CHAPTER FOURTEEN

145 8 0
                                    

SA mga sandaling iyon mas pinili nina Timothy ang maglakad sa dating ruta na kanilang dinadaanan--- ang kakahuyan.

Sa pagkikita nilang iyon ay muli na namang nakatunghay ang bilog na buwan sa kanila, ang mapusyaw nitong sinag ay nagbibigay liwanag sa madlim na kapaligiran.

Hindi katulad noong unang hinatid niya si Kendra na makulimlim at may hatid na mabining simoy ang hangin sapagkat manaka-naka ang ulan dati.

Ngayon maalinsanagan ang hatid niyon sa balat nilang dalawa. Parehas lamang silang naglalakad ng tahimik, tila ine-ejoy nila ang mala-romantikong ambiance ng kapaligiran na kanilang nilalakaran.

Tanging mga panggabing hayop lamang ang maririnig na huni sa bawat panig ng kakahuyan. Nang bigla na lamang napatigil sa paglalakad si Timothy.

Sa pagtigil nito'y marahan niyang inabot ang kakapiranggot na distansya sa pagitan ng kamay nila ng dalaga. Napangsihap pa si Kendra matapos niyang maramdaman ang mainit na palad nito, awtomatikong dumako ang paningin ni Kendra sa mukha ng binata.

Hindi naman kakikitaan ng kung ano mang ekspresyon ang mukha nito, nais sana niyang bawiin ang mga kamay ngunit sa hindi malamang dahilan; tila may pumipigil sa kanyang gawin iyon.

Ang masuyong hatid na dulot ng mainit na palad ni Timothy ay nagbibigay tuliro sa kanya isip sa mga oras na iyon, pero ramdam niya ang kapayapaan kapag ito ang kasama niya.

Pagdating dito napakahina niya, ibang-iba siya sa Kendra na matagal na hinulma ng kanyang Tita Trinity.

"Kendra may aaminin ako sa'yo."may halong kaba ang mababanaag sa boses ng binata. Napansin niya rin ang pagtaas-baba ng adams apple nito.

Hindi mawari ni Kendra pero may halong excitement siyang naramdaman ng mga sandaling iyon, habang nakatunghay siya sa mala-asul na mata ni Timothy.

"A-ano iyon?"walang anu-ano'y tanong niya sa binata.

"I-I think I'm fallen for you, really from the very start. Sa kakahuyang ito kung saan una tayong nagkatagpo. Magmula noon hindi na ako natahimik."tuluyang pag-amin ng binata sa dalaga.

Biglang sinalsal ng kaba ang dib-dib ni Kendra, tila nalulunod siya ng labis na kasiyahan na parehas lang pala sila ng nararamdaman nito. Nais niyang sabihin na maski siya'y ganoon din, ngunit pinigilan niya lamang. Masiyadong mabilis ang lahat kung ganoon din ang itutugon niya sa dinudulog nitong pag-ibig sa kanya.

"From now on Kendra I will protect you, pangako ko iyan sa'yo."maigting na sabi ni Timothy kasabay ng marahan niyang pagkabig sa dalaga.

Hinayaan naman ni Kendra na makulong siya sa bisig ni Timothy, ninamnam niya ang init na nagmumula sa yakap at matitipunong dib-dib ni Timothy. Ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo, tuluyan na siyang nagpaubaya.

Unti-unting ibinaba ni Timothy ang mukha ni Kendra, pahapyaw na inilapat nito sa mapupulang labi ni Kendra ang nagsusumamo niyang labi. Hanggang sa lumalim ang paghalik ng binata, tuluyan ng inangkin at nagpakasasa sa labi ng bawat isa ang mga ito. Marahan niyang pinaglandas papasok sa bibig ng dalaga ang kanyang dila, mayamaya'y napaungol si Kendra dahil tuluyan ng natangay ito.

Nanlambot ang kanyang mga tuhod, tila bibigay ano man sandali ang mga iyon dahil sa labis na luwalhating hatid ng ekspertong paghalik sa kanya ng binata.

Tuluyan niyang ikinapit sa leeg ng binata ang mga kamay. Tuluyan namang humawak ang mga palad ni Timothy sa beywang ni Kendra.

Lumipas pa ang mahabang sandali bago tuluyang tinigilan ni Timothy ang mga labi ng dalaga. Malagkit na sulyap ang ipinukol ni Timothy sa dalaga, marahan niyang pinaglandas sa labi ng dalaga ang kanyang hinlalaki. Mamasa-masa pa iyon dahil sa naganap na halikan sa pagitan nila.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now