Chapter 15

373 13 0
                                    

*Nancy's POV*

After ng ilang oras na paghihintay ay finally lumabas na rin ang doktor

Agad namin siyang nilapitan

"Doc?"

"Successful ang operation ni yeonwoo. Maya-maya ay dadalhin na rin siya sa kwarto niya" nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor

"About sa therapy naman niya, wala pang schedule but i think next month nalang"

"Pero doc, kung next month pa ang therapy niya. Pwede ba siyang umuwi muna? Or dito nalang?" tanong ko kaya napatingin siya sakin

"She can stay home naman, basta tulad nga ng lagi kong sinasabi minho" at tumingin siya kay kuya

"Iwasan na niya ang smoking at pag-inom ng alcohol. Lalo na't posibleng lumala ang condition niya. Ngayong bagong opera siya, hindi muna siya makakalabas ngayon,maybe next week" napatango naman kami sa sinabi ng doctor

"Minho, i think kailangan mo kausapin ang kapatid mo about sa smoking at pag-inom niya ng alcohol. Hindi maganda ang condition niya, buti nga at stage 1 lang ang natamo niya" he said

"Lagi ko po yun pinagsasabihan doc eh, sadyang matigas talaga ang bungo nung babaeng yun at hindi nakikinig sakin"

"Well,maybe isa sainyo ay pwede siyang kausapin" sabi ng doktor at tumingin saming lahat

He sighed

"Mauna na ako sainyo" paalam niya

"Sige po doc, thanks" sabi ni kuya at tuluyan ng umalis ang doktor

Napansin ko naman na nakatingin silang lahat sakin "What?" tanong ko

"Ikaw ang dapat kumausap sa babaeng yun, maknae" sabi ni hyebin unnie sakin

Ngumiti naman ako at tumango

***
"Yeonwoo?" tawag ko ng makapasok ako sa kwarto niya

"Hmm?"

"Ilang beses sa isang araw ka nagi-smoke?" tanong ko at umupo sa tabi niya

"Depende" sagot niya at tumingin sakin

"Pero..." tumingin naman ako sakanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin

"Nung gabing umalis ako....nakaisang kaha ako nun" sabi niya na ikinatayo ko

"WHAT?!" sigaw ko yumuko naman siya at pinaglaruan ang daliri niya

"What the hell are you thinking?!" sigaw ko ulit

"S-sorry...." mahinang sabi niya na ikina-kalma ko

Napapikit nalang ako at tumalikod sakanya

I sighed

Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang may yumakap sakin mula sa likod

"Sorry mahal ko, hindi ko na uulitin, please don't be mad at me i'm sorry...." bulong niya sa tenga ko at hinalikan ko sa buhok ko

"Please...." humiwalay naman ako sa yakap niya at hinarap siya

"Just promise me one thing" sabi ko at tinitigan siya sa mata

"No more smoking and no more drinking alcohol" sabi ko

"H-ha? Pero paano kapag may celebration hindi ako iinom?" tanong niya

"Fine! Pwede ka uminom but! Know your limits" sabi ko

Napangiti naman siya at lumapit sakin saka ako niyakap

Into YouWhere stories live. Discover now