CHAPTER TWENTY

177 10 2
                                    


Ang Simula Ng Nakaraan...

“Magkaibang mundo ang siyang ginagalawan, tinatapakang bahagdan ng lupa ay magkabilaan. Kapayapaan ang nangingibabaw sa lahat at binibigyang daan ang bawat banal na makipag-ugnayan.

Walang limitasyon sa lahat ng bagay ngunit masisira ang lahat dahil sa pangunahing dahilanang ginawang kasalanan ay walang kapatawaran. Lahat ay mababago sa isang iglap. Tanging buhay ng isang banal ang makakapagligtas mula sa pagkawasak ng lahat.”

“Maligayang pagdating, Diyosa ng Acerria!” puno ng kasiyahang salubong ng mga mortal matapos siyang umahon sa malinaw na tubig ng ilog na inaagusan ng talon.

Kasama niya nang mga sandaling iyon ang mga pinagkakatiwalaan niyang nilalang sa Acerria— si Vermous, ang hari ng mga bampira. Nasa kabilang hanay naman niya si Yabbo, ang Hari ng mga lobo. Sa likuran naman niya ay ang hari ng mga zombie na si Lauke. Pinagkakatiwalaan niya ang mga ito at higit pa sa isang tagasunod ang turing niya sa bawat isa.

Mistulang mga anak na ang tingin niya sa lahat at pantay-pantay lamang ang ibinibigay niyang atensyon sa mga ito. Binigyan niya ng karapatan ang bawat isang pamunuan ang kaniyang mundo kapag siya'y tinatawag ng mga bathala para sa isang piging na dinadaluhan ng mga katulad niyang banal. Sila ang tumitingin sa mga maiiwan niya. Maski ang dating mundo ng mga mortal na itinatago niya ay ibinabahagi niya kahit pa siya ang pinagkatiwalaan ng mga Bathala. Hindi niya pinagdamutan ang mga ito at mistulan siyang ina sa bawat isa.

Lumipad siya palapit sa mga taong  sumalubong sa kaniya nang mga oras na iyon. Nasa mukha ng bawat isa ang labis na kalugaran. Ginamot niya ang mga may sakit at binibigyan niya ng pagkain ang mga nagugutom. Pinagyaman niya ang lahat, ibinibigay niya ang lahat ng naisin ng mga ito, kahit alam niyang minsan ay lumalabis na.

Muli ay nagsalo-salo sila sa isang magasanang pagkain na handog ng mga ito. Bago ang lahat ay nagbigay pugay sila sa mga bathala na siyang nagbibigay ng kanilang pangangailangan araw-araw.

Isang araw ay ipinatawag niya ang tatlo.

“Kayo muna ang bahala sa kaharian ng Acerria. Maski ang mundo ng mga mortal ay sa inyo ko rin ibibilin,” puno ng tiwalang sabi niya sa mga ito.

Tumango ang tatlong hari. Kasalukuyan silang nasa bungad ng kakahuyan na siyang daan papunta sa ilog na dinadaluyan ng malinis na tubig. Mula sa ilalim niyon ay ang daan naman patungo sa mundo ng mga mortal.

Bago magpasyang umalis ni Herriena ay tinapunan niya muna si Vermous ng tingin. Higit sa tatlo ay ito ang mas nakakaalam kung paano ang tamang paglilinang ng magkabilang mundo.

“Vermous, isasalin ko sa iyo ang isa sa iniingat-ingatan kong bato. Gamitin mo ito sa tama at huwag na huwag mong babahiran ng kasakiman at kaimbutan ang iyong sarili.”

“Makakaasa ka, Inang Diyosa,” puno ng kasiyahang saad ni Vermous. Hindi niya aakalaing sa kaniya ipagkakaloob ng mahal nilang Diyosa ang iniingat-ingatan nitong bato, kung saan nakapaloob ang buhay na walang hanggang na ninanais ng sino mang nilalang. Sabagay, ang lahi ng mga bampira ang kauna-unahang nilalang na napadpad sa mundong iyon kaya sa kaniya ipinagkatiwala ni Diyosa Herriena ito.

Nginitian niya ang tatlo at sa pagpikit niyay unti-unti siyang nilamon ng liwanag hanggang sa tuluyan itong naglaho mula sa kanilang harapan. Batid ng tatlo na matagal na mawawala ito.

“Tara, umpisahan na nating gawin ang mga ibinilin ng mahal na Diyosa, mga kaibigan,” yakag ni Vermous.

Sumunod naman ang dalawa. Nauna na ng ilang dipa si Vermous kaya sabay na naglakad sina Yabbo at Lauke sa likuran niya. Napakuyom ang dalawa dahil sa labis na inggit at paninibugho nila kay Vermous. Nahahalata na nila noon pa man na mas lamang ang ipinapakitang pagmamahal ng kanilang mahal na Diyosa rito. Pinatunayan lang nito ang kalamangan ni Haring Vermous sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob nito ng bato ng pagiging imortal.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt