Chapter 63

314 12 0
                                    

*Nancy's POV*

"Balik na tayo?" tanong ni yeonwoo

Ngumiti ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami pauwi, napatingin naman ako sa wrist watch ko, 4:30 na pala ng hapon, ang bilis

Malapit na kami sa bahay ng makita namin sila hyebin unnie na naglalaro sa dagat

"Parang mga bata" sabi ni yeonwoo ng makalapit kami sakanila

Napalingon sila saamin at saglit na nagtinginan. Nagulat ako ng sabay-sabay silang tumakbo palapit saamin at binuhat si yeonwoo

"Hoy! Ano ba?! Ibaba niyo nga ako" sigaw ni yeonwoo habang pinipilit na bumababa

"Parang mga bata pala ah" nakangising sabi ni sana

"Yari talaga kayong lahat sakin pag nakababa ako dito" sabi ni yeonwoo. Nabigla ako ng hinagis nila si yeonwoo sa dagat

Nagtawanan silang apat pero agad ding kumaripas ng takbo ng habulin sila ni yeonwoo

Natawa nalang ako at napailing sakanila. Pumasok na ako ng bahay, naabutan ko sa sala si taeha at ahin na  busy sa mga cellphone nila

"Si chewy?" tanong ko. Tinuro naman nila ang kusina ng hindi manlang lumingon sakin

Napailing nalang ako at pumunta sa kusina. Pero hindi si chewy ang naabutan ko kundi si seolhyun na nagluluto

Tumikhim ako na ikinatingin niya sakin. Ngumiti ako sakanya na sinuklian din niya ng ngiti

"Si chewy?" tanong ko at umupo sa tapat niya

"Sa kwarto niya ata" napatango nalang ako at napangalumbaba

"Uhm...seolhyun?"

"Hmm?"

"Pwede ka ba magkwento?" napakunot naman ang noo niya at tumingin sakin

"Magkwento ng?"

"Sainyo ni yeonwoo" natigilan siya sa pagluluto at tumingin sakin

"What do you mean?" 

"Ikwento mo kung paano kayo nagkakilala-kung ano yung nangyari sainyo" napatango naman siya at pinatay ang stove at naupo sa harapan ko

"Bakit gusto mo malaman?" 

"Kasi curious ako?" napailing nalang siya at uminom ng tubig

"Nagkita ulit kami ni yeonwoo sa new york. Alam mo naman siguro na college palang tayo ay gusto ko na siya, nabully ko pa nga si ahin diba?" panimula niya

Tumango ako at nagpatuloy siya sa pagkwekwento "Nung una naming pagkikita, lasing siya nun. Sobrang wasted niya that time. Sabi niya wala siyang kasama kaya dinala ko siya na tinitirhan ko dahil nakakaawa naman. Para nga siyang tanga nun eh, binabanggit niya ng binabanggit ang pangalan mo" tumingin siya sakin pero tinignan ko lang ang basong ininuman niya

"Syempre...nagselos ako, kasi nung time na yun...gusto ko pa siya" doon lang ako napatingin sakanya

Ngumiti siya sakin at sumandal "Napagkamalan niya pa nga akong ikaw nung gabing yun, hahalikan niya na sana ako pero lumayo ako, nakakahiya kasi hindi naman ako ikaw. Ayoko namang samantalahin yung pagkalasing niya. Kinabukasan gulat na gulat ng malaman niyang wala siya sa tinitirhan niya kaya sinabi ko sakanya yung nangyari. Hindi ko nga alam kung ano yung pumasok sa isip ng babaeng yun at inaya akong maging fake girlfriend niya, ako naman si tanga na sumakay sa trip niya, siguro sa sobrang pagkagusto ko sakanya ay pumayag ako sa kalokohan niya. Ang kulit nga eh...tumagal ng two years yung pagpapanggap namin, napakilala na niya ako sa lahat pero di naman kami" she chuckled

Into YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt