CHAPTER NINE

144 15 0
                                    


NAPAKISLOT si Trinity ng maramdaman niya ang banayad na haplos ni Edmundo mula sa kaniyang likuran. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaniya, madaling araw na kaya napagpasiyahan ng ihatid ni Trinity ito. Mag-isa pa naman ang lola nito sa kanilang tahanan.

Bago maglakad ay marahan pa niyang tinapunan ang ilog na dinadaluyan ng talon, kung saan tumalon ang lalaki mula roon. Alam niyang daanan iyon papunta sa mundo ng Acerria, lalo siyang naghinala kung sino ang lalaki, ngayon ay unti-unti ng kumaklaro ang lahat kay Trinity.

Matapos ang nangyari sa kanila ni Hanzul napagkasunduan nilang ilihim ang kanilang relasyon. Ngunit hindi rin nagtagal ang lahat, dahil mula sa kakayahang makakita ng ina niyang Reyna na si Reyla ay naibunyag rin ang lahat ng itinatago nila ni Hanzul. Ikinulong siya ng ina sa isang abandonadong silid sa kanilang kaharian, mabuti nalang at nakatakas siya. May tumulong sa kaniya--- si Zandrew kaibigang matalik ni Hanzul. Itinago siya nito, sa pagtatago niya ay nagbuntis siya. Nagbunga ang pagmamahalan nila ni Hanzul, nawalang parang bula ang binata.

Sa araw ng pagsilang ng kanilang anak ay tuluyan ng hindi nagpakita si Hanzul. Labis ang sama ng loob ang namuo mula sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Nagdalamhati siya sa mga panahong iyon, pilit siyang nagpakatatag sa pagdaan ng mga araw; para sa kanilang anak. Kung 'di kay Dylan ay pinabayaan na niya ng tuluyan ang sarili.

Ngunit hindi nagtagal ang lahat, dahil isang araw ay napatay ang kaniyang anak. Sobrang sakit ng naramdaman niya, magpahanggan ngayon ay naroroon pa rin sa puso niya ang mga alaala ng nakalipas.

Kasagsagan ng digmaan noon laban sa lahing bampira at lobo, isa ang anak niya sa mga napaslang. Nagpunta lamang siya saglit sa sapa para maligo, mahimbing naman natutulog ang anak niyang si Dylan.

Pagbalik niya napamaang at napatda siya sa sumalubong sa kaniyang naglalagablab na apoy na tuluyang tumutupok sa kubo na tinutuluyan nilang mag-ina. Rinig na rinig niya ang malakas na pag-iyak ng kaniyang anak mula sa loob. Nagmadali siyang lumapit sa nasusunog na kubo. Ngunit nagitla siya ng may humarang sa kaniyang mga lobo.

"Padaanin niyo ko! Ang anak kong si Dylan n-nasa loob!"hysterical na sigaw ni Trinity ngunit mukhang bingi ang mga ito.

Ang isa sa mga ito ay bigla siyang dinaluhong. Kahit nanghihina pa ay lumaban siya, napatay niya ang tatlong lobo. Ngunit halos mabaliw na si Trinity ng wala na siyang marinig na iyak ng kanyang anak na si Dylan mula sa loob.

Bigla na lamang siyang naibato sa gilid, sa nahihilo niyang kaisipan ay nakita niya mismo ng dalawa niyang mata ang paglapit ng kulay abong lobo. Kilala niya ito, hindi niya aakalaing tratraydurin sila ni Hanzul nito. Muli niyang binalingan ang kubo na patuloy pa rin sa paglalagablab.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas upang makatayo at makatakbo ng mabilis pagkatapos ay hindi siya lumingon.

"Sige Trinity tumakbo ka magtungo ka sa mundo ng mga mortal at siguraduhin mong hinding-hindi ka na babalik kailanman. Dahil sisiguraduhin kong kamatayan ang sasapitin mo sa lahi ng mga lobo, katulad ng nangyari sa anak mo!"marahs nitong sigaw kay Trinity Wala man lang mahihimig na emosyon o awa kay Zandrew.

Nagdesisyon siyang umalis sa mundo ng Acerria baon ang pusong sawi, ngunit nangako siyang babalik siya upang iganti ang kanilang angkan at ang namatay na anak na si Dylan.

Napakurap siya pagkatapos mariin niyang naikuyom ang kamao, sa ginawa niya'y tuluyang nagsugat iyon dahil na rin sa matatalim niyang mga kuko.

Dumaloy ang masaganang dugo mula roon humalo sa basang lupa na patuloy na dinadaluyan ng tubig ulan.

Muling nanariwa ang hapdi at kirot ng kahapon na matagal niyang itinago sa nakalipas na panahon.

