CHAPTER X

80 6 1
                                    

Vice POV

Heto na naman ako nagninilay-nilay humihithit ng sigarilyo.

Iniisip ko kung ano ba talagang nararamdaman kong to.

Pero hindi ko naman maikakaila na may iba dito sa puso ko pagkasama ko si Jackie.

Pero tama naman siya what if di kami magclick?
Pano kung masaktan ko siya?
Pano kung masaktan niya ako?

Ang daming paano! Takot na ulit ako masaktan pero paano namin malalaman kung di namin susubukan diba?.

Inaalala ko ngayon ang lahat ng nangyari ngayong araw napapangiti nalang ako.

Lalo na kung bumabalik sa isip ko yung ngiti ni Jackie, yung halik ko sa kanya. Napakamapusok ko talaga buti di ako nasampal non.

" pre nakatulala ka na naman dyan " ani ni Greg na napadaan sa quarters ko.

Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya.
" Wala to pre masaya lang "
Agad niya akong nilapitan.

" halata nga pre jowa ba to?" Natatawang sambit niya sakin.

Sana nga! Sana nga jowa ko nalang si Jackie.

" pumunta ka na nga dun kung ano ano naiisip mo" tapik ko sa kanya.

Nang makaalis si Greg pumasok na ako sa quarters ko para mahiga.

Pero bat di ako makatulog? Paikot ikot na ako dito sa higaan ko pero di ko ramdam yung antok ko.

Para akong baliw na kapag pinipikit ko ang mata ko nakikita ko muka ni Jackie.

Kaya para maglibang kinuha ko phone ko nagscroll scroll kahit di ko naman talaga alam kung anong gagawin ko.

Napunta ako sa mga messages at isang number lang ang nandun. Number ni Jackie.

" text ko kaya?" Bulong ko sa sarili

Nagdalawang isip ako ng pagtingin ko sa orasan 11:30 pm na. Gising pa kaya yun? Bahala na !

To Jackie : Hi

Matapos nong masent di ko na aasahan na magrereply yun baka tulog na kaya agad kong binaba yung phone ko. At muling nagiimagine.

Nang ilang minuto lang nagtaka ako biglang tumunog ang phone ko.

From Jackie : Hello ,ikaw din?

Medyo nagtaka ako sa sagot niya. Matagal nagsink in.

To Jackie : Ang alin?

Di ko na binaba ang phone ko kasi alam ko magrereply naman agad siya.
At hindi nga ako nagkamali nagreply agad siya.

From Jackie : Di ka rin makatulog?

Parehas na parehas kami. Pero bakit? Dahil ba sa pagbasted niya sakin kanina? Nakooo dapat lang di joke lang.

To Jackie : Oo eh , pero Jackie kung iniisip mo yung nangyari kanina dont worry sanay na ako dun

At grabe ang bilis magreply nito ah'

From Jackie : Di naman yun eh segi matutulog nako Goodnight :)

Napatawa nalang ako sa message niya , sa smiley. Kahit sa text ganun pa din yung aura na nararamdaman ko.

Kaya biniro ko siya.

To Jackie : Segi Goodnight Peti HAHAHA sweetdreams :)

Matapos non alam kong di na siya magtitext kaya agad na akong pumikit dahil dinalaw na rin naman ako ng antok.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now