Chapter 53

202 12 1
                                    

*Yeonwoo's POV*

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko

Bumangon ako at hinilot ang sintido ko

"Oh? Gising ka na pala?" napatingin naman ako sa pintuan ko ng may nagsalita

"Here, inumin mo to para mabawasan ang sakit ng ulo mo" sabi ni ahin at inabutan ako ng gamot at tubig

Kinuha ko naman yun at ininom "Thanks" sabi ko at humiga ulit

Sinara niya ang pinto at nilapag ang baso saka tumabi sakin

"Aray!" daing ko ng pitikin niya ang ilong ko

"Ang kulit mo talaga, diba bawal ka masobrahan sa alcohol? Bakit uminom ka parin?" nagpout naman ako dahil sa sermon niya

"Ahin naman eh! Mamaya ka na manermon, maaga pa at masakit ang ulo ko" reklamo ko

"Hindi naman kasi sasakita yan kung hindi ka uminom" sabi niya na lalo kong ikinapout

"Ayusin mo nga yang mukha mo para kang pato" pinitik ko naman ang tenga niya at bumangon

"Aww!"

"Ikaw nakakainis ka! Minsan ka na nga lang magsalita nang-aasar ka pa. Lumabas ka na nga!" sigaw ko at tinulak siya

Tumayo naman siya "Kakain na tayo!" sabi niya

"Oo susunod ako, layas!" sigaw ko at tinulak siya ng mahina palabas

Pagsara ko ng pinto ay dumiretso ako sa cr at naghilamos at nag-toothbrush

Pagtapos ko ay bumaba na ako at pumunta sa kusina

Umupo ako sa tabi ni ahin at nagsimulang kumain

"May lakad ba kayo ngayon?" tanong ni papa

"Sa bar po. Trabaho" sagot ko

"Ikaw brenda?"

"Ganun din po tay"

"Ahin?"

"Sasama po ako kay ate tapos pupunta ako kay kuya mamaya" napatango naman si papa

"Pupunta rin ako kay minho,patrick pero pupunta muna ako sa presinto baka may balita na sila kay angelo" sabi naman ni mama

"Ganon ba? Sasama ako" sabi ni papa

"Ako din sweetheart, nakakakutob kas ako na siya ang may kagagawan ng nangyari kay minho tapos yung nangyari pa sa braso ni yeonwoo" sabi ni myy

"Kung ganon, sabay-sabay nalang tayo pumunta don" suggestion ni mama

Ng matapos na kami kumain ay nag-asikaso na kami

***
Pagtapos namin kumanta ay bumaba na kami ng stage

Sinalubong naman sila ng mga girlfriend niya kaya umupo agad ako sa couch

Dati...pagtapos namin kumanta may sumasalubong sakin na yakap. Ngayon...wala na

Napatingin naman ako sa hawak kong juice na may halong alak

"Hep,hep. Bawal yan" sabay agaw niya sakin ng baso

"What? It's just a juice!" reklamo ko

"Hindi yan basta juice,may halo yan!"

"May halo naman pala eh" sabi ko at kukunin na sana yun pero nilayo niya yung baso

"Nope! Tumigil ka nga yeonwoo lee!"

"Ikaw pwede ako bawal,ang unfair ha"

Sinamaan niya ako ng tingin "Hindi naman to sakin eh! Kila taeha to! Kung gusto mo uminom edi uminom ka! Bahala ka sa buhay mo" sabi niya at nag-walk out

Into YouWhere stories live. Discover now