CHAPTER SIXTEEN

157 9 1
                                    


SA MUNDO NG ACCERIA

Umahon mula sa tubigan si Driego kung saan naroroon ang nag-iisang lagusan papunta sa bawat magkabilang mundo.

Muli pa niyang binalikan ng tingin ang pinanggalingan niya, bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis ang bawat hakbang niyang may bahagyang pag-iingat. Sabagay... ano ba ang dapat niyang ikatakot. Walang sino man ang nakakapasok sa loob ng kakahuyan na kanyang linalakaran ngayon. Bukod tanging siya na lamang ang nag-iisang natira sa lahi ng mga bampira na naririto sa mundo ng Acerria.

Mabilis niyang iginala ang paningin pagkalabas niya ng kakahuyan, patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hanggang sa sapitin niya ang isang sapa.

Katabi ng sapa ay may matayog na bundok na naroon, tinatabingan ng mga halamang ligaw ang katawan nito na nagbigay laan para itago ang isang lihim na lagusan papunta sa isang lugar kung saan sila nagtatagpo ng palihim ng kanyang hari..

Ito na ang kinilala niyang hari matapos na mamatay si Marcuss.

Tumambad sa kanya ang hindi kaaya-kaayang tanawin, maski ang amoy ay hindi pa rin niya kayang pakibagayan. Magpahanggang ngayon 'di pa rin nasasanay si Driego sa masang-sang at tila nabubulok na amoy sa paligid.

Napatigil sa paglalakad si Driego matapos niyang marating ang isang silid. Walang kasangkapan ang makikita sa paligid, tanging mga sulo na nakakabit sa bawat ding-ding upang magliwanag lamang  ang buong kapaligiran.

"Kamusta ang naging lakad mo Driego, nagawa mo ba ng maayos ang ipinapagawa ko?"agad nitong tanong sa kanya.

"Oo mahal kong hari nagawa ko ng walang naging sagabal."pagmamalaki ni Driego sa kaharap. Dahan-dahan ang ginawa nitong paglapit s kanya.

"Dapat lang Driego dahil kung hindi  ay titiyakin kong ako mismo ang papatay sa iyo!"mapanganib na tugon nito kay Driego.

Agad na inilihis ni Driego ang paningin, magpa-hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa isipan nito ang pagkakapalpak niya dati.

May dalawang dekada na rin ang nakararaan--- Kung saan nakatakas sa kanyang mga kamay ang mag-ina ng namayapang haring Marcuss.

Ngunit ngayon ay unti-unti na rin naman bumabalik sa dati ang tiwala nito sa kanya, dahil natagpuan na rin niya si Kendra. Nagpapasalamat siya sa anak ng hari ng mga lobo na si Timothy kung hindi dahil dito ay mahihirapan siya.

Marahan naglakad ito sa kanyang harapan, nanlaki ang mga mata niya. Nang walang anu-ano'y may isang makapal na tela ang mabilis nitong inalis sa pagkakatakip.

Isang malaking kulungan ang tumambad sa kanya. Gawa mula sa matibay na bakal,  sa loob ay nakita niyang nakahandusay at walang malay si Trinity. Akma niyang hahawakan ang kulungan kung saan ito'y naroroon.

Sa maikling sandaling pagmamasid niya kay Trinity, tingin niya'y hinang-hina ito sa mga oras na iyon. Biglang natigil ang akma niyang paghawak sa kulungan.

" 'Wag na 'wag mong hahawakan iyan Driego, dahil ang kulungan na iyan ay gawa sa espesyal na metal para sa katulad niyo, kung saan hihigupin at hindi niyo magagamit pansamantala ang lahat ng kakayahan niyo bilang bampira. Tila magiging isang normal na nilalang ka na lamang."nakangising paalala nito kay Driego.

Matagal na tinitigan ni Driego si Trinity mula sa kinalalagyan nitong kulungan. Naroon ang awa at pag-aalala rito, sapagkat kahit papaano'y kalahi pa rin niya ito.

Sa pagkabigla niya'y unti-unting nagmulat ng mga mata si Trinity. Mabilis nitong ibinaling sa kanyang kinatatayuan ang paningin nito. Bigla itong napatayo mula sa pagkakasalampak sa lapag, kasabay ng pagtayo nito'y humawak ito sa rehas ng kulungan.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now