Chapter 23 : Jersey Number
Limang-araw matapos ang nangyaring Practice Game ng Boys Vs. Girls, at nanalo nga kami. Marami ang nakakilala at humanga saking mga estudyante ng Campbell High.
Karamihan na sa kanila tuwing papasok ako ng School, binabati ako o kaya makikipag-usap sila at sasabihin ang galing ko daw nung practice game.Wala akong ibang ginawa kundi ang sagutin sila ng basta ngiti lang. Umiiwas narin kasi ako na baka tanungin nila ako tungkol sa last spike na ginawa ko.
Ayokong ma-open yun. Kahit ang mga ka-team mates kong babae sa Volleyball bumilib sakin pero hindi naiwasan ang pagtatanong kung paano ko daw nagawa ang spike na yun.
Maging si Hanna, ilang beses akong kinulit. Maigi nalang at sinuway sila ni Coach Amber, ang mahalaga nanalo daw kami laban sa boys.Speaking of the boys... si Jigger.
Sabado ngayon at kakatapos ko lang kumain ng dinner sa Japanese Restaurant nila, paglabas ko... nasa labas si Jigger na nakatayo at nakasandal sa tabi ng kotse nya. Napalingon sya sakin habang bumababa ako ng hagdan. Hindi na naman ako nagulat nang lumapit sya sakin kaya nahinto ako."Pwede kabang yayain??" tanong nya.
"Bakit??" takang tanong ko.
"Basta."
Basta?? bakit hindi nalang nya sagutin. Saka saan naman nya ako dadalhin. Alam nya ba ang ginagawa nya, paano kung malaman to ni---
"May sasabihin lang ako." agad nyang sabi na pumutol sa pag-iisip ko.
Ilang segundo ko syang tiningnan sa mata saka nagpakawala ng malalim na hininga. Naglakad sya at pinabuksan ako ng pinto ng kotse.
"May dala akong motor." sabi ko.
"Iwan mo muna at dito ka sasakay sa kotse ko."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng mini heart attack sa sandaling iyon. Ako?? sasakay sa kotse nya?? first time ko atang sasakay sa kotse ng isang lalaki. Hindi ko pa naranasan yun kahit noong nasa Japan pa ako, kahit kay Eren, hindi. Dahil pag mamamasyal kami ni Eren pareho kaming naka-motor.
Speaking of Eren, ilang days narin syang hindi nagpaparamdam sakin. Siguro busy na sya ngayon at naiintindihan ko naman.
Hays kung ano-ano na ata ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na rin napansin kung ilang segundo o minuto ang lumipas na nakatingin ako kay Jigger saka sa kotse nya.
Hanggang sa magsink-in na sa utak ko talaga ang sinabi nyang 'may sasabihin daw sya.' Kung may sasabihin sya, bakit hindi pa nya sabihin ngayon dito mismo, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar.
"Gwen??"
Nabalik lang ako sa diwa ko ng tawagin ako ni Jigger.
"Bakit kailangan pang sumakay sa kotse mo?? saan mo ko dadalhin."
"Somewhere na makakausap ka ng walang ibang tao."
WHAT THE!!! napalingon naman ako sa paligid namin, may ilan-ilang dumadaan dahil papasok sila sa Japanese Restaurant, at kaming dalawa ay nasa labas lang.
Wala namang nakakakilalang iba sakin dito kaya ayus lang sakin.
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na ngayon dito." sabi ko.
Bumagsak ang magkabilang balikat nya at naglakad palapit sakin.
"Okay. Dito ang gusto mo eh, fine." bumuntong hiningi sya. "Remember the last time we've talk..." pauna nya. Naalala ko naman ang tinutukoy nyang huling pag-uusap namin, sa locker area yun at medyo hindi naging maganda ang pag-uusap namin nun.
"What about it??" tanong ko.
"Hindi ko alam kung paano mo nasabi yun or maybe someone told you that I'm courting someone and..."

YOU ARE READING
QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)
Teen FictionQUEEN SERIES #1 Campus Clash 1 : QUEEN OF THE COURT by: agirlwhocussalot Kwento ng isang babae na magaling, mahusay sa larangan ng paglalaro ng volleyball. Isa syang sikat na manlalaro sa bansang Japan at maging sa ibat-ibang bansa sa Asya. She's ha...