SYNOPSIS

866 23 5
                                    

HUNTING KENDRA

(The Last Vampire)

Vampire/Zombie/Wolf Series

Written by: Babz07aziole

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan ay tawaging zombie sa mundo ng mga tao. Sakop din nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi.

Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng Bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at Bampira na tumagal din nang ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyang nagapi at naubos ang mga lahi ng Bampira.

Pero iyon ang inaakala ng lahat—dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra—ang anak ng Hari ng mga Bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng Bampira.

Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito.

Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nanganganib mawasak sa hinaharap.

 Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nanganganib mawasak sa hinaharap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Thankyou Deviichi for creating a new book cover of Hunting Kendra 😊 heto na po actual BC niya sa physical book mga piglets 😘💖 pagawa na rin kayo sa  kaniya mabilis at madali siyang trumabaho.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now