CHAPTER TEN

170 16 2
                                    


NAALIMPUNGATAN si Timothy dahil sa basang pamunas na inihilamos kaniya ni Aisha, ipinikit-bukas niya ang mga mata upang aninawin ang kaniyang paligid.

Kahit papaano ay maayos-ayos na ang kanyang pakiramdam, hindi katulad noong nakarating siya sa mundo ng Acerria akala niya'y hindi na niya muling masisilayan ang mundong pinagmulan.

Dumako ang mga mata ni Timothy ng maramdaman niya ang marahang paghaplos ng palad ni Aisha sa kanyang mukha. Bigla siyang naasiwa sa ginawa nito kaya upang tuluyan siyang mapabangon.

"Hindi pa sapat ang paggaling ng iyong mga sugat mahal kong Prinsipe, kaya manatili ka lamang nakahiga kung maari."puno ng pagmamahal nitong paalala sa kanya.

Si Aisha ang isa sa mga babaing umaaligid sa kanya sa mundo ng Acerria. Hindi naman niya ito maitaboy sapagkat maalalahanin at mabait naman ito. Muli siyang napapiksi ng maramdaman niya ang palad nito sa kanyang matipunong dib-dib na may hawak na basang basahan.

Ang maligamgam na hatid ng basang basahan na hawak nito'y naghahatid sa kanya ng kakaibang init sa katawan ng mga oras na iyon kay Timothy.

Muli ang pagsagi ng magandang mukha ni Kendra sa kanyang isip, marahan siyang napatiim-bagang dahil sa epekto dulot ni Kendra sa kaniya.

Hindi niya inaasahan ganoon kalaki ang masasaling sa kanya ng babaeng itinadhanang ihandog niya sa hari ng mga lobo.

Unang pagtatagpo pa lamang ng kanilang mga mata ay alam na niyang malaki ang magiging papel ni Kendra sa kanyang buhay.

Labis siyang nanghinayang ng mapag-alaman niyang ito nga ang huling bampirang nagtataglay ng walang hanggang buhay. Nasa babae ang mahalagang batong matagal ng hinahanap ng kanilang angkan.

Nakita na nga niya iyon na suot-suot nito sa leeg ng maabutan niya ito sa kalagitnaan ng kakahuyan ng harangin niya ito pauwi, maari niya iyon kuhanin sa mga oras na iyon, ngunit nagdalawang-isip siya. Hindi basta-basta ang magiging epekto niyon sa dalaga sakali, para siyang sasakalin sa tuwing maiisip niya na siya ang magiging dahilan ng kamatayan nito sa kasulukuyan.

Maaring ikamatay ni Kendra kung tuluyan mawawalay rito ang banal na bato na pagmamay-ari ng Diyosa ng Acerria na si Herriena, kung saan nabuhay ito noong mga unang panahon sa kanilang mundo.

Ito ang dating nangangalaga sa kanilang mundong ginagalawan ngayon, maski sa mundo na rin ng mga mortal. Ngunit ito'y nasawi dahil sa pagkagahaman ng kanilang lahi at ng mga zombie.

Sa mga panahon na ang Dyosang si Herriena pa ang nangangalaga'y nagkaroon na noon nang unang digmaan sa angkan ng mga bampira na pinangunahan ng angkan ng mga lobo at zombie, dahil na rin sa pag-aagawan sa banal na bato na hawak nga ng lahing bampira.

Magkagayon-man hindi mapapakinabangan ang bato kung hindi ibibigay ng kusa at bukal sa loob ng humahawak dito. Maari lamang maangkin ng tuluyan ang bato kung mamatay ang nagmamay-ari nito sa kasaluyan.

Pero ang tanong paano ba mamatay ang isang imortal na?

Biglang napawi ang malalim na pag-iisip ni Timothy ng maramdaman niya ang palad ni Aisha sa kanyang nakahantad na matitipunong dib-dib.

Naghatid iyon ng kakaibang init sa kanyang katawan ng mga sandaling iyon, naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dib-dib. Hinahayaan lamang niya ang sariling matangay sa pang-aakit ng babae sa kaniya
Ilang beses na rin niya itong nakaulayaw ng mga panahong mainit-init pa ang pagkabinata niya, sa ilang beses nilang pagtatalik ay nabibigyan naman niya ang sarili ng kasiyahan. Ngunit habang nagkakaedad siya hindi niya maramdaman ang pagkakuntento sa mga babaing naghahandog ng mga sarili nito ng kusa sa kanya.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα