CHAPTER FITHEEN

145 9 0
                                    


MULA sa malayo kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim.

Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon.

Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul.

"Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Aliyah.

Hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang tumabi rito, buhat sa pagkakatayo mula sa gilid ng baybayin. Kaunting dipa lamang ang layo nila sa isa't-isa, kung ang isa sa kanila ay gagalaw ng kaunti tiyak tuluyan ng darampi ang kanilang mga balat sa bawat isa.

Nanatili lamang silang nakatanaw sa dagat, ng ilang sandali. Walang nais bumasag sa katahimikan na nakapagitan sa kanila ng mga sandaling iyon.

"P-please d-don't go Tim, I-want you to stay with me..."hindi napigilang sumamo ni Kendra, buhat sa katabing si Timothy.

Humarap siya rito at marahan niyang hinawakan ang braso ng binata. Kitang-kita niya ang paggalawan ng panga nito. Maski ang pagkuyom ng mga kamao nito ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ng dalaga.

"I'm sorry Kendra, but I have to leave before the first hour of sunrise."pinal na sagot ni Timothy rito. Nanatiling nasa madilim na dagat ang tingin nito, hindi man lang siya tinapunan ng pansin nito.

Pero hindi tuminag ang dalaga, nararamdaman niyang mag-iiba pa ang desisyon nito. Na siya ang pipiliin nito kaysa sa nauna nitong naging desisyon.

Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang gawin ang nasa isipan. Unti-unti niyang idinikit ang katawan sa binata, sa unang tingin tila nakayakap na siya sa binata. Kitang-kita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito.

Unti-unting kumurba ang matagumpay na ngiti sa labi ni Kendra, nararamdaman niya... malaki ang pag-asa niyang siya ang pipiliin nito.

Walang pag-atubiling idinampi niya ang kamay sa dib-dib ng binata mula sa nakabukas na polo nito. Naging mapungay ang mga mata ng binata, hanggang sa tuluyan niyang iniyakap ang sarili sa katawan nito.

Napasinghap si Timothy ng maramdaman niya ang marahang pagdampi-dampi ng labi ni Kendra sa dib-dib niya. Ewan niya ngunit nararamdaman niyang tuluyang magigiba ang lahat ng naipon niyang pagtitimpi sa mga sandaling iyon.

Nang umangat ang mukha ni Kendra ay tuluyang nagkatagpo ang mga mata nila. Agad hinuli ni Timothy ang labi nito. Tila sabik na sabik ito, habang patuloy na nagbibigay ng laya ang bawat kamay nila sa paghipo sa katawan ng bawat isa. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa buhanginan, halos habulin pa ni Kendra ang labi nito ng humiwalay ito saglit sa halik niya. Nakita niyang mabilis nitong inalis ang suot na polo, halos hindi kumukurap ang dalaga habang inaalis nito ang lahat hanggang sa kahuli-hulihang saplot nito.

Napalunok siya ng mamalas niya mismo ang perpektong katawan ni Timothy. Napataas ang sulok ng labi ng binata ng makita niya ang ekspreksyon ng dalaga.

"K-kaya ko ba iyan?"tila may lakip ng takot ngunit mas laman pa rin ang excitement sa tinig ni Kendra.

"I assured it's fit on you baby."nakakaloko nitong sagot. Bago muling sinabisib ng halik ang dalaga. Nagpaubaya nalang si Kendra sa nais pang gawin ng binata sa kaniya. Siya man ay wala pang karanasan sa mga ganitong bagay, para sa dalaga panahon na para ibigay na niya sa binata ang lahat-lahat. He want's him badly, na kahit ang sariling katinuan ay wala na yata sa tamang pag-iisip.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now