Chapter I

479 12 0
                                    

"Tao po pabili" ani ng Vice
" ano yun?" Agad na sagot ni Jackie  habang hawak hawak ang isang ballpen
" isang beer at isang kahang marlboro miss" sagot ni vice sa dalaga
" eh grabe din yung galit mo sa baga mo eh noh pinagpares mo pa" ani ni Jackie sabay inaabot ang  beer at Marlboro.
Matapos magbigyan si Vice ay agad na humiga ulit si Jackie at nakatutuk uli sa cellphone.
" Miss ano pangalan mo?"pagtatanung ni Vice habang nagtatagay magisa.
" Jackie Gonzaga " agad na sagot ni Jackie
" bakit ka nga pala nandito eh may sayawan sa may purok natin ah" ani ni Vice.
" eh ikaw bakit ka nandito umiinom mag-isa?" Agad na pangbabara ni Jackie
" ang sungit naman nito"
" di naman kasi ako sanay sa gnyan eh kaya mas pinipili kong magstay sa bahay"
Pagpapaliwanag ni Jackie
"Ah ganun ba miss "
" oo ganun talaga"
Maya maya ay nagsibabaan na ang mga kasamahan ni Vice isa kasi sya sa sundalong  naassign sa lugar nila Jackie.
" nga pala miss pahinge naman ako ng number mo " biglang natawa si Jackie sa tanong ni Vice at walang atubiling sinagot na
" 28"
" hindi yan" agad na sapaw ni vice
" ano ba kasi sabi mo number edi 28 favorite number ko yan"
" ano kasi yung... Yung cellphone number mo"
" luh wala akong number eh" agad na sagot ni Jackie.
" wow pwede ba yun may cellphone pero walang  cp number" agad na banat ni Vice
" pwede yun uy malay mo wala talagang SIM phone ko "
Pagpapaliwanag ni Jackie
" sige na please" pagsusumamo ni Vice.
" i dont talk to strangers kasi eh"
" edi magpapakilala ako i am jose mari borja viceral"
" sige na nga ito na 0....9....1.....2
Natatawa na naman si Jackie
" ano karugtong uy"
Agad na sinarado ni jackie ang tindahan nila sabay sabi
" Ikaw na bahala sa pito magsasarado na kami"
" hay ano ka ba jaaaackieee"
" ingat nalang wag pasubra di ka special"
VICE POV
grabe yung babaeng yung may araw ka din sakin makukuha ko din number mo.
" pre kilala mo ba yung babae dun ?" Sabay turo ko sa sari-sari store nila Jackie
" wala pre " agad na sagot ng kasamahan kong si Greg
" takte eh pilosopa kung sumagot yung babaeng yun " ani ko
" sus balak mo na namang jowain noh?" Agad na tanong sakin ni Greg
" kung majojowa ko yun pre eh subrang sungit tas pilosopa "
" sus matinik ka sa mga babae uy tska pre yan nalang nagiisang dalaga dito uy tsaka matakot ka sundalo papa nyan" ani ni Greg.
Bigla akong natahimik sabi ko sa sarili " hala nakakatakot naman pala"
----
Kinabukasan maaga palang aya agad ng nagbubukas ng tindahan nila si jackie at habang wala pang bumibili ay nagwawalis siya sa tapat ng tindahan nila.
" pst ! Pst! " agad na napalingon si Jackie sa pinanggalingan ng boses pero hindi nya makita kung sino
" pst pst!" Napalingon ulit si Jackie na kinairita na niya.
" HUUUUY KUNG SINO KA MAN HINDI AKO ASO PARA SUMITSIT NG SUMITSIT DYAN!" sigaw ni Jackie sa pagkairita niya
" NASAN NA YUNG KULANG NA PITOOOO" sigaw ng pinanggagalingan ng boses.
Napangiti nalang si Jackie. Agad namang pumasok si Jackie sa bahay nila maya maya.
" Tao po" ani Vice sabay smile sa kaharap nito
" ano Mr Beer and Marlboro?" Ani ni Jackie
Binigay ni Vice ang bente pesos sabay sabing
" isang candy miss gusto ko tigpipiso sukli ha" ani ni Vice ngiti ng bahagya
" wow ha isang candy wala! Walang candy dito" sabay tugon ni Jackie.
