CHAPTER NINETEEN

152 11 1
                                    

NANATILING nakapikit si Kendra, wala siyang lakas sa mga sandaling iyon na maski ang paghinga'y hirap siya.

Isang butil ng luha ang nakatakas sa kanyang magkabilang mata.

"Ito na ba ang katapusan?"bulong mula sa isip ni Kendra.

Nang bigla ay may maramdaman na tumulong likido sa kanyang bibig. Unti-unti ay iminulat niya ang mga mata. Nakita niyang si Trinity ito, kasalukuyang pinapatakan ng sariling dugo nito ang kanyang bibig; mula sa sinugatang palad nito.

Bigla'y nakaramdam siya ng lakas, paunti-unti... Hanggang sa tuluyan na siyang nakabawi.

Isang singhap at pag-ubo ang ginawa ni Kendra.

"K-Kendra? Ano ng nararamdaman mo?"nanghihinang tanong ni Trinity sa pamangkin. Kasabay ng pagkapa nito sa kanyang mukha.

Labis na nakaramdam ng awa rito si Kendra, alam niya na maraming tinamong mga sugat ito mula sa Hari ng mga Zombie. Tuluyan na rin itong nabulag.

Imbes na sagutin ito ay mahigpit niya lang itong niyakap habang patuloy siya sa mabigat na pag-iyak.

Natigil lamang siya sa pagluha ng marinig niya ang mga salitang nanulas sa bibig ni Trinity.

"Kendra kailangan mong maging matatag, k-kailangan na nating magtungo sa mundo ng Acerria. A-ng mag-ama ko si Timothy at Hanzul!"hysterical nitong sabi.

Naguguluhan man at kinabahan ay minabuting sundin nalang niya ito, kahit na nanlalambot ay tumayo na siya. Pinasan na niya si Trinity dahil hinang-hina na ito. Napakagat-labi si Kendra ng masayaran ng masaganang dugo ang balat niya na galing sa mga sariwang sugat ni Trinity.

Hindi niya ipinahalata sa kanyang Tita ang labis na awang nararamdaman dito.

Tumakbo si Kendra papasok sa kakahuyan, patuloy pa rin ang ingay ng mga Zombie mula sa 'di kalayuan. Napatigil sa pagtakbo si Kendra ng makita niya ang dalawang higanteng nasa malapit ng talon. Nahigit niya ang paa para humakbang, bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalangan sa mga oras na iyon.

Paano siya makakadaan ng hindi sila nakikita ng mga ito, marami rin ang mga lobong nakakalat sa buong paligid.

"Kendra..."bulong ni Trinity, halata sa tinig nito ang labis ng panghihina.

"P-po?"muli na naman siyang naiiyak.

"Kaya mo iyan, natatandaan mo ba ang itinuro ko dati. Kung paano patitigilin ang oras gamit lamang ang isipan."

Natigil sa pag-iyak si Kendra, iyon din ang naisip niya. Sinubukan na niya iyon dati, kaso nabigo lamang siya. Napayuko na lang si Kendra.

"Kendra alisin mo ang pag-aalangan sa iyong puso. Alalahanin mo kung ano nga ba ang ipinaglalaban natin, kung ano ang dahilan kung bakit naririto pa rin tayo. Isipin mo... isipin mo ang lahat ng isinakripisyo ng ama mong hari na si Marcuss. Ikaw lamang ang pag-asa ng lahat Kendra. 'W-wag kang magpapadaig sa takot..."kasabay niyon ay idinantay na ni Trinity ang ulo nito sa kanyang likuran.

Buhat sa narinig na sinabi ng kanyang Tita ay unti-unting nalikom lahat ang mga alaala, mga pangaral at sakripisyo ng mga kalahi nila noong mga unang panahon. Ang kanyang ama na lumaban hanggang sa kamatayan nito.

Ang panghihina ng loob niya ay unti-unting naglaho. Napalitan iyon ng kakaibang ibayo ng lakas at talas ng isip.

Ang Kendra na palaban at hindi sumusuko sa hamon ng buhay ay muling babangon.
Sa isang kisap-mata'y biglang nagpalit ang kulay ng mata niya, naging mapula iyon na tila kakulay ng dugo.

Mabilis siyang nagtatakbo kasabay ng pagtakbo niya ay ang pagsugod ng mga ito. Tumalon si Kendra sa ere, tuluyan siyang napapikit isang marahang galaw ang ginawa niya. Kasabay ng paggana ng isip niya.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now