Chapter 19

288 11 1
                                    

*Yeonwoo's POV*

Mahigit kalahating oras na kaming nandito sa tambayan ko

Tumingin ako kay nancy pero nakatingin lang siya sa buwan

I smiled

"Ang ganda hal noh?" tanong niya ng hindi tumitingin sakin at tinuro ang buwan

"Sobra" sagot ko habang nakatitig sakanya

Napatingin naman siya sakin at nagtama ang mata namin

At dahil maliwanag ang buwan kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya natawa ako

Tumingin ako sa wrist watch ko

"Magaalas-dose na pala mahal ko. Uwi na tayo?" aya ko

Tumingin naman siya sakin at ngumiti at pinagdikit ang palad niya tsaka nagpuppy eyes sakin

"Dito muna tayo please?" sabi niya

"Pero-"

"Please?" napatitig ako sakanya at nagbuntong hininga

"Fine" sabi ko

Lumiwanag naman ang mukha niya at niyakap ako

"Thank you mahal ko!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi ng paulit-ulit na ikinatawa ko

"Wait,tatawagan ko muna sila papa at mama myeongju. Baka nag-aalala na yun" sabi ko

Bumitaw naman siya at umupo ulit

"Go ahead" sabi niya kaya kinuha ko yung phone ko at lumayo ng konti sakanya

(Hello yeon?)

"Pa,pwede po bang dito kami matulog ni nancy sa tambayan ko?" tanong ko

(Tambayan?)

"Alam po ni kuya yon, ayaw pa po kasi ni nancy na umalis eh. Don't worry may tutulugan naman po kami dito"

(Ligtas ba diyan?)

"Ofcourse! So?"

(Fine, basta umuwi kayo bukas before lunch okay?)

"Yes,pa" huling sinabi ko at pinatay ang tawag

Napatingin ako kay nancy na nakatingin parin sa buwan

Pumasok ako sa loob ng kubo at tinignan ang laman ng ref

Kumuha ako ng isang tubig at uminom

Pumunta ako sa kwarto ko at inayos ang kama

Niligpit ko rin lahat ng kalat ko at lumabas para silipin si nancy

Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likod

"Hindi ka pa inaantok?" tanong ko

"Medyo" sagot niya at humikab at hinawakan ang kamay ko saka sumandal saakin

"Gusto mo kantahan kita?" tumango naman siya huminga ako ng malalim at nagsimulang kumanta

Sandali nalang....
Maaari bang pagbigyan...
Aalis na nga...
Maaari bang hawakan
Ang iyong mga kamay....

Sana ay maabot
Ng langit
Ang iyong mga ngiti...
Sana ay masilip...

Tumingin ako sakanya pero nakapikit lang siya habang nakasandal parin sakin at hawak parin ang mga kamay ko

Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at nagpatuloy sa pagkanta

Wag kang mag-alala...
Di ko ipipilit sayo...
Kahit na lilipad,ang isip ko'y
Torete sayo...

Into YouWhere stories live. Discover now