" nakoo naman aga aga ang sungit mo chill ka lang uy "
Inirapan lang ito ni Jackie sabay sarado ng maliit na bintana ng kanilang tindahan.
" naaak paloadan mo nga ako.." Ani ni mommy Che
"Mommy san naman tayo magpapaload eh ang layu nun ah"
Ani ni Jackie.
" sige sulat mo nalang number ko ipapautos ko nalang dali" ani ni Mommy che na ikinatuwa pa ni Vice
" mommy paloadan mo din ako ha?"
" sige sulat mo dyan number at kung magkano" paguutos ni Mommy Che.
Maya maya agad na nagpaandar si Vice na motor.
VICE POV
Akala mo ha di ko makukuha number mo? Pabitin ka pa nalalaman mautak to miss.
Pinaandar ko agad yung motor ko na kulay itim sinadya ko talaga para ako ang mautusan.
" makisama ka uy" sambit ko ng pabulong pano ayaw na naman umandar, sakit ng motor na to pabebe minsan. Nakailangkrang ako sa motor at di kalaunan eh umandar din naman " hay salamat" .. Agad akong sumampa sa motor ko nagpanggap akong walang alam na magpapaload sila.
" Viceeeee" sigaw ng Mommy ni Jackie. Siyempre modus operande na eh napangisi nalang ako.
" po?"
" san ka?"
" may bibilhin po?"
" ano bibilhin mo? May tindahan kami dito a'?"
" sungit ng anak niyo po eh "
" ay sige sige pero pasuyo naman oh papaload lang sana ako"
Dali dali akong bumaba sa motor ko at inabot ang papel na may sulat ng kanilang mga number.
" salamat Vice ha"
" salamat din ho este Welcome po" umabot hanggang tenga ngiti ko sa mga oras nayun hanggang sa naipaload ko yun.
--
" Mommy dumating na load mo? Nandito na sakin" ani ni Jackie habang nasa loob ng tindahan kumakain kain na naman ng paninda nila sa tindahan.
Nang di namalayang papasok pala mommy niya na naging dahilang mabatukan na naman ito. " yung puhunan natin sa bituka mo napupunta di ka naman tumataba tigilan mo kakain may kanin dun sa kusina!!" Pasinghal na sambit ni Mommy Che.
" Aray mommy naman eh grabe kayo sakin para isang chichirya lang " sagot ni Jackie na nooy nakanguso pa.
" isang chichirya sa isang araw! Tapos mga mamahalin pa! Nakuuu tutuktukan kita kumain ka dun di yung itong paninda nilalantakan mo don don!" Utos ni Mommy Che habang tinuturo ang direksyon papuntang kusina nila.
Maya maya sa di malamang dahilan biglang tumunog na malakas ang cellphone ni Jackie na nooy naiwan sa tindahan nila.
" Jackiiiiie phone mo may tumatawag" pasigaw ni Mommy Che para makuha ang atensiyon ni Jackie.
" Sino yan mommy?"
" walang pangalan"
Agad namang nangunot ang noo ni Jackie at napatayo sa kinauupuan nito.
" Huh? Pasuyo daw ako mommy paabot".
" hillo tilipon?" Sambit ng boses na nasa kabilang linya na kinairita ni Jackie.
" Sino ka?" Paguusisa ni jackie na nooy mahinahon pang boses.
" di po ako sinuka enire po ako" pilosopong tugon ng nasa kabilang linya. Tila ba naginit ang ulo ni Jackie na pinaggagawa ng kung sino mang tao yung tumatawag.Niloud speaker niya ito at itinapat ang mismong speaker sa bibig niya.
" HUUUUUUY KUNG SINO KA MANG TAO HAYOP O BAGAY NA LETCHE KA! TUMIGIL KA KASI DI  NAKAKATUWA! GETS MONG PANGET NA MURANG ASO NA NGINUDNGUD NG SAMPUNG BESES SA KANAL!" Pasigaw na tugon ni jackie at agad na patay ng cellphone nito. Mga ilang oras may nareceive syang isang text sa parehong number.
* From Unknown
  "Si Vice to uy makalait ka naman kala mo pangit pangit ko na ah balang araw magkakandara pa ka din sa kagwapuhan ko!"
