Chapter 18

291 13 0
                                    

*Nancy's POV*

Napatingin ako kay yeonwoo na nakacross arms at nakapout habang nanonood

Napangiti ako sa itsura niya. Ang cute niya

Kung gusto niya gumaling aba! Kailangan sumunod siya noh!

"Oy!" tawag ko sakanya pero hindi ako pinansin

"Yeonwoo-yah!" hala siya ayaw talaga ako pansinin

Tumayo ako at lumapit sakanya at niyakap siya mula sa likod

"Galit ka?" tanong ko

"Hindi"

"Talaga?"

"Hindi nga!"

"Eh bat nasigaw ka?"

"Hindi ako nasigaw"

"Nasigaw ka eh" asar ko

"Hindi nga sabi!"

"Tamo! Sumisigaw ka eh" sabi ko at tinawanan siya

Inirapan naman niya ako at humiga na

"Matutulog ka na?" tanong ko

"Baka maliligo! Kaya nga nahiga ako eh" ako naman ang umirap sakanya dahil sa pagiging pilosopo niya

Tumayo nalang ako dala ang isang bote ng beer at lumabas para magpahangin

Umupo ako sa garden nila yeonwoo at tumingala

Ang ganda ng langit ngayon

Maraming stars

"What are you doing here?" napalingon ako sa nagsalita

Ngumiti ako at pinat ang tabi ko para umupo siya

"Nagpapahangin lang" sagot ko

"Akala ko ba matutulog ka na?" tanong ko

"Nah hindi ako makakatulog ng hindi kita katabi" sabi niya at ngumiti kaya napangiti rin ako

"Ang ganda ng langit noh?"

"Yeah" sagot ko at sumandal sa dibdib niya dahilan para akbayan ako

"Namimiss ko na pumasok" sabi ko

"Oo nga eh, sana pala hindi muna nagsembreak"

"Ang sabihin mo namiss mo lang mambully" asar ko na tinawanan lang niya

"Partly-aray!" kinurot ko tuloy siya

"Tumigil ka nga" sabi ko at niyakap siya

"Tara" aya niya

Kumunot naman ang noo ko "Where? Gabi na ah" sabi ko

"Basta. Magpalit ka muna,pants suotin mo ah,kumuha ka na rin ng jacket mo"

"Eh ikaw?"

"Ayos na to" sabi niya at tinignan ang suot niya

Nakasuot lang naman siya ng maong short at muscle sleeves take note: punit yung magkabilang gilid niya kaya kita yung tagiliran niya

Nakasports bra naman siya pero kahit na!

"No way! Magpalit ka! Tignan mo nga yang suot mo!" sabi ko

"Bakit anong meron sa suot ko?" tanong niya at tinignan ulit ang suot niya

"Wag na ng magtanong! Halika, magbihis tayo sa taas" sabi ko at hinila siya

"Medyo matino pa nga tong suot ko kesa sayo" sabi ko habang naakyat kami

Hindi naman kami napansin nila daddy dahil busy sila sa panonood

Into YouWhere stories live. Discover now