Chapter 10

379 15 0
                                    

*Yeonwoo's POV*

"Can you tell me about your past?"

Napatitig ako kay nancy dahil sa tanong niya

"But...kung hindi ka pa ready, i understand" dagdag niya

Napaisip ako

Dapat lang niya malaman ang tungkol don right? Kasi magiging girlfriend ko naman siya

I sighed

"Yeon...wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handa" sabi niya ulit kaya napatitig ako sakanya

"No...it's okay" sabi ko

"Are you sure?" paninigurado niya

Ngumiti naman ako at tumango at hinawakan ang kamay niya

"Nung bata ako...sobrang close namin ni papa,kapag may kasalana ako pinagsasabihan niya lang ako,kapag may nabasag akong gamit sa bahay namin dati tapos hindi alam ni mama, si papa yung sumasalo sakin, kapag may hindi kami pagkakaintindihan ni mama, kay papa ako nalapit. Si papa ang lagi kong kalaro,kaharutan at kasama ko matulog dati"

"Siya rin yuny first dance ko nung 16th birthday ko. Then after ng birthday ko umalis si papa kasi pinatawag daw siya sa pinagtatrabahuan niya."

Lumunok naman ako at pinipigilan tumulo ang luha ko

Hinawakan naman ni nancy ang kamay ko at pinisil

"N-nagulat nalang kami ng may tumawag sa b-bahay nun, naaksidente daw si papa. Pagdating namin sa hospital ay pumunta agad kami kay papa. Kinausap niya ako nun....at..."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy

"Yun na pala ang huling pag-uusap namin ni papa..." sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko

*Nancy's POV*

Habang nagkwekwento si yeonwoo ay nakatingin lang ako sakanya

Alam kong masakit para sakanya ang nangyari kasi base sa kwento niya ay mukhang sobramg close nga nila ng papa niya

"After malibimg ni papa ay biglang may dumating sa buhay namin" pagpapatuloy niya at nakita kong napalitan ng galit ang mata niya

"Si angelo kim. Yung lalaking nandito kanina. May gusto pala siya kay mama bata palang sila at dahil mahal ni mama si papa ay pinili niya si papa"

"Walang-wala na kami nun ng mawala si papa. Kaya lumapit si angelo kim kay mama at inaya magpakasal kapalit ng malaking pera. Pero may kondisyon pala si angelo kim. Kapag nagpakasal sila ay kailangan iwanan kami ni mama dahil ayaw daw niyang makasama kami nila kuya sa isang bubong, dahil anak daw kami ni papa" kwento niya

"Nagprisinta si kuya na magtrabaho nalang muna at huminto muna ako sa pag-aaral at si ahin para may pera kami kahit papano, kaso biglang umalis si mama"

"Sumama na pala siya sa lalaking yun...nagmakaawa si kuya na wag kaming iwan ni mama pero umalis parin siya. Kaya nagalit ako sakanya ng sobra dahil pinagpalit niya kaming mga anak niya sa pera"

"Pagtapos kaming iwan ni mama ay binenta ni kuya ang bahay namin para may pera kami, bata palang si ahin nun. Dahil wala na kaming bahay...sa lansangan nalang kami tumira nun" pagpapatuloy niya at tumulo nanaman ang luha niya

"Kung saan saan kami napadpad kasi lagi kaming pinapaalis sa kalsada, and isang beses nagkasakit si ahin dahil sa sobrang gutom kaya sinugod namin siya sa hospital"

"Buti naagapan agad namin siya kundi mawawala si ahin samin. Dahil may sakit pala siya sa puso. Mabuti nalang at may tumulong samin at siya ang nagbayad ng hospital bills namin. Nangangalakal si kuya at ako naman ang bantay kay ahin ng makalabas na kami ng hospital. Simula nun ay lagi na naming pinapakain si ahin,kahit hindi kami kumain ni kuya basta makakain lang siya ay ayos na kami"

Into YouWhere stories live. Discover now