Last Chapter

450 16 5
                                    

*Yeonwoo's POV*

"Congratulations!" sabay na sabi namin ni nancy kay seolhyun. Kasalukuyan kaming nasa reception ng kasal niya

"Thank you" sabi niya at niyakap si nancy

Tumingin naman siya sakin at niyakap din ako "I'm happy for you" bulong ko

Ngumiti lang siya at at bumitaw na "Balik lang ako don" paalam niya

Pagkaalis ni seolhyun ay kakausapin ko sana si nancy pero tinawag siya ni jane

"Can we talk?" tanong ni jane

"Tungkol saan yung pag-uusapan niyo?" tanong ko

Tinignan lang ako ni jane, tatanungin ko na sana si nancy pero tumayo na ito at nginitian ako

Nasundan nalang namin yung dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin namin

*Nancy's POV*

"So..." napatingin ako kay jane unnie ng basagin niya ang katahimikan

"Kamusta?" tanong niya at tumingin sakin

"A-ayos lang" gosh! Bakit ako nautal?

"Sinabi na ni hyebin samin ang lahat nung time na umalis ka sa pangalawang pagkakataon, and i just want to say sorry" tumingin ako sakanya 

"Bakit ka naman nagso-sorry?" tanong ko

"Sa lahat. Lahat ng ginawa at sinabi ko sayo. I'm sorry nancy, narealize ko na...mali pala ako" napangiti ako at tinapik siya sa likod

"Ayos lang yun, kasalanan ko rin naman eh" sabi ko

"Nung umalis ka, walang araw na hindi umiyak si yeonwoo nun,lagi siyang naglalasing. Nadala siya sa emosyon niya. She suffered from a depression because of you. Para siyang baliw kasi lagi lang siyang nasa pintuan non at hinihintay ang pagbabalik mo, sobra akong naawa kay yeonwoo non kasi noon ko lang siya nakitang nagkaganon. Kaya lalo akong nagalit sayo, dinala namin siya sa hospital para magamot siya. Luckily after 2 months ay umayos na siya, napag-desisyunan namin na papuntahin siya sa new york para malibang siya at doon niya ulit nakita si seolhyun" napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang mga sinabi ni jane unnie

"I-i'm sorry" sabi ko at dumilat

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sakin kaya napatingin ako sakanya "Wag ka na mag-sorry, tapos na yun. ang mahalaga ay yung ngayon at yung future" sabi niya at ngintian ako

***

Pagtapos namin mag-usap ay bumalik na kami sa table namin. Kakausapin ko na sana si yeonwoo pero biglang tumugtog kaya inaya niya akong sumayaw

Nakahawak siya sa wait ko habang nakasakit ang mga kamay ko sa leeg niya. Habang sumasayaw kami ay nagsalita na ako

"Sorry yeon" sabi ko at niyakap siya

"Hmm? Bakit ka nagsosorry?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko

"I'm so sorry yeonwoo...i didn't know" 

"Hey may problema ba?" tanong niya at kumalas sa yakap at tinignan ako

"Jane unnie told me everything" sabi ko 

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sakin

"Pati yung...ano sinabi niya?" mabagal niyang tanong

"Yung ano? Yung nadepressed  ka?" tanong ko

Umiwas lang siya ng tingin at pumikit

"Yeon..." tawag ko, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap sakin

Into YouWhere stories live. Discover now