Napakunot noo si Jackie sa nabasa
" apakayabang neto lakas ng apog"
* To Unknown
" Neknek mo kung ikaw kaya ipahabol ko sa aso di ka magkandarapa sa kakatakbo sus sa gandang kong to hahabulin ka? Puputi muna ang uwak!"
Matapos nun wala ng nareceive pang text si Jackie. Nang maya maya ay nagtaka na si Jackie na may kinakausap na si Mommy Che. Nagtaka ito kaya pinuntahan niya ito laking gulat niya ng may isang malaking puting ibon ang nooy hinahawakan ni Mommy Che.
" Mommy? Nuyan?" Paguusisa ni Jackie.
" Ibon nak nahuli nila kani-kanina lang" tugon ni Mommy Che.
"Sino daw nakahuli mommy?"
" Si Vice"
Agad niya sinilip ang lalaking nakaharap kanina pa sa kanya ng magtagpo ang kanilang mga mata laking gulat niya ng kindatan siya nito.
" Ewwww kadiriiii" napasigaw nalang si Jackie. Ang mas ikinagulat nila ng humuni na yung malaking ibon.
" Waaaak waaaaaakk" nagkatitigan ang magina.
"Mommy Uwak yan ah bat puti?"
" aba malay ko"
Napangisi si Vice sabay tugon na.
" Pininturahan ko ng puti"
" anong kabaliwang naiisip mo Vice sa lahat ng ibon uwak pa pinagtripan mo!" Ani ni Mommy Che.
" eh baliw naman na yan mommy nuon pa" dagdag pa ni Jackie.
" wow kilala mo na ako noon pa? So stalker kita?" Pang- aasar pa ni Vice.
" in your dreams" sambit ni Jackie sabay irap dito.
" sabi mo kasi puputi muna ang uwak eh so i make it possible diba magic" ani ni Vice sabay kindat neto.
" ako tigilan mo kakakindat mo dyan tatanggalin ko yang mata mo sinasabi ko sayo Vice" pagbabanta ni Jackie kay Vice na nooy nakakibit balikat pa.
" abat tapang ng anak ko ah"
" tapang nga po tita eh "
Nagkunot noo si Jackie ng tawaging tita ni Vice ang mommy niya. Agad niyang inilabas ang kamay neto't akmang sasabunutan ito.
" wag mong tatawaging tita mommy ko huuuy!! " sambit ni Jackie habang patuloy na inaabot si Vice habang humahakbang ng humakhakbang namn si Vice.
" Sige po uuwi nako .. tiiiiiiitaaaaaa" pang-aasal pa lalo ni Vice.
" UMAAAAAAALISSSSSSSS KANAAAAAAA!!!!" pasigaw ni jackie sa subrang irita habang si Mommy Che naman kanina pa natatawa habang pinamamasdan silang naggigirian.
" aba mommy tawa ka pa ng tawa dyan a" ani ni Jackie ng mapansin tawang tawa ang mommy nito.
" pano napapikonin mo " tugon ni Mommy Che sa anak na nooy hawak hawak pa din ang uwak na kinulayan ng puti ni Vice. At nabaling nga ang atensiyon ni Jackie sa ibon nayun.
" Mommy akin na nga" ani ni jackie ng akmang kukunin ang ibon sa ina neto na inilihis naman ni Mommy che.
" abay bakit sakin binigay bat mo kukunin"
" papakawalan ko aba't mamamatay yan eh uwak yan mommy halaka kumakain yan ng karne ng tao gusto mo nun." Pagnanakot ni Jackie habang dahan dahang nilalapit ang kamay sa ibon.
"Ako pinagloloko mo tigilan mo ko isasauli ko to kay Vice " tugon ni Mommy Che. Napabuntong hininga nalang si Jackie at agad na tumalikod at bumalik sa kusina para ituloy ang naudlot na pagkain.
" Nga pala anak bukas dadating na yung motor na request mo pero di ko papagamit sayu yun hanggat di ka pa marunong kaya bukas mag-aaral ka na ha?" Ani ni Mommy Che.
Limang buwang nakararaan ay nagrequest si Jackie na magpabili ng motor para nadin gawin nyang service para pagpasok niya sa trabaho  medyo nga naman malayu at magastos kung magcocommute siya.
