Chapter 38

179 13 5
                                    

*Yeonwoo's POV*

Gusto kong uminom. Pero may pumipigil sakin na pumunta ng bar kaya diniretso ko nalang ang sasakyan sa bahay

Walang tao sa loob dahil lahat sila ay nasa hospital

Pumasok ako sa loob at agad na dumiretso sa kusina at naghanap ng maiinom

Dito nalang ako iinom. Walang bayad

*Minho's POV*

"Kuya!" napalingon ako sa sumigaw

"Ahin, nandito ka pala. Asan ate mo?" tanong ko

"Ewan ko. Parang lutang nga si ate kanina eh, kinakausap ko pero hindi nasagot,nakatulala lang. Tapos di pa sumama dito,hinatid lang ako" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Hindi ba siya lasing?" tanong ko

Umiling naman siya "Hindi naman siya pinapayagan ni nancy uminom" napatango nalang ako at inakbayan siya

"Hayaan mo yung ate mo, baliw yun eh" natawa naman siya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta sa kwarto ni mama

"Ano palang nangyari kay mama?" tanong niya

"Hindi ko alam, ang taas ng lagnat niya kanina eh kaya dinala ko na agad dito. Wala pang sinasabi yung doktor kaya di pa namin alam" tumango lang siya kaya pumasok na kami sa kwarto ni mama

"Hi ma" bati ni ahin at lumapit kay mama

"Hi anak, asan ang ate mo?" tanong niya

"Hay nako ma, baka nasa bahay lang yun. Tinatamad lang siguro" sabat ko

"Ganun ba? Sige,kumain ka na ba?" tanong niya kay ahin

Umupo nalang ako sa tabi ni papa na kasalukuyang naglalaro ng kanyang cellphone

"Nagtext sakin si brenda. Galing daw dun si yeonwoo sa bahay" napatango nalang ako at kinuha ang cellphone ko

"Minho anak, bilhan mo nga ng pagkain ang kapatid mo" sabi ni mama kaya napatingin ako sakanya

Kinapa ko ang bulsa ko, aish!

"Naiwan ko yung wallet ko sa bahay ma, uuwi muna ako" sabi ko

"Eto nalang oh" sabi naman ni papa at nag-abot ng pera

"Wag na pa, yung akin nalang. Kukuha na rin ako ng damit sa bahay"

"Sige mag-ingat ka" tumango nalang ako at lumabas ng kwarto at nagdrive pauwi sa bahay

Pagpasok ko ay naka-amoy agad ako ng alak kaya napakunot ang noo ko

Dumiretso ako sa kusina, at tinignan ang paligid

"Damn it yeon!" sigaw ko at nilapitan siya

Tinapik ko ang pisngi niya para magising siya sa kalasingan

"Hmmm"

"Tumayo ka nga diyan! Bakit ka umiinom?!" sermon ko

"I..."

"I just need to calm myself...." sagot niya at tumayo

"Oh!" agad ko siyang sinalo kasi pagtayo niya ay nawalan siya ng balance

"Hahaha, i'm...i'm okay...." napansin ko ang pagtulo ng luha niya na agad niyang pinunasan

"Aish!" binuhat ko na siya at dinala sa living roon saka inupo sa couch

Bumalik ako sa kusina para linisin ang kalat na ginawa ng babaeng yun

"Dammit nakadalawang bote siya? Argh!" tinapon ko nalang yun at pinunasan ang lamesa

Into YouWhere stories live. Discover now