CHAPTER TWELVE

145 11 0
                                    

NAGISING ang diwa niya sa paglalakbay mula sa nakaraan, naramdaman niyang tila may nakamasid sa kanya ng mga sandaling iyon.

Ang pansin niya ay tuluyang nabaling sa binatang si Timothy na kasalukuyang nakatayo sa may hamba ng pintuan mataman siya nitong pinagmamasdan, kalakip ang matang nakalarawan ay simpatya.

Naipilig niya ang ulo, agad niyang binura sa isip ang namuong hinala. Napakaimposibleng alam nito ang nasa isip niya sa mga oras na iyon.

"H-halika Timothy."tawag niya rito, agad itong lumapit mula sa kaniyang kinaroroonan.

"Kamusta ka haring Hanzul, malalim yata ang iyong iniisip. Kaya maski ang aking pagparito sa iyong bulwagan ay hindi mo naramdaman."mabilis na pagninipula ni Timothy sa usapan, ayaw niyang matunugan ng bagong hari ang kakayahan niyang makabasa ng isip na bago pa lang naman niyang nadidiskubre.

"Hindi naman... matanong ko, meron ka na bang ideya kung saan matatagpuan ang huling bampira?"Agad nitong pag-iiba sa paksa. Maski ito'y ayaw rin ipaalam kay Timothy ang lahat, wala pa rin siyang tiwala hanggang ngayon sa sino man.

Magmula ng mawala siya ng matagal sa kanilang kaharian. Nagpakalayo siya para palakasin at makahanap ng bagong hukbo para pagbayarin ang ama sa ginawa nito sa kanya. Handa na siya sa pagbabalik ng malaman niya sa espiya niya na yumao na ang kanyang ama. Nalaman din niya na ang kaibigang si Zandrew ang may pakana, kung bakit namatay ang kanyang ama.

Hindi niya ito masisisi sapagkat napakasama talaga ng kinalakhan niyang ama, wala itong awa. Maski siya na anak nito'y hindi nito kinaawaan. Parang hindi siya nito tunay na anak, basta na lamang siyang itinakwil.

Nagtanim siya ng sama ng loob sa mahabang panahon, tinotoo nito ang sinabi na uubusin nito ang lahat ng lahi nina Trinity. Namuo ang mabigat na emosyon sa kaniyang dibdib sa kadahilanang maski si Trinity ay nawala na rin ng tuluyan sa kanya.

Gustong-gusto niyang magantihan si Zandrew sa ginawa nitong pagpatay sa pinakamamahal niyang babae. Marahan niyang tinapunan si Timothy, kababakasan pa rin sa mukha nito ang labis na pagkabalisa.

Sa pamamagitan ni Timothy ay mabibigyan na niya ng hustisya ang ginawang pagtatraydor ng kaibigan niyang si Zandrew. Hinding-hindi niya ito patatawarin, sa ngayon magagamit niya ang anak nitong si Timothy upang pagbayarin ito sa ginawa ng walang puso at sakim nitong ama!

Pilit siyang ngumiti at inakbayan si Timothy, tila nabigla pa ito sa ginawa niya. Kailangan niyang galingan ang pag-akto para lalong mapasunod niya ito.

Pero hindi niya maintindihan, kahit kinakain na siya ng galit ay hindi pa rin nitong makayang magalit ng lubusan sa anak ni Hanzul na si Timothy.

Ibinaling ni Timothy ang pansin sa iba, kung maari lamang pawiin niya ang galit ng hari ay gagawin niya. Hahayaan niya ang sarili na sumunod dito, kung iyon lamang ang makakapag-bigay ng lunas upang mawala ang lahat ng ginawang kataksilan ng kanyang ama sa babaeng minamahal nito.

Bigla siyang natigilan ng maalala niya ang mukha ng babaeng mahal ni Hanzul. 'Di yata't ang babaeng nakasagupa niya sa mundo ng mga mortal at ang babaeng minamahal nito na kaniyang nasilayan sa balintataw ay iisa lamang.

Magsasalita na sana siya upang sabihin ang nalalaman, ngunit bigla rin siyang inurungan ng dila na sabihin ang nalalaman. Baka magtaka ito kung bakit may alam siya. Kailangan na muna niyang isangguni ang lahat kay Merlous bago gumawa ng hakbang. Baka magkamali siya ng desisyon at iyon pa ang maging dahilan para mapahamak siya. Hindi niya pa ito lubusang kakilala.

"H-Haring Hanzul ipagpaumanhin mo ako ay magpapaalam na muna. May mahalaga lamang akong lalakarin."pamamaalam niya rito.

Tnitigan muna siya nito at napatango ng ilang beses, pagkumpirma na pinapayagan siya nitong umalis na. Muli ay ibinaling nito sa labas ng kaharian ang pansin nito. Palabas na siya nang muli niyang marinig ang tinig ni Hanzul.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now