EPILOGUE

282 10 7
                                    


NANATILI lamang nakatutok ang tingin ni Timothy sa ilog kung saan naroroon dati ang daan papunta sa mundo ng Acerria.

Tuluyang natuyo ang ilog kung saan umaagos ang talon, sa pagkatuyot nito'y tuluyang na ding nagsara ang lagusan.

Ilang Taon na rin ang lumipas ngunit tila kahapon lamang naganap ang lahat.

Akala ni Timothy at Kendra ay iyon na ang huling tagpo na makakasama nila ang isa't-isa. Ramdam nila ang kawalan ng pag-asa sa mga panahon na iyon.

Inilibot ni Timothy ang tingin, tuluyan ng bumalik sa dati ang ganda ng mundo ng mga mortal.

Ngunit sa kasawiang palad... hindi katulad ng naunang digmaan sa pagitan ng kanilang lahi at maging ng mga Zowol ang mundo ng Acerria ay tuluyang nawasak. Kasabay ng pagkasawak ay ang pagkawala ng kanyang ina na si Trinity.

Naging maliwanag sa kanya ang lahat ng ito'y mawala. Tila napaghandaan na nito ang pagdating ng araw na iyon, kung saan buhay nga nito ang kapalit para sila ay makaligtas sa pagkawasak.

Napakuyom ng kamay si Timothy sa mga alaalang nakakadagdag sa pangungulila sa kanyang ina.

Mga tagpo kung saan kuwene-kuwentuhan siya nito ng mga kaganapan sa kanilang mundo noong sanggol pa lamang siya. Mas active ang utak ng mga sanggol na bampira.

Naalala niya kung gaano nito kamahal ang ama niya at kung gaano ito kasaya ng isinilang siya nito.

Sadya yata ang buhay kadalasan unfair  at hindi perpekto.

Pero...

Magiging perpekto ito kung paano mo ito harapin. Gaano man kahirap ang napagdaanan nila pagkatapos ng pagkawasak ay unti-unti silang nakabangon.

"Tulala ka na naman diyan." Pang-aagaw ng atensyon ni Kendra kay Timothy. Lagi nalang niya itong nahuhuling malalim ang iniisip.

Ngumiti naman ito ng pilit sa kanya. Alam niyang masakit pa rin ang nangyari, pero alam niyang makakayanan iyon ni Timothy. Dahil may dahilan na ito para magpatuloy.

Si Hanzul ay nanatili sa Acerria, kasama ng ina nito. Wala itong nagawa para sumama ito sa kanila papunta  sa mundo ng mga tao.

Kahit ganoon ay alam na nilang masaya na ang mga ito kung saan man sila naroroon.

Naramdaman ni Kendra ang masuyong pagyakap ni Timothy sa kanya. Unti-unting kumurba ang ngiti sa mga labi ni Kendra, nag-umpisang mag-init ang katawan niya ng maramdaman niyang ipinasok nito ang palad sa loob ng kanyang blusa.

Marahan nitong minamasahe ang dib-dib niya, tuluyang nanigas ng ang nipples niya. Napapikit siya ng tuluyang angkinin ng binata ang labi niya.

Matagal silang nagsalo sa isang mainit na halikan. Naroon na napapaungol na lamang sa kasabikan si Kendra.

Wala silang pakialam kung saan man sila naroroon, ramdam nila ang kalayaan nilang ipadama sa bawat isa ang pag-ibig sa isa't-isa.

Nasa espirito pa ng mainit na halikan nila ni Timothy  si Kendra ng may ibinulong ito mula sa kanyang tenga.

"Tara sa bahay Kendra, habang may oras pa."anas nito.

Hindi na nagdalawang isip si Kendra tumango na lamang siya. Hinayaan niya ang binata sa lahat ng gusto nitong mangyari.

Mahal na mahal niya ito, kung ano man ang makakapagpasaya rito gagawin niya.

Sa isang iglap ay nakarating sila sa bahay, mabilis siya nitong binuhat papunta sa kama.

Ramdam niya ang kasabikan ni Timothy sa kanya. Muli na naman silang nagpalitan ng halik, ayaw na nilang magpaawat.

Sa sobrang gigil ni Timothy ay walang pag-aatubiling sinira nito ang suot-suot na damit ni Kendra.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now