CHAPTER XI

73 6 0
                                    

Jackie's POV

" Peti... Peti nandito na ako... Nasan ka?"

Nasa mahimbing akong pagkakatulog ng bigla akong nagising sa isang panaginip na sinigaw ang pangalan ko.

Boses yun ni Dapu. Nakikita ko sa panaginip nasa Pedapu siya.

Naghihintay sakin. Ayoko ng umiyak. Ayoko ko ng ilunod ang sarili ko sa sakit.

Pero may parang kung ano sa puso at isip ko na pumunta sa Pedapu.

Agad akong kumuha ng Jacket. Matapos ay lumabas ng kwarto at dumiretso sa motorsiklo ko.

Napabuntong hininga pa ako bago ko pinaandar yun. Tiningnan ko din ang oras 11:30 pm.

Gabi na pero bahala na. Tahimik na wala na ding mga taong naglalakad pero pinili ko pa ding pumunta sa Pedapu.

Nang marating ko ang Pedapu laking pagtataka ko ng may isang lalaking nakatayo doon. May katangkaran.

Nagtara ako gabing gabi na bakit may tao padin ?

Kaya agad agad kong pinarada motor ko sa malapit na malaking punong kahoy.

Bagamat kinakabahan naglakas loob pa din akong lapitan siya.

At nang malapit na ako sa kanya tumayo ako sa kilid niya.

" Gabing gabi na bakit nandito pa kayu kuya?" Saad ko.

Hindi siya sumagot , malayu yung tingin niya. Yung dalawang kamay niya nasa magkabilang bulsa niya.

" Kuya?" Paguulit ko.

" Ay sorry miss " saad niya na biglang humarap sakin.

Puno ng emosyon yung muka niya. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman.

" Bakit po kayo nandito?" Pagtatanong ko sa kanya.

Limang minuto , limang minuto bago siya nagsalita at sinagot ang tanong ko.

" Ito kasi yung lugar na huli kong makita yung unang unang babaeng minahal ko " sambit niya.

Kinakabahan ako ikaw ba si Dapu?

" Ano ba yung babae? Kababata mo?" Pagtatanong ko na kapag sinagot niya na kababata niya yung babaeng tinutukoy niya ibig sabihin siya si Dapu.

" Oo kababata ko siya pero---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

Agad ko siyang niyakap kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Gusto kong humagulgul grabe dalawangput walong taon , dalawangput walong taon akong naghintay sa kaniya finally bumalik na siya.

" Dapuu ... Buma....lik ka na... Salamat dapu " saad ko habang umiiyak.

Mahigpit yung yakap ko sa kanya subra ko siyang namiss.

" Alam mo ba ang tagal kitang hinintay dapu, subrang tagal "

Grabe subrang saya ng puso ko ng magkita kami.

" Diba birthday mo bukas dapu , bukas ececelebrate natin yun ha?" Saad ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya, muka niya.

Tumango lang siya habang tinititigan ako.

Muli ay niyakap ko uli siya. Ayoko kong matapos ang araw nato. Sobrang saya ang tagal ng panahon na di ko siya nakita.

" Subrang miss na miss na miss kita Dapu " saad ko habang nakayakap pa din sa kanya.

" Ano nga ulit pangalan mo?" Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa kanya sa tanong niya.

Hindi niya ba ako maalala?

" Si Jackie to, Peti ... Peti ang tawag mo sakin at ako Dapu naman ang tawag ko sayo hindi mo ba maalala?" Paguusisa ko.

Pero umiling lang siya. Hinintay ko siya ng ilang taon tapos magpapakita siyang walang maalala?

Ano ba talagang nangyari sayo sa States? Pero hinayaan ko nalang yun ayoko kong guluhin yung utak niya.

Maya maya ay bigla nalang siyang nagsabi na uuwi na. Inaya ko pa siyang pumunta sa amin pero umayaw siya sa susunod na araw nalang daw.

