Chapter 32

275 11 1
                                    

*Nancy's POV*

Pagdating namin sa bar ay dumiretso agad kami ni yeonwoo sa VIP room

"Finally! Nakarating din! Ang tatagal!" reklamo ni jane unnie paglapit namin sakanila

"Nagsalita ang isa pang kararating lang" banat naman ni hyebin unnie kaya sinamaan siya ng tingin ni jane unnie

Natawa nalang kami sa kanila "Order na tayo?" nagsitanguan naman sila sa tanong ko

After naming mag-order ng drinks at foods namin ay umupo ako sa tabi ni yeonwoo na kasalukuyang nagcecellphone

"Mahal?" tawag ko

"Hmm?"

"May naamoy ka bang nasusunog?" tanong ko

Napatingin naman siya sakin habang nakakunot ang noo "What?"

"May naamoy ka bang nasusunog?" ulit ko

"Wala, bakit may nasusunog ba?!" tanong niya at tumayo kaya napatingin saamin sila hyebin unnie

"Anong sunog?" tanong ni nayun unnie

Napangiti ako ng malapad dahil sa reaction niya. Hinila ko siya paupo ulit at niyakap

"It's my heart....burning for you" sabi ko

Sinamaan naman niya ako ng tingin at pinalo sa dibdib na ikinatawa ko

"Kainis ka! Akala ko may nasusunog talaga" sabi niya at nagpout saka ako niyakap

Natawa nalang ako sakanya at hinalikan siya sa noo habang sila hyebin unnie ay kinakantyawan kami

Dumating na yung order namin kaya nag-ayos na kami

Habang umiinom kami ay nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa mga plano namin

*Third person's POV*

"Ikaw nancy" turo ni hyebin kay nancy na may tama na

"M-me?" turo niya sa sarili

"Mm! Ano ng plano mo? Tutuloy ka pa ba?" tanong ni hyebin na medyo may tama na

"A...ayoko! D-dito lang akooo....a-ayaw kong i-iwan yung a-ashawa ko...." sagot ni nancy

Napatingin naman si yeonwoo sa girlfriend

"Pero diba pangarap mo yon?" tanong naman ni jane na tipsy na

"Mmm! P-pangarap ko yownnn...pero handa ko yun bitawan p-para kay yeonwoo....k-kasi mahal ko siya....mas i-importante siya k-kesa doon"

Napabuntong hininga naman si yeonwoo at nilapitan si nancy

"Mahal tama na yan, lasing ka na" sabi ni yeonwoo habang kinukuha yung baso kay nancy

"A-ayoko! Gushto ko pa! T-tsaka s-shino ka b-ba?" turo ni nancy kay yeonwoo

Hindi sumagot si yeonwoo bagkus ay hinawakan nito ang kamay ng girlfriend

"T-teka! Don't touch me! M-my wife will be mad! L-let me g-go!" sabi ni nancy at malakas na hinila ang kamay niya

"Uuwi na tayo" seryosong sabi ni yeonwoo 

"I-i don't even know you!"

"Uuwi na tayo nancy! Lasing ka na oh!" galit na sabi nito tumayo naman si nayun at pinakalma ang kaibigan

Sa kanilang magkakaibigan ay si nayun at yeonwoo nalang ang hindi lasing

"S-shino ka ba kashi? M-magagalit shi yeonwoo kapag...shumama ako shayo..." bigla nalang nakatulog si nancy dahil sa sobrang lasing

Into YouWhere stories live. Discover now