Chapter 57

207 11 1
                                    

*Nancy's POV*

Pagpasok ko ay bumungad sakin sila sana at chewy na  naglalambingan sa sala

"Sila mommy?" tanong ko

"Nasa america na, yung ate mo nasa canada" napabuntong-hininga nalang ako at pumunta sa kusina

Kumuha ako ng tubig at uminom 

"I love you"

"I love you more"

Napapikit nalang ako ng mariin ng maisip ko nanaman ang eksena kanina sa airport

Huminga ako ng malalim at nilagay sa sink ang baso na ginamit ko at bumalik sa sala

"Pwede bang sa kwarto niyo na yan ituloy?" iritang tanong ko kila sana na hanggang ngayon ay naglalambingan parin sa sala

Kanina pa kasi! Sa airport palang

"Init naman ng ulo mo" sabi ni sana

"Eh kasi kanina pa kayo naglalambingan, akala mo ilang taon hindi nagkita" sabi ko at inirapan sila

Kahit naman nasa france kami ay pumupunta doon si sana

"Sus ang sabihin mo bitter ka, may girlfriend na kasi yung baby mo" sinamaan ko ng tingin si sana pero binelatan niya lang ako

"Tss" umakyat nalang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama

*Yeonwoo's POV*

"So siya pala yung ex mo?" tanong ni seolhyun habang nakahiga sa kama

Huminto ako sa paglalaro ng cellphone ko at tinignan siya "Yeah" sagot ko 

Dumapa siya at tinignan ako "Bakit hindi kayo mag-usap?" tanong niya

"Wala naman na kaming dapat pag-usapan" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya

"Anong wala? Kanina nga sa airport halos malusaw na yung ex mo dahil sa titig mo kanya, kung hindi pa ako tinuro ni jane hindi mo pa siya titigilan" sinamaan ko siya ng tingin pero ang babaita tinawanan lang ako

"Alam mo kung mang-aasar ka lang, lumayas ka na lang" taboy ko sakanya

"Hmp! Di ka nalang magpasalamat na pumayag ako na maging-"

"Oo na! Sige na lumayas ka na, inaantok na ako" sabi ko at tinulak siya palabas

"Goodnight hon!" sabi niya at tumawa saka nagflying-kiss sakin

"Night" sabi ko at sinara na ang pinto saka iyon nilock

Napailing nalang ako sakanya at humiga sa kama

Bigla naman pumasok sa isip ko ang nangyari 2 years ago

*Flashback*

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay nancy?" 

"Tinatanong mo pa kung bakit? Ilang beses ko bang sasabihin sayo ang dahilan?!"

"At ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na hindi niya gusto ang nangyayari?!"

"Ang sabihin mo kinakampihan mo yang si nancy!"

"Wala akong kinakampihan!"

"Eh ano yang ginagawa mo?!  Mas inuuna mo pa yang si nancy kesa sa kaibigan at pinsan mo! Wala kang kwen-"

"Jane!" 

"Yah! Ano ba kayo?!" 

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at bumungad sakin si jane na nakahiga at si hyebin na nakatayo habang nakatingin kay jane

Into YouWhere stories live. Discover now