" Pero pwede ko bang kunin phone number mo Dapu?" Walang hiya hiyang saad ko.

Agad naman niyang hiningi ang phone ko sabay inilagay phone number niya.

" Sure ka ? Di na kita sasamahan?" Paguulit ko sa kanya baka magbago pa desisyon niya.

" its okay Ja----- Peti " ani niya na tila nalilito pa kung ano talagang itatawag sa akin.

Ngumiti nalang ako sabay kaway sa kanya na medyo malayu na ang nalalakad.

Nang wala na siya dala dala ko pa din ang ngiti sa labi ko. Ilang oras din ay umuwi na din ako at muling natulog. Bago ako natulog nagtext pa ako kay Dapu.

To Dapu
- Goodnight Dapu. Subrang namiss talaga kita. sweetdreams

Matapos yun ay natulog na ako.
Bukas na bukas sasabihin ko ito kay Vice.

Tinext ko din si Vice.

To Vice
- Vice bumalik na siya.. Bumalik na si Dapu samahan mo ako bukas ha? Birthday niya punta ka sa Pedapu ha? :)

Matapos yun ay agad ko nang binaba phone ko kasi di na din naman ako mageexpect na magrereply silang dalawa kasi gabi na masyado.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan maaga akong nagising, as in subrang sigla ko non. Subrang saya ng araw ko non

Pagkagising ni Mommy agad ko siyang niyakap na kinagulat niya at sinabi ko sa kanya about kay Dapu.

" Mommy bumalik na si Dapu nagkita kami kagabi sa Pedapu" saad ko.

Nagulat si Mommy sa narinig niya halata naman kasi na nandilat mga mata niya.

" Talaga? Kumusta naman siya?" Pagtatanong ni Mommy.

" Wala siyang masyadong maalala mommy eh pero sure akong siya yun" saad ko sabay yakap uli sa mommy ko.

Napailing nalang si Mommy habang ako binabalak na puntahan sa kampo nila si Vice para sabihin sa kanya.

Ilang oras pagkatapos kong kumain agad akong pumunta sa kampo nila.

First time ko tong gagawin kasi subrang saya ako at gusto kong malaman yun ni Vice.

Tiningnan ko pa ang motorsiklo niya para masiguro na nandun siya.

" Tao po? " walang sumasagot pano medyo malayu sa mismong pinto nila ang gate nila.

" tao po" paguulit ko.

Maya maya may nakarinig narin si Kuya Greg.

" Oh pasok bakit?" Saad niya sabay bukas sa gate nila pati pinto nila.

Agad kong inikot ang tingin ko pero wala akong nakitang Vice doon.

" Nandito po ba si Vice ? Gusto ko siyang kausapin eh " saad ko kay kuya Greg matagal siyang nagsalita.

" Ah... Si... Si Vice? "  paguulit nya ng tanong ko parang timang kausap si Kuya Greg.

" Opo si Vice po nandito po ba siya?"
" oo si Vice. Preeee nasan si Vice? " pagtatanong niya sa isang kasamahan niya na di ko naman nakikita galing sa pwesto ko.

" Wala dito umalis " saad nung lalaki na tila ba ang layo.

" ah oo wala dito..." Paguulit ni Kuya Greg.

Nagtaka ako eh nasa baba naman motorsiklo niya.

" Eh nasa baba yung motor niya eh? San po ba pumunta?" Paguusisa ko.

" Ah... Uhhmm yung motor kasi... Iniwan niya.. May oplan siya... Oplan ligaw ata yun basta yun " pautal utal na sagot ni kuya Greg.

" ligaw po?" Nagtatakang tanong ko.

" o.oo ligaw .. Ligaw " agad na sagot ni Kuya Greg

" a..ah o..okay sige kuya Greg wala pala siya " saad ko matapos yun ay bumaba na uli ako.

Tiningnan ko din phone ko walang reply nya baka naman talaga operasyon nila.

You're still the ONE ( COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora