Chapter 50

205 12 2
                                    

*Yeonwoo's POV*

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni sana

"Oh? Nakarating ka na pala nasan na si nan-" naputol ang pagsasalita niya ng bigla ko syang yakapin

"Buddy...." sabi ko habang umiiyak

"What happened? Asan si nancy? Why are you crying?" umiling ako habang patuloy parin sa pag-iyak

"W-wala na buddy..."

"You mean-" agad naman akong tumango at lalong umiyak sa balikat niya

"Shhh...stop crying na please..." sabi niya at hinagod ang likod ko

Lalo naman akong naiyak at hinigpitan ang pagkakayakap sakanya

"Buddy...." sabi niya at humiwalay sa yakap at pinunasan ang luha ko

"Let's go home"

***
"Done!" sabi ko at sinara ang maleta ko

"Tapos na rin ako" sabi ni sana

"Let's go, malalate na tayo sa flight natin" sabi ko at lumabas na ng kwarto

Sumunod naman siya at lumapit kay tzuyu

"Babye babe, i will text you kapag nakarating na kami" tumango naman siya

"Take care babe. I love you" sabi niya at niyakap si sana

"I love you too. Wag kang lalapit sa mina na yon ah!"

Natawa naman kami ni tzuyu dahil sa sinabi ni sana

"Opo"

"We're going na, take care okay?" sabi ko

Tumango naman siya at niyakap ako

"Bye yeonwoo-yah. Take care"

"Bye yoda" sabi ko at hinalikan siya sa ulo

Lumabas na kami ng bahay at pumara ng taxi

"Hayy grabe back to normal nanaman pagdating natin dun" sabi niya habang nakatingin sa labas

"Kailan ka maghahanap ng trabaho?" tanong ko

"Hmm gusto ko nga dun sa pinagtatrabahuan niyo" sabi niya

"Edi dun ka nalang. Ikaw pumalit sakin" napatingin naman siya sakin habang nakakunot ang noo

"Pumalit?" tumango naman ako

"Sabi ni papa...pagtatrabahuin na niya ako sa company. Si kuya naman ay ganun din pero sa ibang branch siya"

"Are you serious?"

"Yep" sagot ko

"Buddy pwedeng ako nalang secretary mo?" natawa naman ako sakanya

"Akala ko ba gusto mo doon sa bar?" tanong ko

"Ihh wag na wala ka naman don"

"Hahahaha baliw ka. But i don't know lang, si papa kasi ang mamimili ng secretary ko. Kung ako tatanungin sige kukunin kita" sabi ko

"Okayy basta kung hindi man palarin na maging secretary mo, mag-aaply pa rin ako as employee niyo"

"Ikaw bahala" sabi ko at binayaran ang driver

Bumaba na kami at kinuha ang maleta namin

"Sayang buddy, hindi tayo nakapag-papicture sa eiffel tower" sabi ni sana habang papasok kami sa loob ng airport

Di nalang ako sumagot

"Buddy nakapag-paalam ka ba kay nan-"

"Nope" agad kong sagot

Into YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz