PROLOGUE

505 28 23
                                    


MULA sa malayo ay kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim.

Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binate. Hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napakaguwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon.

Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatu-balani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul na karagatan.

"Come near, baby! Wanna join me?" tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin sa dalaga.

Hindi na niya namalayang tuluyan na siyang tumabi rito buhat sa pagkakatayo sa gilid ng baybayin. Kaunting dipa lamang ang layo nila sa isa't isa kaya't kung ang isa sa kanila ay gagalaw nang kaunti ay tiyak na tuluyang dadampi ang kanilang mga balat sa bawat isa.

Nanatili lamang silang nakatanaw sa dagat nang ilang sandali. Walang nais bumasag sa katahimikan na nakapagitan sa kanila nang mga sandaling iyon.

"P-please, d-don't go, Tim. I want you to stay with me. . ." hindi napigilang pagsusumamo ni Kendra sa katabing si Timothy.

Humarap siya rito at marahan niyang hinawakan ang braso ng binata. Kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito. Maski ang pagkuyom ng mga kamao nito ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ng dalaga.

"I'm sorry, Kendra, but I have to leave before the first hour of sunrise," pinal na sagot ni Timothy rito. Nanatiling nasa madilim na dagat ang tingin nito—hindi man lang siya tinapunan ng pansin.

Pero hindi tuminag ang dalaga. Nararamdaman niyang mag-iiba ang desisyon nito. Na siya ang pipiliin nito kaysa sa nauna nitong naging desisyon.

Huminga muna siya nang malalim bago niya tuluyang gawin ang nasa isipan. Unti-unti niyang idinikit ang katawan sa binate. Sa unang tingin ay tila nakayakap na siya sa binata. Kitang-kita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito.

Unti-unting kumurba ang matagumpay na ngiti sa labi ni Kendra dahil nararamdaman niya . . . malaki ang pag-asa niyang siya ang pipiliin nito.

Walang pag-aatubiling idinampi niya ang kamay sa dibdib ng binata mula sa nakabukas na polo nito. Naging mapungay ang mga mata ng binate hanggang sa tuluyan niyang iniyakap ang sarili sa katawan nito.

Napasinghap si Timothy nang maramdaman niya ang marahang pagdampi-dampi ng labi ni Kendra sa dibdib niya. Ewan niya ngunit nararamdaman niyang tuluyang magigiba ang lahat ng naipon niyang pagtitimpi sa mga sandaling iyon.

Nang umangat ang mukha ni Kendra ay tuluyang nagkatagpo ang mga mata nila. Agad hinuli ni Timothy ang labi nito. Tila sabik na sabik ito habang patuloy na nagbibigay ng laya ang bawat kamay nila sa paghipo sa katawan ng bawat isa. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa buhanginan. Halos habulin pa ni Kendra ang labi nito nang humiwalay ito saglit sa halik niya. Nakita niyang mabilis nitong inalis ang suot na polo at halos hindi kumukurap ang dalaga habang inaalis nito ang lahat hanggang sa kahuli-hulihang saplot nito.

Napalunok siya nang mamalas niya mismo ang perpektong katawan ni Timothy. Napataas ang sulok ng labi ng binata nang makita niya ang ekspreksyon ng dalaga.

"K-kaya ko ba iyan?" Tila may lakip na takot ngunit mas lamang pa rin ang excitement sa tinig ni Kendra.

"I assure you it will fit on you, baby," nakakaloko nitong sagot bago muling sinabisib ng halik ang dalaga. Nagpaubaya na lang si Kendra sa nais pang gawin ng binata sa kaniya. Siya man ay wala pang karanasan sa mga ganitong bagay. Para sa dalaga ay panahon na para ibigay na niya sa binata ang lahat-lahat. He wants him badly, na kahit ang sariling katinuan ay wala na yata sa tamang pag-iisip.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now