CHAPTER THREE

266 15 14
                                    


TAHIMIK na pinagmamasdan ng hari ng mga Lobo ang mga bagong silang na alagad na nasa malalim na hukay sa tagong silid sa kaniyang palasyo.

Tuwang-tuwa siya sa nakikitang pag-aagawan ng mga ito sa karne na kaniyang ibinabagsak mula sa mataas na bahaging kaniyang kinalalagyan. Umaalingawngaw ang mababalasik na huni ng mga ito. Napatigil siya sa ginagawa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran.

Nagsalubong ang kilay niya at pagkatapos ay agad ang pamumutla nito nang tuluyan na niyang mapagsino ang lalaking mapangahas na pumasok sa pribadong silid na kaniyang kinaroroonan.

"Kumusta ka na, Kaibigan?" bungad nito kasabay ng pagbabagong anyo.

Agad na nagpalit ng anyo ang lalaki. Humaba ang nguso nito. Tinubuan ito ng mga pangil at matingkad na pulang balahibo ng lobo ang kulay nito. Habang ang mga mata naman nito ay kulay asul. Agad nitong dinakma si Zandrew gamit ang matutulis nitong pangil. Hindi man lang nakahuma ito dahil na rin sa labis na sindak na bumalot sa kaniyang sistema. Umalingawngaw ang nagmamakaawa at nag-aagaw buhay na boses ng Hari ng mga Lobo sa buong silid kasabay ng patuloy na pagngasab ng estranghero sa kaniyang ibat ibang parte ng katawan.

Tinigilan lamang siya nito nang humiwalay na nang tuluyan ang kalahating katawan nito. Nagkalat ang bahagi ng katawan ni Zandrew sa iba't ibang panig ng silid. Sinasayaran ng masagana niyang dugo ang lapag ngunit nanatili pa ring buhay ang hari. Gumapang ito palapit sa estranghero na may lakip na galit ang mga matang nakatunghay sa kaniya.

Sumuka na ng dugo si Zandrew. Maski ang ilong, mata at tenga ay inagusan na rin ng mapula nitong dugo. Bago bawian ng buhay ang Hari ng mga Lobo ay meron pa itong naibigkas na mga salita.

"H-hinding-hindi mo m-makakamit ang tronong matagal mo nang hinahangad! H-hindi ka p-papayagan ni Timothy. . ." paputol-putol nitong bigkas kasabay ng pangangapos nito ng hininga. Unti-unting bumalik sa dating anyo ang estranghero ngunit nanatili pa ring nakapaskil sa labi nito ang kakaibang ngisi.

Isa-isa nitong pinagpupulot ang katawan ni Zandrew at tanging ang kalahating katawan lamang nitong may ulo niya ang hindi niya ginalaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa malalim na hukay kung saan naroroon ang mga halimaw na bagong silang ng Hari ng mga Lobo. Agad niyang inihulog roon ang mga parte ng katawan ng Hari at saka sinakop ang maluwang na silid ng nakakakilabot nitong tawa.

Agad ang paglabas ni Merlous—ang Hari ng mga Zombie. Yumukod ito sa kaharap.

"Maligayang pagbabalik, Haring Hanzul! Mukhang natagalan ang pagparito mo," masayang pagbati nito.

Nanatili namang nakatutok ang pansin ng lalaki sa ibaba at tila may malalim na iniisip. "Mayroon lang akong inasikaso. Siya nga pala, nasaan si Trinity?" agaran nitong pagbubukas ng paksa matapos ang mahabang patlang.

Hindi agad nakaimik si Merlous. Nagdadalawang-isip itong sabihin sa kaharap ang nalalaman niya sa babae. Kababalik lang nito at iba pa naman itong magalit.

"Merlous, inuulit ko! Nasaan si Trinity!" mabalasik na pang-uulit nitong tanong kay Merlous.

Wala na itong nagawa kung 'di sabihin sa kaibigan ang nangyari sa babaeng minamahal nito. "H-huwag ka sanang mabibigla pero. . .  matagal nang wala dito sa mundo ng Acerria si Trinity. A-ang alam ko ay pinaslang siya ni Zandrew noong mga unang taon ng pagkawala mo."

Mabilis na napabaling ang sulyap ni Hanzul kay Merlous, sa isang kisap-mata ay agad-agad ang pagpapalit ng anyo nito. Muli naging isang mabangis na nilalang na naman ito, labas ang nagtutulisang pangil na dumamba ito kay Merlous.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now