Chapter 30

267 12 2
                                    

*Yeonwoo's POV*

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko

Nakatitig lang ako sa kisame habang inaantay ang reply ni nancy

*toot*

Agad kong tinignan ang phone ko ng magreply siya

From: Mahal kooooo<3

Alright, see you tommorow

Napabuntong hininga nalang ako at di siya nireply-an

Bumaba ako habang dala-dala ko parin ang phone ko

Naabutan ko si kuya sa couch kasama ang isang babae

"Ate minyoung?!" tawag ko sabay naman silang napalingon sakin

"Hi yeonwoo" bati niya at ngumiti

Lumapit ako sakanya at niyakap siya

"Buti nakadalaw ka dito ate" sabi ko

"Syempre, namiss ko kayo eh" sabi niya at niyakap ulit ako

"Anong oras kayo dumating?" tanong ko

"Kakarating lang din namin ng kuya mo, gusto sana kitang puntahan sa kwarto mo kaya lang baka busy ka ayaw naman kitang maistorbo" sabi niya

Aww ang bait talaga ni ate

"Si ahin ba nakita mo na?" tanong ko umiling naman siya

"Tulog daw" sagot niya at bumalik sa couch

Sumunod ako sakanya at sinilip yung ginagawa nila ni kuya sa laptop

"Magsusukat na kayo ng damit niyo?!" gulat kong tanong

"Yep, napag-isipan kasi naming sa may na magpakasal kaya inaasikaso na namim yung mga kailangan" sagot ni kuya ng hindi tumitingin sakin

Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta sa kusina para uminom

Habang nainom ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yun

From: Mahal kooooo<3

I love you too and i miss you too :*

Agad kong naibuga ang iniinom ko dahil sa tinext niya

Pinunasan ko yung bibig ko habang nakatitig parin ako sa phone ko

"Kyaahhhh!!!!"

Hindi ko alam pero sa simpleng text niya na yun ay kinilig ako nang sobra

Naramdaman ko rin na nag-iinit ang pisngi ko pero hindi ko yun pinansin

Napansin ko naman na kumaripas ng takbo papunta dito yung mag-fiancé

"Anong nangyari yeon?" tanong ni ate

Lumingon ako sakanya ng nakangiti ng malawak

"Kyah kuyaaa!!!" tili ko at nagtatalon habang hawak hawak ko ang collar ng damit niya

"Huy! Ano ba? Bitawan mo nga ako! Ano bang nangyari? Bakit basa yung sahig?" tanong niya

Pinakita ko sakanila yung text ni nancy at ngumiti ng malawak pero kumunot lang ang noo nilang dalawa

"Oh? Anong meron? Nag-i love you too at i miss you too lang naman siya ah. Normal lang naman yun sa magjowa" sabi niya

"Aish! You don't understand, nag-away kasi kami" sabi ko at pinunasan ang sahig

"And?"

Napangiti ulit ako ng malapad at naramdaman ko nanaman ang pag- init ng pisngi ko

"Ohmygosh! Yeonwoo are you blushing?!" natatawang tanong ni ate

Into YouWhere stories live. Discover now