" eh sino magtuturo sakin mommy?" dagdag na tanong ni Jackie dito.
" ako na bahala basta hindi mo magagamit ang motor mo hanggat di ka pa marunong ha kaya ayusin mo bukas yung pagdadrive " ani ni Mommy Che. " sige mommy ako pa ba fast learner ako eh " pagmamayabang ni Jackie sa ina nito.
--
" Vicee" pagtawag ni Mommy Che na agad namang napansin ni Vice.
" po ?"
" tong ibon mo oh nakalimutan mo kanina " ani ni Mommy Che habang nilalahad ang ibon kay Vice.
" liguan mo nalang yan ulit para umitim ulit " pabirong sambit ni Mommy Che.
" Nga pala Vice baka pwedeng ikaw nlng magturo sa anak kong magmotor bukas pwede ba?" Ani ni Mommy Che. Tila ba natulala si Vice at di agad nagsink-in ang sinabi nito.
" Ha? Ano po yun?" Tanong ni Vice.
" sabi ko baka namn pwedeng ikaw nalang magturo bukas ng pagmomotor kay Jackie " paguulit ni Mommy Che.
" Ah ... O.. Oo naman po pwedeng pwede yun ay kung papayag din po si Jackie eh kumukulo dugo nun sakin eh" walang pag-alinlangang tugon ni Vice.
" Nako hayaan mo yun basta bukas ha? Sayo ko pagkakatiwala anak ko bukas wag mong gagalusan " pabirong sambit ni Mommy Che sabay tapik sa balikat ni Vice. Habang si Mommy Che agad na humakbang paalis. " Nga po pala ano gagamiting motor po?"ani ni Vice na medyo napalakas dahil medyo malayu na din nalakad ni Mommy Che.
" Yung sayu lang papafull tank lang natin bukas iho"
Agad na napatawa si Vice dahil sa mga tumatakbong pangyayari na naman bukas. Kaya naman bilang preparasyon agad na nagpamotor wash si Vice sa di kalayuan para bukas pinakintab ito at pinagmukang bago ulit. Tinapik tapik niya ang upuan ng motor neto " bukas mauupuan ka na niya makakabawi nako sa kamalditahan niya bukas lagot ka sakin Jackie " sambit ni Vice sa sarili na nuoy abot tenga ang ngiti.
--
Kinabukasan maagang nagising Vice agad itong naligo na siya namang kinagulat ng mga kasamahan nito. " pre anyare dun aga naligo a?"bulong bulungan nina Terrence at Calvin. " pano eh personal driver tutor yan nung dalaga sa baba maya maya lang nagpapagwapo eh " dagdag pa ni Ion.
" HUUUY ANONG BULUNGAN YAN MGA PARE?" Pasigaw ni Vice na kasalukuyang nasa pinto pa ng Cr.
" wala pare ligo ka na dyan" ani ni Kid.
Matapos maligo ay agad na nabihis ito kumain at nagsepilyo na din. Kumpleto rekados kumbaga." Pare para naman tayo neto mamamanhikan sa ayos natin a" pabiro ni Ronnie.
Nginitian lang ito ni Vice at nagpatuloy sa ginagawa nito.
Maya maya ay agad na ito bumaba para ipaandar na ang motor na gagamitin.
Pinaandar muna ni Vice ang motor nito, tiningnan ang gulong , ang brake para walang masydong aberyang mangyayari mamaya. Ilang minuto niyang hinayaang umaandar ang motorsiklo nito at matapos nun ay pinatay na ulit at pumunta sa bahay nina Jackie. Naaninag nya dun ang isang katamtamang tangkad na babaeng nakasuot ng pink na bulaklaking shorts na di naman masydong kaiklian at isang bodyshaped na shirt na kulay Itim.
Agad na tumayu malapit si Vice dito.
" Ready ka na?" Pagbungad nito
Napakunot noo si Jackie at tila pa kinukwestiyon kung sino ang kanyang kaharap. Kasalukuyan nga palang nakasuot ng camouflage na porontong si Vice at isang Asul na may tatak na  "Smile".
"At bakit ako magreready?" Paguusisa ni Jackie.
