CHAPTER THIRTEEN

144 10 0
                                    

TAHIMIK ang kabuuan ng silid-aralan na kanyang kinaroroonan. Ilang buwan na rin magmula ng umalis ang Tita Trinity niya, magpahanggang ngayon ay binabalot pa rin siya ng pangamba at pag-aalala sa kadahilanang baka hindi na magbalik ang kanyang Tita.

Napasulyap siya sa mga kaklase niyang nag-umpisa ng mag-sipasok at maupo sa mga bakanteng upuan. Patuloy pa rin ang pag-uusap ng lahat, okay lang naman iyon dahil wala pa ang kanilang professor sa unang subject nila sa gabing iyon. Muli niyang ibinaling ang pansin sa labas ng katabing bintana kung saan aninaw niya ang madilim na tanawin mula sa labas.

Napakatamik, tila may hatid na misteryo ang nakikita niyang tanawin mula sa labas.

Labis siyang nilamon ng kaisipan patungkol kay Timothy na lagi na lamang dumadalaw sa kanyang gunita, gising man siya o sa panaginip.

Magmula ng gabing ihatid at nakawan siya ng halik ay hindi na naalis sa isipan niya ang binata. Lagi siyang aligaga at balisa sa tuwina na kaunting tunog at kaluskos sa paligid niya ay ikinakagulat niya.

Aminin man niya o hindi sa sarili ay nagsusumigaw ang katotohanang tuluyan na siyang nahulog sa binata, lalong lumalim ang nararamdaman niya rito. Napatunayan niya iyon magmula ng hindi na nga ito nagpakita. Iniyakan niya ang mga gabing hindi na nagparamdam ito sa kanya.

Dapat sana ay nag-sasaya siya ngunit kabaliktaraan niyon ang nararamdaman niya. Marahas siyang napabuntong-hininga, hinayaan niya ang sarili na kumalma.

Mula sa pagmamasid sa labas ay hindi na napansin ni Kendra ang pagpasok ng kanilang guro.

Marahan siyang napabuga ng hangin bago niya ibinaling sa harapan ang pansin. Tuluyan siyang napatda ng makita mula sa harapan ang lalaking nagpapatuliro sa isipan niya ng nagdaang buwan.

Bigla ang pamamasa ng kanyang mga mata sa napipintong pag-iyak, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil nasa loob siya ng silid-aralan. Namiss niya ito ng sobra-sobra.

Tila may isang bahagi niya ang kulang na ngayon ay unti-unti ng nabubuo dahil sa pagbabalik ng binata.

Tila pinipiga ang puso ni Timothy sa mga sandaling iyon dahil sa emosyong bumadha sa mukha ni Kendra pagkakita sa kanya. Hindi niya aakalain na ganito ang mararantnan niya, ang akala niya ay tuluyan itong nagalit dahil sa ginawa niyang pagnanakaw nito ng halik rito.

Mabilis niyang iniwas ang pansin sa dalaga, nagkunwaring may tinitignan si Timothy sa mga gamit. Natigilan siya ng marinig niya ng tuluyan ang tinig ni Kendra na kasalukuyang nakatayo sa kanyang gilid.

Hindi niya napansin ang paglapit nito, paano ba naman kasi busy siyang inaalisa ang nararamdaman niya patungkol dito.

"Sir Grae i-ito po ang attendance sheet."pang-aagaw ng atensyon ni Kendra kay Timothy.

Agad iyon kinuha ni Timothy sa palad nito, napamura sa isip si Timothy ng mahawakan niya ang malambot na palad ni Kendra. Tila ginapangan siya libo-libong boltahe ng nakuryenti, dahilan upang mabitawan niya ang attendance paper. Lumagapak iyon sa sahig, marahan siyang napasulyap sa mukha ng dalaga.

Huling-huli niya ang pagngisi nito dahil sa inakto niya, nagmukha siyang katawa-tawa rito.

Damn nakakabasa rin pala ng isip ito! Mura ni Timothy sa isipan. Iniwas niya ang tingin ngunit saglit lang iyon dahil tila may hindi nakikitang sinulid na nag-uugnay sa mata ng binata. Mabilis at pasimple ang ginawa niyang pagsulyap kay Kendra habang nakayuko ito upang damputin ang attendance paper na nahulog sa lapag.

Napalunok siya kasabay ng panunuyo ng lalamunan ng binata. Ngayon lang napansin ni Timothy ang suot ni Kendra, naka-V neck cut na blusa ito. Ang puting kulay ng blouse nito'y magmistulang second skin nito, dahil sa sobrang pagkametisahin nito.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now