Chapter 17

294 13 1
                                    

*Yeonwoo's POV*

"So...i owe you three an explanation" basag ni papa sa katahimikan

Kasalukuyan kaming nasa garden ng bahay namin. Kaming tatlo lang ang nandito dahil nasa loob ng bahay sila mama myeongju at nancy

Walang nagsalita saamin kaya nagpatuloy si papa

"Totoo yung nangyaring aksidente noon,pero yung pagkamatay ako ay hindi. Sorry kung naglihim ako sainyo, sorry kung hindi ko nagampanan ang pagiging tatay ko sainyo ng ilang taon, sorry kung naging duwag ako" napatingin ako sakanya dahil sa huli niyang sinabi

"Alam ni angelo na nabuhay ako kaya agad niya akong pinuntahan sa hospital nun. Ang sabi niya ay wag na daw akong bumalik sa buhay niyo, lalo na sa buhay ng mama niyo kung hindi ay may gagawin siyang masama sainyo"

Napayukom ako ng kamao dahil sa sinabi ni papa

"Naging duwag ako noon kaya ginawa ko ang sinabi niya na magpanggap akong patay na. Hindi niyo lang alam anak pero lagi ko kayong pinagmamasdan mula sa malayo noon. Natatakot lang akong magpakita dahil sa sinabi saakin ni angelo"

"Nagpunta ako ng canada para maayos ko ang sarili ko bago ako magpakita sainyo. Hanggang sa nakita ko ulit si myeongju"

"Actually bestfriend ko si myeongju since highschool,nainlove ako sakanya noon pero hindi naging kami kasi boyfriend na niya noon si richard mcdonie. Yung papa nila nancy at brenda. Nung nagkita kami ay inimbitahan niya ako sa bahay nila at doon ko nakilala si nancy at brenda"

"Asan na po yung papa nila?" tanong ko

"Patay na dahil sa isang airplane crash" nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ni papa

"Bata pa sila noon at dun ako tumira sa bahay nila pansamantala hanggang sa unti-unti na rin akong nahulog kay myeongju kaya nagtapat ako sakanya ng nararamdaman ko. Tinanggap niya ako at naging kami mabuti nga at tanggap din ako nila nancy at brenda, nagpakasal na rin kami doon sa canada after 1 month hanggang sa nagdecide kaming umuwi na ng pilipinas para makita ko kayong magkakapatid dahil nakwento ko na rin naman sakanila ang nangyari saatin noon"

"Nagulat ako ng may iba ng nakatira sa bahay ang sabi ay binenta mo daw yun minho para magkapera kayo. Hinanap ko kayo, kung saan saan ako nagpunta mahanap lang kayo. Hanggang sa tumawag sakin si myeongju at pinapunta ako ng hospital. Nagtaka ako pero sumunod nalang ako at...at doon ko kayo nakita. Hindi ako nagpakita kasi ayokong magtaka kayo. Tinanong ko yung doctor kung ano yung nangyari, ang sabi ay nagkasakit si ahin dahil sa sobrang gutom.At doon ko lang nalaman na sa lansangan na pala kayo tumitira" napansin ko na tumulo ang luha mula sa mata ni papa kaya hinawakan ko ang kamay niya

"Ako na rin ang nagbayad ng hospital bills niyo don,gustong-gusto ko kayong lapitan kaso kailangan ko muna magisip ng plano kasi alam kong nagmamasid pa rin sakin si angelo. Kaya si myeongju ang pinalapit ko sainyo para tulungan kayo" sabi ni papa

Natahimik kaming lahat dahil sa kwento niya

"Kung ganon po...sino po yung nailibing noon?" tanong ni ahin

"It's a silicone sculpture of me" sagot ni papa

"Ipapatanggal ko na rin naman ang lapida na nakalagay doon. Nakakatakot kasi na buhay ako pero pangalan ko yung nakalagay doon" natatawang sabi ni papa

"Teka lang, balita ko yeonwoo sinugod ka sa hospital at may sakit ka daw" biglang baling ni papa sakin

Umiwas ako ng tingin at sumandal sa upuan ko

"Inom pa" nakangising sabat ni kuya

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako kaya inirapan ko siya

Into YouWhere stories live. Discover now