Chapter 58

211 13 3
                                    

*Yeonwoo's POV*

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni jane at tumingin samin

"Wait lang babe, wala pa si ano" sabi ni ahin at nagtype sa cellphone

"Sino?" tanong ko

"Si jooe tsaka si nancy" napatingin naman ako kay hyebin ng magsalita siya

"Ahh si jooe nalang pala tsaka si nan-what?!" nabigla naman ako dahil sa pagtaas ng boses ni jane

"Sorry babe, niyaya ko kasi sila nancy at tzuyu" sabi ni ahin

Napabuntong hininga naman si jane at uminom ng tubig saka nanahimik

Napatingin ako kay seolhyun na nasa tabi ko

"Okay ka lang?" tanong ko, namumula kasi siya

Tumango naman siya at sumandal sakin dahilan para akbayan ko siya

"Nahihilo ako" bulong niya

Sino ba naman kasi ang hindi mahihilo eh tirik na tirik ang araw. Lahat kami nasa labas ng van at nakaupo lang kami ni seolhyun dito sa likod. Nakabukas kasi ang likod ng van

Tinanggal ko ang cap ko at sinuot sakanya, kinuha ko rin yung tubig at inabot sakanya

"Here, drink this" sabi ko na agad niyang sinunod

"Dude" tawag ko kay nayun

Lumingon naman siya kaya nginuso ko yung isang pamaypay sa gilid niya

"Pakiabot" sabi ko

Kinuha naman niya yun at binigay sakin

"Thanks" sabi ko at pinaypayan si seolhyun na nakapikit

"Hooo! Sa wakas nakarating din!" napatingin naman ako sa apat na taong  dumating

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagpapaypay kay seolhyun

*Nancy's POV*

Pagdating namin ay agad kong napansin sila yeonwoo at seolhyun na nakaupo sa likod ng van

Iniwas ko ang tingin ko sakanila at uminom ng tubig dahil mainit

"Ouch!" napatingin ako kay chewy pero nakangisi lang siya habang nginuso ang magjowa na nakaupo sa likod ng van

Inirapan ko siya inayos ang gamit namin

"Okay since kumpleto na tayo. Let's go!" sabi ni ahin at pumasok sa passenger seat

Walang pasabi namang umupo si jane unnie sa driver seat

Umalis ang dalawa sa likod para mailagay na yung mga gamit

Habang naglalagay ako ng mga gamit ay napansin kong pumasok sa kotse sila yeonwoo at si jooe

Pagtapos ko ay lumapit ako kay hyebin unnie "Unnie saan ako?" tanong ko

Napatingin naman siya sakin saka sa kotse na pinasukan nila yeonwoo

"Doon ka nalang para kasama mo kami ni jooe" sabi niya at nginuso ang kotse

What?!

"P-pero-"

"Puno na yung van" putol niya kaya napatingin ako sa loob ng van

Nakaupo sa driver seat si jane unnie habang si ahin ay nasa passenger seat, ang nakaupo naman sa gitna ay sila tzuyu at sana habang ang nasa likuran ay si taeha at nayun unnie

Great!

Bakit ngayon ko lang narealize na lahat sila may kanya-kanyang partner samantalang ako ay wala. Tch!

Into YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin