Chapter 11

384 13 2
                                    

*Nayun's POV*

Pagdating namin kila yeonwoo ay naabutan namin si kuya minho at ahin na nanonood sa sala

"Hi kuya! Hi ahin!" bati namin at bumeso sa kanila

"Oh? Andito pala kayo. Wala ba kayong mga klase?" tanong niya

Shemayy ang gwapo talaga ni kuya minho

"Actually meron, kaso....tinatamad kaming lahat kaya umabsent kami" sabi ko

"Hay nako kayo talaga oh,basta wag niyong pabayaan ang pag-aaral niyo ha?" paalala niya

"Opo" sabay sabay na sagot namin

"Maupo na kayo, kukuha lang ako ng inumin niyo" sabi niya at tumayo

"Hi ahin!" bati ko at tumabi sakanya

Ngumiti lang siya sakin at nanood ulit ng tv

"San ate mo?" tanong ko

"Tulog" sagot niya

"Nandito ba si nancy?" tumango naman siya sa tanong ko

Manang-mana sa ate niya noh? Isang tanong, isang sagot

"Oh uminom na kayo" sabi ni kuya minho at binigyan kami isa-isa ng juice

"Kuya,akyat muna ako" paalam ni ahin

"Sige magpahinga ka na" sabi naman ni kuya at hinalikan si ahin sa noo

Pagkaakyat ni ahin ay tinanong namin si kuya kung anong nangyari sakanya

"Galing kaming hospital,bigla kasing sumakit yung dibdib niya kanina"sabi ni kuya kaya napatango kami

"Si yeonwoo ba hanap niyo? Nasa taas eh,natutulog kasama si nancy" agad namang nabulunan si jane sa sinabi ni kuya

"Napano ka?" tanong ko

"M-magkasama sila sa isang kwarto?" tanong niya at tumango naman si kuya at umupo sa isang couch

"Omygash!!!"

"Bakit?'

"B-baka may n-nangyari sa kanila! Wahhh!!!" agad naman namin siyang binatukan dahil sa sinabi niya

"Aray naman!" reklamo niya at hinawakan ang ulo niya

"Yang utak mo talaga napakaberde noh?' sabi ko na ikinatawa ni kuya

"Hindi pa kayo nasanay sakanya? Eh baka nga pati dugo niya berde eh" sabi ni kuya na ikinatawa ng lahat

"Kuya naman eh!" reklamo ni jane at nagpout saka humarap kay daisy na tinawanan lang siya

"Pati ba naman ikaw bebe labs tinatawanan ako?" reklamo niya

"Bebe labs?!" sabay-sabay na tanong namin kay jane

Agad namang namula si daisy at umiwas ng tingin

"H-ha? May sinabi ba akong bebe labs?"

Napangisi naman ako sa sinabi niya

Deny pa dude!

"Tara na,akyatin na natin yung lovers" aya ko at tumayo

"Kayo ng bahala dito girls ah, aalis muna ako" paalam ni kuya

"Sige kuya ingat"

Pagkaakyat namin ay dumiretso kami sa kwarto ni yeon

Pagbukas namin ay nakita naming natutulog ang dalawa habang magkayakap

Nagkatinginan naman kami at lumabas ulit saka sinara ang pinto

"Wag muna nating istorbihin" sabi ko at hinawakan ang kamay ni taeha saka bumaba

Into YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora