Chapter 16

357 15 0
                                    

*Yeonwoo's POV*

"Are you done?" napatingin ako sa likuran ko ng biglang may nagsalita

Sinara ko yung zipper ng bag ko saka binuhat "Yeah" sagot ko

"Tara na" sabi niya kaya lumapit na ako sakanya at hinawakan ang kamay niya

Pagkalabas namin ay bumungad samin si kuya at si mama myeongju

"Andiyan na pala kayo, tara na" aya ni kuya at kinuha ang dala kong bag

Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan ko si nancy ng pinto at pumasok na rin ako

Habang bumabyahe kami pauwi ay nakasandal ako sa balikat ni nancy habang nakaakbay siya sakin

I sighed at pumikit

"Are you okay mahal ko?" tanong ni nancy sakin

"Mmm" sagot ko habang nakapikit

Nasa pinakalikod kami ng van,si kuya ang nagda-drive katabi niya si mama myeongju

Sa pangalawang upuan naman ay sina jane,hyebin at nayun

Sa pangatlo ay sina jooe,daisy, taeha at ahin

Nagsisiksikan silang apat sa harap namin ayaw kasi umupo dito ni ahin sa likod magiging third wheel lang daw siya

"Pwede ba tayong bumisita kay papa?" biglang tanong ko

"Sure, why not? Para narin makilala ko ang papa mo" sagot niya at hinalikan ako sa noo

Niyakap ko siya at lalong sumiksik sakanya

"I miss him so much..." bulong ko

Hinaplos lang niya ang buhok ko at hinigpitan ang pagkakaakbay sakin

Pagdating namin sa bahay ay napansin ko ang isang kotse na nakaparada doon

"May bisita ka?" tanong ni nancy sakin

Tumingin ako sakanya at umiling saka hinawakam ang kamay niya

"Yeon..." lumingon ako kay kuya ng tawagin niya ako

"Sila mama" sabi niya at tumingin sakin

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin ulit kay nancy

Ngumiti lang siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko

Pagpasok namin sa loob ay nakaupo sa couch ang mag-asawang kim

"What are you doing here?" tanong ko habang nakakunot noo

Nakita ko naman sa peripheral view ko na napatingin sakin si nancy at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko

"Binibisita ka lang namin anak...."

"Ayos lang ako, makakaalis na kayo" sabi ko at umakyat na

"Anak..." napahinto naman ako sa pagakyat

"Sana balang araw, mapatawad mo kami ng daddy mo" uminit naman ang ulo ko at lumingon sakanila

I smirked

"Daddy?! Siya?!" sigaw ko at tinuro si angelo kim

"Oo anak..."

"Hindi ko siya daddy! Wala akong ibang tatay kundi si papa lang!" sigaw ko

"Pero anak, kasal na kami. So tatay mo na rin siya"

"No way! Wala akong tatay na mamamatay tao!"

*Nancy's POV*

Nagulat kaming lahat ng biglang sinuntok ni mr. kim si yeonwoo

Agad akong lumapit kay yeonwoo na nakahiga sa sahig

Into YouWhere stories live. Discover now