" Siya yung magtuturo sayo ng pagdadrive Nak" pagsapaw ni Mommy Che.
"Ha? Mommy naman " sambit ni Jackie na kumakamot kamot pa ng kanyang ulo.
" Anak wala akong ibang mapagkakatiwalaan sayo kung siya kaya wag ka ng maarte dyan sige na Vice magsimula na kayo" nakakibit balikat na sambit ni Mommy Che.
" Hayst as if may choice pako youll regret this " sambit ni Jackie sabay lakad na palayu.
" wooww ako pa tinakot neto " sambit ni Vice na siyang naging rason para humarap si Jackie sa kanya. Nagkatitigan sila. " Ano? Magtititigan lang tayo?" Iritang sambit ni Jackie sabay hakbang uli
" Opps bawal kang sumampa sa motor ko kung ganyan suot mo magpalit ka!" Paguutos ni Vice. Inirapan siya ni Jackie sabay " At sino ka para utusan akong magpalit?" Sambit ni Jackie na kasalukuyang nakataas ang isang kilay nito.
" I am your driving instructor and you are my student so follow me or else walang driving lessons!" Ani ni Vice na may diin.
" DUUUH WHATEVER MUKANG KANAL!!" sambit ni Jackie sabay nagdadabog na naglakad papasok ng bahay nila upang magbihis.
" magsuot ka ng maluwang , pajama yung makapal ang Jacket na din!!!!" Pasigaw na sambit ni Vice upang marinig niya ito. Habang nahihintay ay agad siyang pumunta sa motorsiklo niya at tumalo malapit dito.
Ilang minutong nagpaikot ikot si Vice sa motorsiklo niya sa paghihintay na matapos si Jackie sa pagbibihis. Maya maya lang ay lumabas na din ang isang babaeng suot ang isang kulay gray na jogging pants at isang loose shirt na kulay pink pa din di naman halata na mahilig siya sa pink. At kasabay nun ay dala dala niya ang kulay Asul na Jacket na may tatak na " Dont Touch Me !". Naglakad ito papalapit kay Vice at itong si Vice naman ay ngiti ang ibinungad dito.Agad na tumayo sa may malapit sa motorsiklo at habang pinapagpag ang umupuan nito. " Bilisan mo para kang nagpafashion show dyan" ani ni Vice. Agad namang tumugon si Jackie " Duuh ito nga!". Nang malapit na si Jackie sa motorsiklo ay agad na isinenyas ni Vice ang upuan. "UPOO NA!" Pasigaw na sambit ni Vice. Agad na nangunot ang noo ni Jackie." Isa pang sigaw mo sakin baba ako dito ano akala mo sakin bingi!" Ani ni Jackie sa mahinahon ngunit madiin ang bawat kataga." Ay sorry sige lets make a deal or kasunduan" ani ni Vice.
" Fine do it may kasunduan tayo dito sa driving lessons na letcheng to pero pag na tapos to DI PA DIN TAYO MAGKAKASUNDO!" ani ni Jackie.
" Okay  sige simulan na natin me girls first" ani ni Vice habang agad na humarap kay Jackie na kasalukuyang nakaupo na sa motorsiklo niya.
" 1st have respect with girls wag maninigaw 2nd wag mo kong hahawakan kung tuturuan mo ko edemonstrate mo lang without my hands sa manibela 3rd wag kang manyak wag mong hawakan yung beywang ko pagnagdadrive ako " ani ni Jackie na di man lang nagdalawang isip.
" Got it mine is shut your mouth when im talking yun lang sige magsimula na tayo  " ani ni Vice sabay lakad patalikod para sumakay sa likod ni Jackie para eguide siya.
Isa isang tinuro ni Vice ang mga importanteng parts ng motor twing nagdadrive. Matapos nun ay agad ng pinaandar ni Vice ang motor hinawakan ang brake para hindi agad tumakbo. " Now put your hand on , get your face focus on the road and have balance" mahinahong paguutos ni Vice kay Jackie.
--
AUTHOR'S NOTE:
Ano kayang mangyayari sa gitna ng kanilang " driving lessons" ? Mapupuno kaya ito ng saya o mapupuno ito ng girian nilang dalawa?

Please Vote and Comment po thank you mwuah😘

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now