CHAPTER EIGHT

173 13 3
                                    


MABILIS na tinalunton ni Trinity ang daan palabas ng kanilang kaharian. Labis ang paghihimasik ng loob niya sa mga sandaling iyon.

Hindi niya pinansin ang patuloy na pagtawag sa kaniya ng inang Reyna niyang si Reyla. Labis siyang nanggalaiti sa isiping doon na sila maninirahan sa Kaharian ni Haring Frimo, isa sa mga nagtataasang pinuno ng mga bampira sa kanilng mundo.

Hindi niya aakalaing sa ilang taon lang ng pagkawala ng kanyang ama ay muling mag-aasawa ang ina at sa ama pa ng prinsipeng si Marcus.

Kasama niya ito sa isa mga pgsasanay para sa mga katulad niyang bampira, lagi sila nitong nagkakakopetensya sa mga bagay-bagay. Masiyado itong mayabang at akala mo kung sino ng magaling kung umasta. Kinasusuklaman niyang mapapabilang siya sa pamilya nito.

Mabait ang ama nito ngunit ng malaman niyang anak nito si Marcus ay bigla siyang naghimagsik. Ang dating magandang pakikitungo niya sa haring Frimo ay napalitan na ng iba, kaya kapag nagpupunta na ito sa kanilang kaharian ay lantaran na niya itong binabastos. Ngunit nanatili pa rin ang maganda nitong pakikitungo sa kaniya.

Ngpatuloy siya sa mabilis na pagtakbo hanggang sa nakarating siya sa pinakadulong bahagi ng kakahuyan. Nagsisigaw siya mula sa ituktok ng bundok kung saan nakapagitan ang malalim na ilog sa kakahuyan.

"Nakakainis ayaw ko na gusto ko ng umalis sa lugar na 'tu!"tuloy-tuloy niyang sabi habang naglalandas sa kanyang pisngi ang masaganang luha. Biglang natigil sa pag-iyak si Trinity ng makaulinig siya ng kaluskos mula sa itaas ng nag-iisang puno na naroroon. Nanggilalas siyang tumunghay sa lalaking nasa isang sanga nito, tila kagigising lang nito sa mga sandaling iyon. Halata sa mukha nito ang labis na pagkairita.

"Ang ingay mo alam mo ba 'yun?"inis nitong sabi kay Trinity, mabilis itong tumalon. Nagkaharap sila nito, hindi pa rin naalis ang pagkakasimangot nito. Napaatras siya ng marahang inalis nito ang luhang dumaloy sa pisngi niya.

"Tumigil ka nga sa kaiiyak, hindi bagay sa iyo Trinity..."mahina nitong bulong habang malagkit itong nakatitig sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya, nagtaka siya kung bakit siya nito kilala. Tila naman nabasa nito ang nasa isip niya.

"Isa ka sa mga angkan ng bampira diba? kilala ka sa angkan namin."bigkas nito, tuluyan itong tumingin sa ibang direksyon.

"G-ganoon ba, s-sino ka nga pala. I-isa ka rin bang bampira?"nauutal na tanong ni Trinity sa kaharap. Hindi niya maintindihan bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba dito. Naconcious siya bigla, pinagmasdan niya ito mula sa kinatatayuan nito ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya. Ang itim nitong buhok na hanggang balikat ang matangos nitong ilong. Ang labi nitong hindi masiyadong kakapalan na nagbibigay ng masensual na dating. Tila kay sarap humalik, mga mata nitong mala-asul na tila kapares ng bughaw na langit. Matangkad din ito, naglalaro ang taas nito sa 5'9 at may matipunong pangangatawan. Siguro umeedad ito ng benti singko o benti otso.

"Kung ako sa iyo umuwi ka na,"paalala nito kay Trinity, nasa kalangitan ang pansin nito. Maski si Trinity ay napasulyap rin, mukhang biglang sumama ang panahon. Bigla ang pagdidilim ng langit hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan.

Dali-dali sumilong si Trinity sa malaking puno na naroroon, maski ang binata ay sumilong rin. Nanatili ang matagal na patlang sa pagitan nila.

"A-ano pala ang pangalan mo?"hindi napigilang tanong ni Trinity, unti-unti niyang sinulyapan ang lalaking katabi. Hindi naman ito kakikitaan ng ano man sa mukha nito, tila nakangiti pa nga ang mga mata nitong nanatiling nakatingin sa malayo.

"Ako nga pala si Hanzul."

MAGMULA sa araw na iyon ay lagi na silang nagtatagpo ni Hanzul sa lugar na iyon. Ito ang naging pangunahing tagpuan nila, walang sino man ang nakakaalam sa lugar na iyon. Dahil sakop iyon ng lupain ng mga angkan ng mga bampira, habang ang kabilang banda naman ng ilog ay lupa naman ng lahi ng mga lobo.

✔️HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now