Muli siyang babalik sa mundong pinagmulan, kung saan tutugisin niya ang lahat ng nanakit, lumapastangan at umubos sa kanilang lahi, lalo sa anak niyang walang awang pinatay ng mga ito! Pagbabayarin niya ng malaki ang mga lahi ng lobo!

Nagtagis ang mga bagang niya, tingin niya'y nilansi lamang siya ng lalaking pinatakas niya, nagsisi tuloy siya na hinayaan niyang tumakas ito sa kanila. Siguro isa ito sa mga alagad ni Zandrew upang hanapin ang huling bampirang nagtataglay ng sagradong dugo na may bahid ng imortalidad. Walang iba kung 'di ang pamangkin niya si Kendra, hindi siya muling makakapayag na may masaktan sa pamilya niya. Dadaan muna ang mga ito sa kaniya!

Pero bago siya magtungo sa kabilang mundo kailangan niya munang sabihan si Aliyah at Kendra na mag-ingat dahil muli na naman ang pagtatangka sa buhay nila ng mga kaaway nila.

"Mag-iingat ka Trinity, huwag kang mangamba pasasaan matatapos din ang lahat. Matatahimik din muli ang buhay niyo."puno ng positibong saad ni Edmundo, bago siya umalis pagkahatid niya rito.

Ngumiti siya dahil sa sinabi nito, ngunit hindi man lang iyon umabot sa kaniyang mga mata.

Malabo ang sinasabi nitong magiging mapayapa rin ang buhay nila ng pamangkin. Dahil habang may nabubuhay sa kanilang angkan ay hinding-hindi titigil ang mga lahi ng lobo na hanapin sila.

Nagpatuloy siya sa paglalakad mula sa ulanan, patuloy din dumadaloy sa kaniyang pisngi ang masaganang luha dahil sa mga pangarap niyang ipinagkait sa kanya ng tadhana...

Mga pangarap nila na binuo nilang magkasama ni Hanzul DATI na unti-unting nawasak sa isang iglap lamang...

AGAD ang pagsagap ni Timonthy ng sariwang hangin ng tuluyan siyang makaahon. Hinang-hina siya sa mga sandaling iyon, pero kailangan niyang makalabas ng kakahuyan. Walang tutulong sa kanya sa mga sandaling iyon dahil napag-alaman niyang hindi kayang makapasok ng sino man sa kakahuyan. Tanging mga dugo ng lahing bampira ang nakakayamg pumasok at makalabas mula sa kakahuyan na kinaroroonan niya.

Nalilito pa rin siya sa natuklasan, kung ina niya ito bakit hindi man lang ikwenento ng ama niyang hari ito. Na buhay pa pala ang tunay niyang ina, dahil wala siyang nagisnang ina. Ang tanging nasabi lang ni Zandrew rito ay namatay sa panganganak sa kanya ang tunay niyang ina.

Ang reyna ngayon ng mga lobo ay hindi niya talaga ina. Matagal na niyang alam iyon, muli nagpatuloy siya sa paglalakad. Halos hindi na niya maikilos ang mga paa dahil sa labis na panghihina.

Agad ang pagbagsak niya sa lupa ng makalabas na nga siya ng kakahuyan. Nakarinig siya ng mga yabag at boses na papalapit bago siya panawan ng malay sa mga sandaling nagdaan. Mula sa kanyang balintataw umukit ang magandang imahe ni Kendra. Hindi niya pa alam kung kailan niya ito muling masisilayan na tuluyang nagbigay ng mabigat na pakiramdam sa kanya.

Mas pipiliin na niyang mamatay nalang sa mga kamay ng Haring Hanzul kaysa saktan ang babaeng minamahal.

"Kamusta ang lagay niya Phoebi?"tanong ni Verra rito.

"Mukhang masama ang lagay niya, tara kailangan niyang malapatan ng agarang lunas!"sagot nito pagkatapos.

Sa isang iglap ay nag-anyong lobo sila, ang tinawag nitong Phoebi ay agad isinampa mula sa likuran ang binata. Habang siya ay nanatiling nakasunod sa likuran. Matalik na kaibigan ni Timothy ang dalawa, ilang oras din silang naghintay sa pagbabalik nito. Hindi nila aakalaing babalik itong ganito, akala nila ay madadala na nito ng tuluyan ang babaeng ipinapahanap ng bago nilang hari na si Hanzul.

Ang oras sa mundo ng mga mortal at mundo ng acerria ay magkaiba. Ang isang araw sa mundo ng mga mortal ay humigit isang oras lamang sa kanilang mundo.

Mabilis na nilang nilakbay ang daan patungo sa kaharian ng mga lobo. Kung saan nagsimula ng pamunuan at baguhin ang pamamalakad ng bagong hari sa kanilang kaharian na matagal ding pinamunuan ng pamilya ni Timothy.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu