakan ang dalawa habang hawak ko pa ang isang baril.

"Guys, kailangan nating bumaba. I need to repair my wheels." Sambit ni Alec at inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang repair shop. Nasa taas-taasan na kami ng bundok.

Wala namang kakaiba na nangyayari sa labas kaya wala sa sarili kong binuksan ang pintuan ko.

Nang makababa na ang ilan sa amin, I did some stretching. I kinda feel so exhausted, so..


Maglalakad na ako sa loob ng repair shop nang bigla akong napahiyaw sa sobrang gulat nang may naramdaman akong isang malamig na kamay mula sa ilalim ng van na humawak sa talampakan ko.


"Izele baril!!" Hindi ko na alam kung anong nangyayari dahil naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig dahil sa pagpapanic.


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now